Chapter 3

39.1K 1.1K 20
                                    

Chapter 3

Rain Joy's POV

"Rain..." Napadilat ako sa pagkakatulog na nakarinig ako ng isang mahimbing pero malamig ang tuno ng kanyang pananalita.

Umupo ako at tinignan ang nasa side table ko. 2:30 AM palang. Napakunot ako ng tinawag niya ulit ako.

"Rain..." Sabi nito. Nakaramdam ako ng kaba pero ang katawan ko ay kusang tumayo at naglakad papuntang pinto at lumabas.

Ewan ko kung bakit kusa akong huminto sa garden nila tita. Maliit lang to pero maganda at simple.

May nakita akong babaeng nakatayo malapit do'n sa mga bulaklak na kulay puti. Napangiti ako sa kanya.

Mag lalakad na sana ako palapit ng humarap to sakin at ngumiti kahit malamig ang mata nito.

Nakakahanga ang kagandahan niya na parang katulad ko. Pero mas maganda pa rin ako syempre.

"Sino ka?" Tanong ko.

Ewan ko kung bakit hindi ako makaramdam ng kaba sa kanya at nararamdaman ko na mabait siyang tao.

"Andito ako para kalabanin mo" sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"HA?! Wait pwede bang pakiexplain muna. Gusto ko muna matulog..." sabi ko. Syempre binulong ko lang yung huli.

"Pag natalo mo ko ay makukuha mo na ang talagang kapangyarihan mo na yelo pati na rin ang Ice Dragon mo na si ICE. " sabi niya.

Wait! Siya ba si...

"Ako si Icelle The Goddess of Ice " sabi niya at ngumiti pero ang lamig talaga ng mukha niya medyo malapit sa bangkay. Obvious naman kasi, ice ang power niya.

"Sige pero baka magising na'tin sila Bes at ang mga kapit bahay" sabi ko. Syempre baka makakita pa sila ng isang kalahi ko haha.

Nag snap siya ng kanyang finger at BOOM! Nalipat kami sa isang field at puro yelo dito at may ilang puno. Nagulat ako pero nakaiwas ako sa pagbato niya sakin ng ice spear.

Gagawa na sana ako ng fire ball ng may sabihin siya.

"Ice vs. Ice lang." sabi niya gamit ang malamig na tono. Tumango ako gumawa ng Ice Spear at hinagis sa kanya yo'n pero tinamaan niya ang spear ko kaya nawala lang to.

Gumawa siya ng malalaking Ice ball at binato sakin. Umiwas ako pero hindi ko inaasahan na tinamaan ako ng isang ice ball sa mukha kaya napatumba ako.

Third Person's POV



Nadaganan ang ating mahangin na bida ng isang malaking Snow ball at ngayon ay nakangisi si Icelle. Pero nagulat siya ng nag mala ipo ipo ang naiipon sa loob nun at biglang nawala ang snow ball at naging snow tornado at papunta sa kanya yon.

Sinubukan umiwas ni Icelle pero hindi niya inaasahan na may kasamang matutulis na yelong bagay ang nasa Snow tornado kaya hindi niya naiwasan mapangiwi.

bago pa siya makarecover ay bigla na lang siya tinamaan ng Malaking ice ball na may matutulis sa bawat paligid nito.

tinaas niya ang kamay niya at tumigil ang ice ball sa pagtama sa kanya at sumuko na siya

"You win" sabi nito na may pagkahalong paghanga sa ating bida na si RJ.

tumingin si Icelle kay RJ at hindi maiwasan mamangha sa mga mata ngayon na akala mo ay kulay nyebe.

"Yes! Nanalo ako."" at pagkasabi ni Rain nun ay nawala sa sila sa Ice dimension.

Ginamot muna ni Icelle ang mga sugat nila at tumingin siya kay RJ na ngayon ay nakatingin sa ginagamot niya.

The Runaway Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon