Chapter V

16 5 6
                                    

Chapter V


Sumama si Airi sa practice namin sa stage para sa graduation. Iba talaga ang nagagawa ng isang anghel, kayang gumraduate kahit isang araw palang nasa school. I wish i had magic stuff like hers too.


Pagkatapos namin mag practice, gusto pa ni Jasper gumala kami. Ang alam ko si Airi lang ang inaaya nya at ginagawa lang nya akong tulay kaya di ako pumayag. Tsaka gusto ko ng umuwi, nakakapagod mag paulit ulit ng lakad buong maghapon.


Nasa jeep kami ni Airi nang tumawag si mama sa phone ko.


Mama: Azrael? May problema tayo.

Ako: Huh? Ano yun ma? (Medyo kabado ako.)

Mama: Si Airi nawawala. Kanina ko pa sya di nakikita.

Ako: Akala ko naman kung ano na ma. Andito kasama ko.

Mama: Bakit kasama mo? Pumasok sya sa loob ng school mo? Anong ginagawa nya dyan?

Ako: Ma maya na ako magpapaliwanag. Bye.


Then I hang up. Marami pa kasi yung itatanong na kung ano ano. Nakakatamad ipaliwanag isa isa sa public place.


"Lagot. Di pala ako nagpaalam kay Tita." Airi said out of frustation while biting her nails.


"Anong sasabihin mo? Na ginamitan mo ng magic ang pagpasok sa school ko?" She stopped biting her nails.


"Oo?"


"Wag na wag kang magbabanggit sa iba ng tungkol don. Kahit yung tungkol sa mga di kapani paniwalang nangyari kagabi." I said softly enough for her to hear me.


"Eh bakit naman?"


"Wag ka ng magtanong. Gawin mo nalang." I answered coldly while getting out of the jeepney.


Habang nag iisip ako ng palusot para sabihin mamaya kay mama, si Airi tumakbo palayo sakin. I saw her running away from my peripheral vision.


Napakamot nalang ako nang nakita ko syang patakbo papunta sa nagbebenta ng cotton candy. Naglalakad kasi kami past sa playground sa village namin at maraming nagtitinda dito sa playground tulad nalang ng ice cream, cotton candy at iba pang mabenta pang bata.


Bumenta naman dito sa batang kasama ko.


"Azi! Azi! Tignan mo!" Sigaw nya sakin. Kasama nya ang mga batang naglalapitan sa nagbebenta ng cotton candy. She looks like one of them.


"Nakikita ko." I answered.


"Kuya magkano ang cotton candy?" She asked the old vendor.


"Eto para sayo libre nalang." The old vendor smiled at her while handling her a mix of pink, blue and violet colored cotton candy.


"Waaa! Talaga kuya? Thank you po ha!" Akalain mo nga naman. Nakalibre pa tong batang to.


"Basta babalik ka dito eh." The old man laughed.


Falling For YouWhere stories live. Discover now