Chapter 12

10.4K 309 20
                                    

Hosean's POV

"Alfred, wag naman ganito. Maayos pa natin to. Please. Nakikiusap ako sayo,ayusin natin to."

"Hindi na Ito maayos! Sira na tayo! Sira na ang relasyong to. Hindi na kita mahal!"

"Hindi ba kami importante sayo?!"

"I'm sorry. Pero, Mas Importante sya."

--
Pinunasan kong muli ang luha ko nang maalala ko na naman ang taong nang-iwan sa akin.
Ang taong minahal ko pero nagawa pa rin akong Iwan para sa Iba.

Ganon ba talaga ako kadaling Iwan?
Ipinatong ko ang braso Ko sa akong mukha.

Si Nickel, pareho sila nang taong yon.
Dapat talaga hindi ko na nilalapitan yun, Baka maulit lang uli yung nangyari sa akin,Masasaktan lang uli ako.

Nakarinig ako nang katok Kaya agad akong napalingon sa pinto.

"Hosean. Gising ka na ba?"

Napalingon sa wall clock.
Alas nuebe na pala. Nakatulugan ko ata kagabi ang pag-iyak.
Bumangon na ako at inayos ang sarili ko.

"Oo. Mag-aayos lang ako."

"Okay, make it fast, kakain na tayo."

Napatigil ako Dahil sa sinabi nya.
Simula noong dumating kami Ay Ngayon nya lamang ako inayang kumain.

"Hosean?"
Napalunok ako bago sumagot.

"S-sige"

Pumasok na ako nang banyo at Tinignan ang sarili ko.

Iiwas ako sa kanya.
Tulad nang gusto nya, Iiwas ako katulad nang pag-iwas nya.
Matapos nang maikling monologue Ay ginawa ko na ang dapat kong Gawin.

Matapos maligo Ay lumabas na ako at tinungo ang komedor.

Nakita ko syang nakaupo na at may hawak na dyaryo, nang makita nya ako ay ngumiti sya tumayo, ipinaghila nya ako nang upuan na nasa gilid lang nang pwesto nya.
Imbis na umupo doon Ay pinili kong umupo sa upuang malayo sa Kanya. Mejo mahaba ang lamesa dito at May tatlong upuan sa pagitan namin.
Nang makaupo ay inayos ko ang pinggang nasa harapan ko lang. Kumuha ako nang kanin at ulam. Nagsalin na din ako nang tubig at nag-alay nang maikling dasal.

Handa na sana akong sumubo nang mapansin kong nakatayo pa din sya at hawak ang upuang hinala nya para sa akin.
Seryoso syang nakatingin sa akin.
Napaiwas ako nang tingin at lumunok.

"Kumain na tayo."
Mahina kong sabi at Nagsimula nang kumain.

"Is there any problem?"

Hindi na ako nag-angat pa nang Tingin at kumain nalang. Nakailang Subo na ako nang maramdaman kong umupo sya sa tabi ko.
Hindi pa rin ako Kumibo at tinuloy lang ang pag-kain.

"Baby." Malambing nyang sabi Kaya napatigil na ako sa pagsubo.

Ipinatong nya ang kamay sa aking lantad na hita. Naka shorts lang ako Kaya naman nararamdaman ko ang init nang kanyang palad. Hinawi ko Ito at tumayo na.

Demon's Possession (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon