Chapter 2

47.5K 1.2K 36
                                    


Chapter 2

Rain Joy's POV

"Tara na?" I asked her habang nakatitig naman siya sakin.

"Bakit nag ganyan ka uli-ah alam ko na. Hehehe" agad niyang sabi. Mukhang gets naman niya siguro.

"Wala namang masama sa gantong outfit diba? Ganto rin naman ako dati." sabi ko at naglakad pababa ng hagdan habang siya ay nasa baba at nakatingin sakin.

"Hindi lang ako sanay pero seryoso? Bakit nakaganyan ka ngayon?" nagtataka niyang tanong.

"Wala lang para hindi kita malamangan sa kadyosahan ko. Haha" mahangin na sabi ko. Natawa naman ako ng sumimangot siya.

"Ge push mo yang kahanginan mo. Tara na nga!" sabi niya ng makababa ako ng hagdan at hinila palabas ng bahay. Wala sila tita at tito baka nag-date. Feeling teen pa rin sila hahaha.

Pagdating namin doon ay agad na napukaw namin ang mga tao at lahat sila ay nakatingin sakin na parang isang basura maliban na lang sa iilang matatanda na. Eh kung sila kaya ang itapon ko no? Hahaha.

Lumapit si bea sa isang nagtitinda na babae kaya sumunod ako.

"Ah miss magkano po ito?" sabi ni bea sa nagtitinda. Lumingon to samin at ngumiti. Mukhang mabait. Iyan ang unang sumagi sa isip ko.

"500 zen lang." sabi ng matanda at ngumiti.

"SIge bibilhin na namin yan! Bes, ikaw mag suot nito bilis!" sabi niya. Wala na ko nagawa ng binigay na niya sakin at tinulak ako sa fitting room.

"Okay lang ba?" sabi ko habang tinitignan ang suot ko na dress na kulay light blue at maganda siya kaya tinanggal ko muna ang salamin ko.

"Omg! Ang ganda mo! Bagay sayo! Pili ka pa!" sabi niya. Umiling ako pero niyugyog niya ang balikat ko.

"Okay tama na nahihilo ako eh" sabi ko at nilagpasan siya. Nakanguso lang siyang sumunod sakin.

"Ang ganda niyo po ma'am lalo na ng wala kang salamin." sabi niya. Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanya.

Binayaran na niya ang binili namin at lumabas na kami at naglakad para makabili ng kailangan namin sa school like mga coat, damit mga scrolls at iba pa.

Aalis na sana kami ng nakarinig kami ng sigaw mula sa isang matandang ale at isang lalaki na may hawak na isang bag na naglalaman ng mga zen dahil natatapon pa ang iba dahil nakabukas to.

Imbis na tulungan ng mga babae at kalalakihan ang matanda pinulot pa nila ang natapon. Iba iba talaga ang klase ng tao. May mabait, masama, walang pakialam at abnormal. Imbis na tulungan parang ninakawan din nila.

Wala akong nagawa kundi magpalabas ng ice balls at binato sa lalaki na nakangisi habang nakalingon sa likod.

Natumba siya at tatayo na sana ng naglagay ako ng ice chains kaya hindi siya makagalaw at saktong dumating ang mga gwardiya kasama ang prinsipe ng apoy. Paano ko nalaman? Kasi alam ko. Joke! Nakita ko na sila sa palasyo dati at halata naman sa suot niya.

"Salamat sa iyong tulong binibini." sabi ng guard. Tumango lang ako at ngumiti ng matipid.

"Walang anuman." sabi ko. Tumingin ako sa prinsipe na nakakunot habang nakatingin sakin. Ngumiti lang ako dahil feeling ko ang awkward.

"Pakawalan niyo ko. Put*ngina." sabi ng magnanakaw. Sinampal ko siya. Medyo nagulat din ako sa ginawa ko pero medyo malakas lang. Nanlaki ang mata niya aat tumingin sakin ng nanlilisik na mata.

"T*ngina mo! Papatayin kita kapag nakawala ako ditto." sigaw niya sakin. May sasabihin pa siya ng tumalikod na ko at kasabay ng pagdating ng prinsipe ay tumakbo na ako lumapit kay bea at hinila siya palayo sa kanila habang hawak niya ang binili namin.

The Runaway Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon