May lumipad na naman na bola malapit sa muka ko! Hindi lang isa, kundi dalawa.

Tumingin ulit ako sa pwedeng pang-galingan. Hindi na aksidente yon, dalawa na eh.

Nakita ko yung mga classmate namin. Masama ang tingin samin----sakin lang pala. May mga hawak silang bola. Iba-iba, pati bola ng football, tennis, volleyball at basketball meron.

B-bakit?

Bigla'ng bumilis yun tibok ng puso ko. Kakaiba yung kaba ko. Hindi rin maganda to parang alam ko na kung saan mauuwi.

Tumingin ako kay Ci-N para humingi ng tulong pero ang walang-hiya biglang nawala. Ci-N!

Napalunok nalang ako at napaatras. Hangang sa bigla silang pumwesto at bumwelo.

Anak ng... Tumakbo kana Jay!

Ayaw gumalaw ng binti ko. Asar!

"Section E!" Sigaw ni Keifer. May hawak syang bola ng baseball kagaya noon bumwelo rin sya.

"Charge!" Sigaw nya.

One word?! Masakit! Gano kasakit? Pvtang'na! Sobrang sakit!

Sa pagsigaw ni Keifer nag-umpisa na silang batuhin ako ng bola. Wala akong magawa kundi ang protektahan ang ulo ko. Kahit kasi tumakbo ako, wala na ring saysay.

Dinig na dinig ko yung tawanan nila at hiyawan. Pati pag-sipol ng teacher namin sa pito nya dinig ko din. Pati mga students na naka-tambay lang ata naghiyawan at sigawan din.

Kusang bumagsak ang katawan ko. Hindi naman kasi ako poste para tumindig lang kahit anung tama or sipa.

Masakit! Pati damdamin ko nasasaktan!

Mapapa-isip ka nalang na bakit ikaw. Bakit nga ba? May ginawa ba ko'ng masama sa kanila? Natapos ang pambabato nila at tinignan ko sila.

Nakatawa lang sila'ng lahat sakin. Si Ci-N hawak-hawak ni Felix at ng iba pa, kita ko yung pag-aalala nya. Nakita ko din yung ibang students na naka-tingin sakin. Dun ko lang din na-realize andun pala si Aries at mga classmate nya.

Si Aries. Kung hindi ko ba sya naging pinsan mangyayari ba sakin to? Sya ba dahilan kung bakit nila ginagawa to?

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak. Siguro dahil masakit yung katawan ko sa tama ng mga bola o dahil hindi ako makapalag sa mga ginagawa nila kahit gusto-gusto ko lumaban.

Babae pa rin naman ako. Mabilis masaktan, hindi lang pisikal pero pati mental at emosyonal.

Pinilit kong tumayo. Pakiramdam ko kasi aping-api na ko at ayoko ng ganung pakiramdam. Papatayo na ko ng makita ko si Keifer na bumwelo.

May hawak syang bola ng baseball. Teka! Diba binato na nya yun? Para syang pitcher sa paraan nya ng pagbato.

Binato nya yung bola at masyado'ng mabilis ang pangyayari para harangan o iwasan ko pa yun. Diretso'ng tumama yung bola sa ilong ko dahilan para bumagsak na naman ako sa sahig.

"Uhg... Aray..."

Tama na! Pagod na ko ahh! Masyado ng masakit!

Ang Mutya Ng Section EKde žijí příběhy. Začni objevovat