Chapter I

46 15 38
                                    


Chapter I

I was getting ready to go on my prom when my mom called me from downstairs.

"Azrael! Anong oras na, hindi ka pa ba tapos dyan?"

"Malapit na!" I shouted.

Kanina pa ako hindi makapili kung ano ang susuotin ko, yung black suit ba or yung royal blue suit. Hindi ako mapakali dahil ang prom date ko lang naman ay si Trinity Zamora.

Though kakatransfer lang ni Trinity this year, sobrang sikat agad nya sa campus namin dahil beauty and brains kind of girl sya. Magkaklase kami ni Trinity pero sa tingin ko hindi nya ako kilala. Not until the week before our senior prom. She just came onto me then said 'I'll be your date on the prom.'

Actually kahit ako sa sarili ko nagulat din ako eh. Pero sino bang hihindi sa isang 'Trinity Zamora'? Walang tanong tanong, pumayag agad ako.

Bumaba na ako pagtapos kong isuot ang napili kong royal blue suit. Naisip ko din kasi na halos lahat ng lalaki naka black suit na. Why not a royal blue suit for a change?

"Ang gwapo naman ng binatang to." Biro ni Mama.

"Ma, hindi na ako bata. Please stop."

"Ano bang sabi ko? Binata diba?"

"Oo na ma. Sige na, hiramin ko yung kotse natin. Susunduin ko pa yung kaibigan ko."

Sasabihin ko sanang date, kaso baka iba ang maisip ni mama.

"Sige ito ang susi oh." Iniabot nya sakin ang susi at lumabas na ako ng bahay.

Nagdadrive ako papunta sa bahay nila Trinity. Medyo malayo samin pero okay lang. Madilim din ang daan papunta sa kanila at mapuno. Medyo creepy kasi gabi na at wala masyadong nadaan. Parang ganito kasi yung daan na napapanood ko sa horror movies.

As if on cue, may babaeng nakaputing bistida na may blood stains (?) ang tatawid dapat sa daan. Napatingin sya sa kotse ko at umiiyak sya.

For a second there, nag hesitate akong lumabas ng kotse. What if she's a ghost? Then naisip ko, pano naman pag tao to? Edi namatay naman yung tao dahil lang inakala kong multo sya? That's just cruel.

Sa huli, nilabanan ko ang takot ko sa multo at lumabas ng kotse. Nakaupo ngayon yung babae sa daan habang umiiyak.

"Miss okay ka lang?"

May blood stains sya sa laylayan ng bistida nyang puti at naka paa lang sya. She looks innocent for a ghost.

"Miss?" Umiiyak padin sya at hindi pinapansin ang tanong ko. Kaya naman napagdesisyunan kong buhatin nalang sya papasok ng kotse ko.

Ugh. Ngayon ko lang naisip. Yung bloodstains sa damit nya malilipat sa outfit ko. Pero huli na ang lahat, nabuhat ko na sya. I'll just text Trinity hindi ako makakapunta sa prom. Late na, it's already 6:45 and the event will start in 7pm. Dadalhin ko pa sa hospital tong babaeng to at pupunta pa ako sa bahay para magpalit. Baka wala na akong maabutan don sa prom pag tumuloy ako.

"Pupunta tayo sa hospital, okay?"

"H-huh? W-wag!" Nabigla ako sa pag rereact nya. First time nyang mag react sa mga sinasabi ko.

"Bakit? May sugat ka."

"Hindi ko alam. B-basta wag. Nadapa la-lang naman ako."

"Okay. Sa bahay ko nalang."

Hindi na sya nagsalita pa kaya tahimik kami sa kotse hanggang makauwi ako ng bahay.

"Kaya mo ba maglakad?" Tanong ko sa kanya. Kasi kung hindi, bubuhatin ko sya papasok ng bahay.

Falling For YouWhere stories live. Discover now