CHAPTER 2

69 6 0
                                    

KABANATA 2

Nasa crew room si Amanda at nagbi-break habang kumakain ng tanghalian nito ng lapitan siya ni Neil.

"Kumusta na kapatid mo?" sabay upo sa katapat na silya ni Amanda.

"Ay Neil! Salamat talaga ng marami, mabuti-buti na naman ang pakiramadaman ng kapatid ko. Kung hindi dahil sayo baka kung ano na nangyari sa kapatid ko. Thank you talaga."

"Wala iyon!... Mabuti naman at okay na kapatid mo. Ikaw? Kumusta ka?"

"Ah okay lang ako. Oy Neil, pasensya kana if nasusungitan kita palage ha? Kasi umiiwas lang talaga ako, alam mo na..." nahihiyang ngumiti si Amanda.

"Umiiwas saan?" patay malisya naman si Neil kahit naintindihan na nito ang sinasabi ni Amanda.

"Alam muna, kasi--- ayaw ko pang magpaligaw. Umiiwas ako sa mga nakikipagkaibigan na mga lalaki baka doon din ang punta."

"Gusto ko lang naman makipag-kaibigan sayo."

Ngumiti ng tipid si Amanda bago sumagot.

"Oo naman, sa ginawa mong tulong kagabi sa akin, wala akong dahilan para tanggaihan ka ngayon. Basta kaibigan lang ha?" pakiusap ni Amanda na may ngiti sa labi.

Tumango si Neil at iniabot ang isang kamay para makipagshake hands sa kanya. Magiliw naman tinanggap ni Amanda ang pakikipagkaibigan sa kanya. Kaya simula noon, palage na silang magkasama sa pag-uwi at minsan dinadaanan siya sa bahay upang sabay silang pumasok sa trabaho.

Isang gabi na hinatid siya ni Neil sa bahay at nadatnan nila lahat sa sala ang kanyang pamilya. Ang Nanay at Amain niya na si Ramon, si Alvin at ang dalawa pa niyang kapatid na sina Paul at Marie. Pagpasok niya ay agad siyang bumati sa mga ito at nagmano sa Nanay niya at sa kay Ramon. Ipinakilala din niya si Neil sa mga ito.

"May kasama po akong kaibigan si Neil po. Kasamahan ko po sa trabaho at inihatid lang po niya ako." parang naiilang na pakilala niya sa mga ito.

At agad naman bumati si Neil sa kanilang lahat.

"Magandang gabi po!" sabay ngiti.

"Magandang gabi naman sayo Neil. Salamat sa paghatid mo sa anak ko ha." si Mercedes.

Ngunit ang Amain ni Amanda parang hindi gusto ang nangyayari, sinisipat niya si Neil na para bang sinusuri ang pagkatao nito. Pero magiliw naman nakangiti ang mga kapatid niya kay Neil.

"Ate, ang gwapo naman ni Kuya Neil kagaya ni Kuya Jake." si Marie.

"Oist! Ikaw bata ka!... marunong kanang tumingin ng kwapo ha. Ang bata-bata mo pa." may birong saway ni Amanda dito.

Nagtawanan silang lahat.

"Salamat naman Marie at ikaw rin ay maganda at cute na bata." ganti ni Neil dito.

"Neil upo ka at dito kana maghapunan sa amin." si Mercedes.

"Oo nga Neil, dito kana maghapunan." segunda naman ni Amanda.

"Maraming salamat po, pero uuwi na po ako kasi gabi na po at baka abutan pa ako ng ulan sa daan." tanggi ni Neil.

" Ganoon ba, o s'ya next time dito kana kakain, para naman makaganti kami sa paghatid mo sa anak ko." si Mercedes.

"Sige po, next time po. Pero walang anuman po iyong paghatid ko kay Amanda."

"Kuya Neil, pagbalik mo pwede po ba magdala ka ng pancit kasi paborito namin ni Ate iyon." magiliw na hiling ni Paul.

LOVE and SACRIFICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon