Chapter Twenty-Three

105K 2.7K 536
                                    

What is Zion doing here?!

Hindi ko mapigilan isipin ang biglaang pagdating niya dito habang kumakain ng lunch. Knowing that he's just around the place stressed me out. I couldn't stop myself from pigging out. Hindi ko alam kung nakailang order ako ng rice. Halos nga lahat ng dessert nila ay natikman ko na.

Sa kabutihang palad, hindi naman siya pumunta sa restaurant. Kahit nang matapos akong kumain at umalis doon ay hindi ko nakita kahit ang anino niya.

Gusto ko sanang magpahinga muna dahil kakain ko lang pero naisip ko na huwag na munang bumalik sa room. I was scared that I'd cross paths with him, but considering how this resort isn't big enough for the two of us─I know we'll eventually meet. Kahit na anong iwas ang gawin ko ay paniguradong magkikita at magkikita pa rin kami.

I can't face him yet. I still need time. Kulang pa rin sa akin ang dalawang araw na lumipas. Hindi pa sapat iyon para harapin ko siya. How much time do I need then? Do we need another three years here?

A few nights ago, I've made up my mind and was set on giving us another chance. For the second time, I wanted to take a risk again. I pointed the gun at my head the moment I risked my heart for him and it didn't take him long to pull the trigger.

Hindi pa nga ulit kami nagsisimula ay natapos na agad kami. Hindi ko pa nabibigay ulit sa kanya ang tiwala ko ng buo ay sinira niya ulit iyon.

How am I supposed to trust him again? How am I supposed to believe any word that comes out of his mouth when it's so damn easy for him to hide things from me?

May third chance pa ba? Hindi ba hanggang second chance lang? And how does the line go again? Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. Fool me thrice... Ang kapal ng mukha mo.

Naglakad-lakad na lang muna ako sa resort. Nung una ay kabado pa ako at alerto sa paligid, sa takot na bigla na lang siyang sumulpot kung saan. Nang makalipas ang ten minutes at hindi ko pa rin siya nakita ay tsaka ko lang nakuhang kumalma.

Fatima gave me a list of activities that I could do for today. May schedule pa nga siyang ginawa. Inuna ko ang pagtingin sa Aviary na nasa tabi ng park. It's too bad I left my Canon at the room. Gusto ko sanang kuhanan ng picture ang mga iba't ibang klase ng ibon at ibang hayop, but this is also nice. I get to enjoy every moment.

Una kong nakita ang scuba diving sa listahan na binigay sa akin ni Fatima kay iyon din ang unang ginawa ko. Dahil mag-isa lang ako ay sumabay ako sa boat ride ng magba-barkada na mukhang college students pa. They were nice and friendly at sanay akong makisama kaya walang naging problema sa akin iyon.

Pagkatapos mag scuba ay nag jetski naman ako. It's cheap compared to the rates in Boracay. A small smile remained on my lips as I drove the watercraft.

The salty sea breeze was fanning against my face and it felt nice. May dalawa pa akong nakakasalubong na nagje-jet ski na masayang naghahabulan. Napangiti ako at ibinalik ang atensyon sa sariling dinadaanan.

Nawala ang ngiti sa labi nang may matanaw na pamilyar na mukha mula sa di kalayuan. Is that... Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Zion nga ang nakasakay sa jet ski kagaya ng akin.

He's hearing towards my way. Napasinghap ako. Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari. May bigla na lang na lumabas na tili mula sa bibig ko at sunod kong naramdaman ang pagbagsak ko sa tubig.

"Savion!" I heard my name being shouted from a far.

Sea water splashed in my face the same time I breathed in. I inhaled water right through my nose and I was incessantly coughing. Fuck! Ang hapdi!

May narinig akong tumalon sa tubig malapit sa akin. Panibagong tubig na naman ang tumalsik sa mukha ko. Mabilis na pinasadahan ko ng aking palad ang mukha. Pati yung mga mata ko ay mahapdi din! Nakakahilam!

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon