Chapter 9 - Help me! Plitz!!

63 2 0
                                    


Rhiyen POV

Kagabi pa ako hindi mapakali. Siguro dahil na din sa lalake sa kawarto ko at idagdag mu pang hindi pumasok si Hiro ngayon.

'bat ba ako kinakabahan ng ganito? haaay nasan na ba yung bestie ko'

Dumungaw na lang ako sa bintana tulad ng dati kong ginagawa.

"tulungan mu ako!!" pangungulit sakin ng batang multo.

Dahil nakulitan na din ako sakanya hindi naman siguro masama kung tulungan ko sya kaya lang siguradong guguluhin ako nito.

Bahala na . Nagsulat ako sa notebook ko at pinabasa sa batang multo.

Sana lang mabasa nya.

'anong tulong ba kailangan mu?'

"yung katawan ko kasi matagal nang nawawala at wala parin nakakakita dito" pagsagot nito sakin matapos mabasa ang sinulat ko sa notebook.

Sasagot pa sana ako na paano ko yun makikita kaya lang pumasok na ang next teacher namin.

"hindi makakapasok si Hiro ngayon dahil na rin sa nangyaring aksidente sakanya kahapon kaya sino man ang mga kaibigan nya dito maari nyo syang dalawin sa Sta Clara Hospital" pagbabalita sa amin ni mam ng makapasok sya sa classroom. At nagsimula na nga ang klase namin sakanya.

Madami ang gustong dumalaw at bisitahin sya ngayong uwian.

"yenyen tara sabay na tayo pumunta sa ospital para dalawin sya" aya sakin ni Aiko. Nasa tabi nya din si Rui na himalang hindi sila nagbabangayan.

Siguro malungkot din ito sa balitang nasa ospital ang aming kaibigan.

"sige tara na para di tayo gabihin masyado". Aya ko sakanila.

Malapit lang ang ospital sa school namin mga dalawang kanto lang.

Napabuntonghininga ako nang maalala ko ang huling paguusap namin ni Hiro.

"yenyen nu ka ba! huwag ka mag-alala magiging ok din si papa hiro ko" sabay tapik nya sa balikat ko.

"kasi naman kung nagpumilit sana akong samahan sya edi sana di sya naaksidente"

"wala naman may kasalanan sa nangyari aksidente yun yen"

"tama si Rui yen kaya wag mu sisihin ang sarili mu ok!" pag aalo parin sakin ni Aiko.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pagkausap sa kanilang dalawa.

"salamat ah matino din pala kayo kausap minsan"

"ayy grabe ka yenyen ah matino naman talaga AKO kausap si Ruelito lang hindi kaya di natin sya friend tara na sa loob ng ospital"

"ui ui ui!! antayin nyo akong dalawa!!"

Natawa na lang ako kay Rui ng nagmamadali itong makahabol samin ni Aiko sa loob ng Ospital.

Dumiretso kami sa Registration Desk ng Ospital at tinanong muna sa nurse na naka-assign kung saan ang room ni Hiro.

Saka kami dumiretso sa room nito. Sa may pintuan pa lang madami nang tao ang gustong pumasok para madalaw si Hiro.

'mukhang nandito na ang ibang kaklase namin'

Bigla na naman ako tinaasan ng balihibo sa batok.

Kaya napakapit ako sa braso ni Aiko.

"tara na sa loob mukhang matatapos na yung ibang kaklase natin bisitahin sya" yaya sakin ni Aiko saka sya ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

oh my Gay Ghost !!!!Where stories live. Discover now