Chapter IV

30 10 20
                                    


Chapter IV


"Azi! Sama ako." She said while pouting and following me around the freaking house.


"Hindi nga pwede. School yon hindi mall." I explained while fixing my tie.


"Eh ang boring kasi dito sa bahay eh."


"Edi mag mall ka mag isa."


"Eh gusto ko kasama kita." Nag iinarte lang yan Azi. Wag mo na pansinin.


"Bye." I ignored her and closed the door before she get out and follow me to my school.


Pagpasok ko sa room sinalubong agad ako ni Jasper ng tanong. Eto na naman ang isa pang sakit ng ulo.


"Uy Azi! Ano ng nangyari dun sa Airi? Maganda ba sya? Ka ano ano mo yun?" I just sat behind him and lazily stared at him.


"Pangit sya. Wag ka na mag abala. Pinsan ko."


"Ay. Okay." Sa wakas tumigil na sya sa kakakulit sakin. Choosy kasi tong si Jas, pag sinabing pangit ayaw na nya. Perks of being handsome.


Parehas naman kami ng estado sa school. Kaso mas sikat nga lang sya sakin dahil nga bad boy at play boy type sya. I'm the i-dont-give-a-crap-on-all-of-you type. May ganon ba?


Girls like his type. Lahat sila umaasang mapapabago ang mokong. Ako na nagsasabi sa inyo girls, hindi niyo mababago ang lalaki unless gusto nila magbago. Kung pipilitin niyo sila magbago, it will just be a disaster. Patago lang nilang gagawin ang bad hobbies nila and you'll just break up.


Habang nagsheshare si Jas ng nangyari kahapon sa kanila nung nurse sa clinic pumasok na ang prof namin.


"Goodmorning class. I would like to introduce to you our transferee." Hindi ko alam kung inaantok ba ako o ano. Tama ba ang narinig ko? Transferee? Nagpapractice na kami ng graduation tapos may transferee?


"Huy Jas. Bat may magtatransfer satin eh nagpapractice nalang tayo para sa graduation? Pumayag sila? Weird non diba?" Kalbit ko sa nasa harapan ko.


"I don't know. Hindi naman weird. Normal lang naman yon diba?"


"Pinagloloko mo ba ako? Anong--" I didn't finish my sentence. The prof announced who the transferee is.


"Airi Mendiola." Kinutuban na ako sa pangalan palang. I confirmed it nang makita kong pumasok ang bata sa pinto.


"Goodmorning classmates!" Napa face palm nalang ako sa sobrang sigla nyang pagbati sa mga kaklase ko. Ano bang ginagawa nya dito? Bakit kelangan nya pa ako sundan hanggang dito? Hype ah.


"Ms. Mendiola, you can sit on the back corner." Tinuro ng prof ko ang dulong upuan sa pader sa likod. Sa likod din ako nakaupo, pero magkabilang dulo kami.


"Ayun! Huy Azi!" She ignored the prof's instructions. Si Jas naman, tumalikod para tumingin sakin. My mistake. Hindi lang pala si Jas, kundi ang buong klase.


"Bro sya ba yung Airi?" Bulong sakin ni Jas.


"Pwede ba dyan ako sa tabi ni Azi teacher?" She even asked the teacher to sit beside me! For fudge sake stop this madness now.


Sana kainin na ako ng lupa ngayon. Pinapahiya ako ng batang to sa klase namin. Lord, kung naririnig mo ko, kunin mo na sya.


"L-lilipat nalang ako." Sabi ng katabi kong lalaki. Kulang nalang mag super face palm ako dito dahil sa eskandalong ginagawa ng batang to.


Falling For YouWhere stories live. Discover now