Chapter6- Meet my LOVE?!

44 2 0
                                    

2weeks na din ang nakalipas simula ng mangyari ang hulaan portion na yun.

At eto kami ngayon nagtetake ng long quiz. -_-

Paghahanda daw para sa periodical exam.

Kanina pa ako tapos at nakadungaw na lang dito sa bintana.

Tulad ng dati nandun na naman yung batang multo.

Wala naman pinagbago sa mata nya scary parin as usual. T.T

Pero parang nasanay na din ako sa presence nya.

'tulungan mu ako'

"huh?"

Napatingin sakin bigla si Hiro kahit ako magulat din sa naging reaksyon ko.

Nawala sa isip ko na ako lang pala ang nakakakita sakanya.

Nginitian ko na lang sya umiling na lang sakin si Hiro at muling nagsagot sa quiz namin.

'mukha akong baliw sa lagay ko ngayon,. buwiset na multong to pahamak!!!'

'eh? nasan na yun biglang nawala ? weird nang batang multo na yun'

"times up! finish or not finish pass your paper"

"wait lang mam!"

"nu ba yan uy! nu sagot mu sa number 10"

"bilisan mu dyan nagreready na si mam umalis lam mu naman yun di kinukuha ang papel na late magpasa!!"

Ang ingay talaga nila kapag pasahan na ng papel.

"tara na bestie ! sabay na tayo umuwi !"

"uy! Hiro bebe uuwi na ba tayo!!" biglang sulpot ni Aiko.

"ewwww !! kilabutan ka nga sa kakabebe mu dyan!! kadiri ka teh!!"

Oo nga pala kung may mga nangyari man this past 2 weeks yun ay yung pagsama samin ni Aiko Chu.

O dapat ko bang sabihin na pagsama ni Aiko kay Hiro.

Ayaw kasi maniwala ni Aiko na bakla talaga si Hiro style lang daw nito ito para makipaglapit sakin.

Natatawa na lang ako sa naiisip nya.

Nagtataka nga ako sa babaeng to eh ang ganda naman nya para magkandarapa kay Hiro.

Maputi sya bumagay sa makinis nyang balat. Singkit na mga mata at mapupulang labi. Sabayan pa ang balingkinitan nyang katawan at malaking hinaharap.

Anak mayaman pa sya. Isa kasi sa mga may-ari ng school na ito ang magulang ni Aiko.

"hooy! tigilan muna kasi yan si Hiro Aikz! di kayo talo nuh! saka kahit maging tunay na lalake yan hinding- HINDI ka nya magugustuhan hahahaha"

"hahaha papa Rui wag ka naman masydo hard kay Aikz" tanggol ni Hiro.

"at bakit naman Ruelito?!"

Yan naman si Ruelito Sy. Childhood friend ni Aiko.

Pero minsan napapaisip ako kung pano sila naging magkaibigan?.

Para kasi silang aso't pusa
-_-

Nagkakilala sila dahil na din sa magkasosyo sa isang negosyo ang mga magulang nila.

Guwapo din itong si Rui matangos ang ilong . Malalantik na pilikmata kissable lips din sya.

Sya na siguro ang definition ng tall dark and handsome.

May pagkamoreno kasi ito siguro dahil na din sa sports nitong Surfing.

'mauna na nga ako sa mga ito lumabas at mukhang hindi na naman matatapos ang bangayan nila'

Dahan-dahan akong lumayo sa kanilang tatlo.

"wait bestie!!! wag mu ako iwan sa dalawang liwba na ito!!!"

Sabay na nga kami bumatse ni Hiro buti na lang at masyadong busy ang dalawa sa bangayan nila at hindi kami napansin.

~When tomorrow comes
I'll be on my own
Feeling frightened of
The things that I don't know
When tomorrow comes
Tomorrow comes
Tomorrow comes~

'huh? kaninong ringtone yun?'

"hello bhe? bakit ang aga mu naman ata tumawag?"

Napatingin naman ako sa katabi ko.

"nasa school pa bakit?" sabi nito na parang kinikilig kilig pa.

Boyfriend siguro nya ang ang kausap nito.

"huh ? bakit ? bhe naman eh paexcite pa " pamaktol-maktol pa na sabi nito.

Malapit na kami sa gate ng school ng bigla itong tumigil.

"aray! bakit ka tumigil?!" sakit mauntog sa malapad nyang likod T.T.

"kyaaaaaaah!!!!! bhe bhe koooo!!!" tili-sigaw nya sabay patakbo nyang lapit sa lalake sa gate.

Marami nagulat at napatingin sa ginawa ni Hiro.

Pero mas madaming naglalaway ngayon sa kausap nya.

Mas matangkad ito ng kaunti kay Hiro. Matangos din ang ilong hindi ko makita ang mga mata nya dahil sa shades.

Halata sa tindig nito na yayamanin ito.

"ehem" sabi ko ng makalapit na ako sa kanila dahil parang may sariling mundo na ang dalawa eh . -_-

"bestie !! dyan ka na pala"

'ay hindi aparisyon ko lang to'

" bestie meet my one and only love!! bhe bhe ko Jazz Lee " sabay abrisiyete nito sa katabing lalaki.

"hi ! nice to meet you bestie ng bhe ko " hindi ko naabot agad ang kamay na nilahad nya para makipag-kilala.

Dahil tinanggal nya ang shades nya at ngumiti pa ito.

'mamamiya!! ang ganda ng mga mata nya!! at may dimple pa sya!!! alden kaw ba yan?!'

"bestie ? uy!" bigla naman ako natauhan ng sikuhin nya ako.

"nice meeting you din " saka abot sa palad nya.

"pano bestie mauna na muna kami sayo magde-date muna kami ng bhe ko byeeee!!" nakipagbeso-beso pa ito sakin.

Nauna na nga sila umalis.

Nakakamiss din pa lang kasabay umuwi ang baklang yun.

Nakakatuwa silang tingnan kanina habang magkausap. Mahahalata mu talagang mahal na mahal nila ang isat-isa.

'haaay paano kaya nila nalaman mahal na talaga nila ang bawat isa??'

Napaisip naman ako dun.

Sayang talaga sila pareho . huhuhuhu

Wapu ni Jazz pero mas wapu para sakin si Hiro ko.

'eeeeehhh???!! hiro ko?!!! erase erase!!!!!'



a/n

salamat po sa vote :-)

tnx po

Godbless us

xoxo

;*

oh my Gay Ghost !!!!Where stories live. Discover now