Chapter2- Ghost to be kidding me?

80 2 0
                                    


Rhiyen POV

Sa wakas uwian na !! Saya naman ng unang araw namin sa school. \^,^/

New friends, new teachers, at higit sa lahat new crush !!! ohh di ba !! Saya !! kaya lang broken hearted agad huhuhuhu T.T

choz lang !!! =^,^=

ok lang yun kahit may jowa na crush ko hehehe crush lang naman di ba ?? di ba ?? di ba ???

Oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala hehehe

I'm Rhiyen Kompleto... ang kokompleto ng buhay nyo wahehehe waley nu ? XD

anyway you can call me yen-yen for short tulad nga ng pagpapakilala ko sa mga classmate ko kanina.

I'm 15 yrs old that's all thank you *bow*
peace ^^V joke lang !

wala naman kasi ako masasabi sa self ko ehh bukod sa maputi ako, biluging mukha , katamtamang laki ng mata na kapag tumingin daw ehh parang mangangain ng buhay pero mabaet ako promise ;D , kissable lips din daw ako ayan may daw kasi lahat nang yan sabi nila.

At 5'2 ang height ko walang kulang walang labis parang baligtad ata hohoho , vital stat na 32-24-32 ayan lang naman ang isang tulad ko.

Simpleng tao lang naman ako na may simpleng buhay na may simpleng pamilya at simpleng manamit oha oha oha hehehehe.

Minsan sa sobrang pagka simple ko ok na sakin ang white t-shirt at maong pants kaya minsan na sesermonan ako ni mudang eh ano magagawa ko dun ako komportable kaya wala kayo pakialam kung paboyish ang pananamit kung gusto nyo magdamit din kayo ng ganun wahahaha :D

"ma nandito na po ako!" tawag ko sa aking inang mother. Kaso mukhang wala sya sa bahay namin. Kanina pa ako kumakatok sa pinto.

Bakit ako nakatok sa pinto ? Malamang alanganaman sa bintana diba ? hehehe joke lang wala pa kasi ako susi ng bahay. Bagong lipat lang kami sa two storey house na ito sa loob ng isang exclusive subdivision.

Napilitan kami ni mama lumipat kasi madaming mga nangyayari sa dati naming bahay na kakaiba. Kakaiba in a sense na paguwi mu ng bahay eh magulo ang buong gamit sa bahay na akala mu nanakawan kami pero wala naman nawawala.

Minsan naman sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog mu may maririnig kang umiiyak ooh di ba nakakaloka sa bahay na yun. Pano naman din kasi luma na yung dating bahay namin namana pa yun ni mama sa lola ko na nanay nya at sa kanunu-nunuhan pa ata ng lola ko.

Kaya kesa mabaliw kaming dalawa ng mama ko sa takot lumipat na kami agad buti na lang talaga nag-ooffer ang company nina mama ng housing loan na mababa lang ang interest ohh di ba bongga !! XD.

Naku mukhang uulan na. Pano kaya ako makakapasok nito ? Naku naman oooh!!
T,T

"the number you have dialled is not yet in service or out of coverage area please try again later" wow bongga na-english si mudang! hehehe. Dinadaan ko na lang sa biro at baka mabato ko pa ang cp ko sa inis. -_-

Biglang umihip ang malakas na hangin na nakapag patayo ng balahibo ko sa batok.

'naku po naman ooohh eto na naman wag mu sabihin pati dito meron din?! ayoko talaga ng ganitong feeling ehh i hate this feeling'

May napansin akong nakasilip na bata sa katapat na bakuran namin.

'bata lang yun yen-yen maniwala ka bata lang yun na nagpapacute sayo your soo beautiful kasi !! wahahaha'

Tama palakasin ang loob kung hindi baka magcollapse na lang ako bigla dito. Napapikit na lang ako dahil alam kong di yun ordinaryong bata.

Helloooo !! san ka nakakita ng batang sobrang putla at nanlalalim ang mga mata nu yun kulang sa tulog ? laging puyat ?!. Pero di pa yun ang mas nakakapanindig ng balahibo ko WALA syang ITIM sa mata ?!.

Tumalikod na lang ako at humarap sa pintuan ng bahay namin pilit kong winawaglit sa isip ko ang nakita ko. Subalit para naman itong sirang plakang panay ang replay sa utak ko.

May narinig akong yabag paa palapit sa likuran ko. Hindi pa din ako lumilingon hanggang sa may dumapong malamig na bagay sa balikat ko

'waaah packing tape!! please lang layuan nyo na ako !!!' sigaw ko sa isip ko.

"nak kanina ka pa ba ?"

"waaaaaaaahhhhh" di ko napigilang sumigaw ng malakas kasi naman kanina pa ako natatakot !!! . T,T

"hooy anong nangyayari sayo ?!" sabay yugyog sa balikat ng mama ko. Ma-ma ko ? . Saka lang nag-sink-in sa utak ko na mama ko pala ang nasa harapan ko.

"mama !!!" sabay yakap ko sakanya ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan na maiyak sa sobrang takot.Niyakap na lang din ako ni mama at inalo dahil alam nya na may something na naman ako nakita.

"tumahan kana sige na at umakyat kana sa kuwarto mu para magbihis maghahanda na ako ng makakain natin, bumili na lang ako ng lutong ulam sa may kanto." sabi ni mama hindi ko napansin nakapasok na pala kami ni mama sa loob ng bahay.

Ayaw ko pa sana umakyat sa kuwarto ko pero kailangan ko sundin ang utos ni mama *sniff* *sniff* ang antot ko na kasi hehehe.

"opo ma" sabi ko sabay mano sa kanya nakalimutan ko kasi magmano dahil sa sobrang takot ko.

Matapos ko magbihis at ilagay sa ayos ang mga gamit ko sa school sinubukan kong silipin sa bintana ang katapat na bakuran kung saan nakita ko yung bata kanina.

Pero hahawakan ko pa lang ang kurtina ng bintana ng kuwarto ko bigla na akong pinanindigan ng balahibo sa batok kaya di ko na tinuloy pa.

May third eye ako oo tama kayo actually dati naman puro paramdam lang sila sakin pero mas nadeveloped ito simula ng mamatay si papa.

Tandang tanda ko pa yun 5yrs old ako nun at naglalaro sa bakuran ng dati naming bahay ng may lumapit sakin si papa pala.

"anak mag-iingat ka palage, si mama mu wag mu pasasamain ang loob magpapakabaet ka" sabay yakap sakin ni papa. Parang maiiyak pa sya nung time na yun.

"bakit papa? aalis ka po ba?" tanong ko sakanya kasi nakasuot sya ng barong na puti at itim na slacks sobrang pormal ng suot nya. At parang nagpapaalam pa sya sakin.

"oo my princess aalis si papa"

"san naman po papa?"

"malayong lugar anak malayong lugar pero promise kahit malayo na si papa di ko kayo pababayaan"

Yun ang huling kita at kausap ko kay papa. Kinabukasan nabalitaan na lang namin na naaksidente ang sinasakyan nilang kotse nang hapon na yun.

Ayaw kong maniwala na wala na sya dahil nakausap ko pa sya ng hapon na yun. Walang gustong maniwala sakin na nakita at nakausap ko si papa dahil pano daw yun mangyayari dahil ng mga oras na yun pilit na nirerevive daw ng mga doktor ang ama ko.

Eksakto 6pm nawala na sa mundong ibabaw ang papa ko.

Masakit sobra...

Na hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit.








(A/N)

awooooohhh scary !!! XD
pero parang di naman nuh ?

tnx po sa nagtangkang magbasa :D
;*

xoxo

LOVELOTS

GODBLESS

oh my Gay Ghost !!!!Where stories live. Discover now