Sandali akong nagtagal sa paghiga, para kasi akong nahihilo. Ilang segundo pa bago ko pinilit ko ulit tumayo. Tinignan ko ng masama si Keifer pero naka-smirk lang sya sakin.

Isang suntok lang! Yun lang hinihingi ko! Maligaya na ko!

Naramdaman kong parang may lumalabas sa ilong ko. Feeling ko sipon, dahil siguro naiiyak na ko kaya meron.

Ginamit ko yung kamay ko pamunas sa ilong ko. Nakakahiya kasi kung makikita nila. Kayalang ayaw mawala meron pa rin akong nararamdaman na tumutulo sa ilong ko.

"Jay.." dinig kong sabi ni Ci-N.

Tinignan ko sya at sobra yung pag-alala na nakikita ko sa kanya. Kinabahan ako bigla.... Ayoko sana pero tinignan ko yung kamay ko na ginamit kong pamunas.

Na sana pala hindi ko ginawa.

"D-d-dugo..."

Huminahon ka Jay! Kaunti'ng dugo lang yan!

Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Nag-umpisa na rin ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi to maganda! Nauulit na naman! Hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sakin.

Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil sa luha o dahil nag-uumpisa na naman.

Ganito rin yun. Ganito rin pakiramdam ko nun bago magdilim ang lahat at hindi ko na maalala ang mga pangyayari.

Labanan mo Jay! Dugo lang yan! Huminahon ka!

Kahit anung kausap ko sa sarili ko parang wala ding saysay.

"Napaka-tigas ng ulo mo! Sumunod ka sa sasabihin ko!"

"Wala kang kwenta!"

"Mamatay kana! Dagdag palamunin!"

"Wala ang nanay mo, kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko!"

Ayan na naman. Mga memorya na hindi naman pamilyar sakin. Mga boses ng mga lalaki'ng paulit-ulit sumisigaw sa isipan ko. Nakakatakot sila pero kahit ganun andun pa rin yung pakiramdam ko na dapat akong lumaban.

Nakatitig lang ako sa kamay ko, kitang kita ko ang panginginig nito. Nag-uumpisa na rin akong maakit sa dugo at parang may sariling isip ang kamay kong unti-unti lumalapit sa bibig ko.

Hindi! Jay! Wag! Makinig ka!

Halos guhit nalang ang pagitan ng kamay ko sa bibig ko ng may tumabig nito. Para akong nagising sa panaginip at tumingin sa gumawa non.

Aries.

"Kuhanin mo gamit mo at uuwi na tayo." Ma-otoridad nyang utos.

Naguguluhan ako. Hindi rin ako makagalaw. Ayaw kumilos ng paa ko.

"JAY!" Galit na sigaw ni Aries.

Medyo nagulat pa ko pero agad din akong sumunod. Mabilis akong tumakbo pabalik sa room.

+++++++++++++++++++++++++++++

Keifer's POV

Mukang may napikon. Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong nya. Pero bakit ganun yung reaksyon nya sa dugo?

"Pwedeng wag mong idamay si Jay-jay dito." Aries said.

"Affected ka?" I ask and smirk.

Nice! Dagdag na alas laban sayo!

"Hindi... Nag-alala lang ako para sa inyo." He said and also smirk. "..Kung ako sayo hindi ko hahayaan na makakita sya ng dugo."

"Kelan ka pa nag-worry samin?"

"Ngayon lang... Ikaw din, baka magulat ka at makaharap mo bigla ang delubyo."

I cross my arm. "I don't believe you and beside your cousin belongs to Section E, kaya wala kang paki-alam kung anung gawin namin sa kanya."

He chuckled. "Don't say I didn't warn you." He said and walk away.

Kasunod nya si Kiko na nag-iwan ng matalim na tingin kay David. Kasunod din nya si... Ella.

She look very disappointed in me. I can't blame her. I'm still a failure, maybe that's the reason why she didn't choose me.

I'm sorry Ella...

"Keifer! Bakit kailangan mong gawin yun?!" Galit na sigaw sakin ni Ci-N.

"It's an accident! Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong nya."

"Yeah right... Yan din ang sinabi mo sa huling laro mo ng baseball." Ci-N said.

Nag-init ang ulo ko sa sinabi nya. Bakit kailangan nyang ipa-alala yun? Agad kong hinawakan ang shirt nya at tinignan sya ng masama.

"Wag mo kong pagsasalitaan... Baka nakakalimutan mong kung sino ako."

"Alam ko pero si Jay----"

"Anu? Lumalambot kana?"

"Keifer... Ibaba mo na yan." Yuri said boredly.

Binatiwan ko si Ci-N pero nasa kanya pa rin ang tingin ko.

"Wag mong hinatayin ang galit ko. Sundin mo lahat ng sasabihin ko." I look at everyone. "...Jay will stay at Section E!"

"What?!" Yuri asks in disbelief.

"You heard me. She will stay, I have a plan."

Thanks to Aries, I now know what to do with his cousin. Hindi ko alam na magagamit ko sya. Like what I said, panibagong alas laban sa kanya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon