"Diocletian," sabi ko sa kanya. Buti pala natandaan ko pa 'yun. Di kasi ako nag-aral kagabi gawa nga nung mga nangyari. Ayan na naman! Ano ba Venice, focus nga muna sa quiz bee! Sinulat nalang niya sa cardboard yung sinabi ko. Bahala na, yun yung tanda ko eh.

"Times up! Raise your answers!"


Tinignan ko naman yung answers ng mga kalaban namin. Karamihan ay Diocletian din. Yes! Tama yung natandaan ko!


"And the right answer is Diocletian!"

"Yes! Tama tayo!" sabi ko at ngumiti naman siya.


***

Nasa difficult round na at tinatally ang scores namin. Nagtutulungan na nga lang kami eh. Kasi hindi ako nag-aral at marami akong hindi matandaan. Siya naman ay kalahating part lang 'yung naaral dahil sobrang late na raw sila nakauwi kagabi.


"Okay, ang third place ay ang III-Sapphire!"


Nagpalakpakan naman 'yung section ng Sapphire. Ang quiz bee kasi na 'to is universal. I mean, all levels ang kasali. Kaya nga feeling ko ay lugi ang mga first year eh. Malamang naman 'di ba? Pero last year ay ang nagfirst place dito ay first year. Ang galing nila nun.


"But we need a clincher round for the first and second place! Ang maglalaban ay ang IV-Quartz at III-Diamond!"


Nagulat naman ako sa announcement. 'Di ko inexpect na makakapasok kami dahil nagkamali kami sa ibang questions. Oh my God. Kinabahan tuloy ako lalo!


"GO LIANN! GO ROJ!"


Narinig namin na chinicheer kami ng section namin. At take note, kasama pa 'yung adviser namin. Ang supportive naman nila. Nakakatuwa. Pero kinakabahan talaga ako!


"K-kaya natin 'to." Kita mo 'to. Halata namang kinakabahan siya kanina pa eh. Nanginginig nga siya kapag nagsusulat. Pero kailangan naming manalo.

"The question is—Ano ang pinakalumang lungsod sa Sumeria o mas kilala rin sa tawag na Mesopotamia? Go!"


Natulala ako nung marinig ko 'yun. Oh my gosh! Hindi ko 'yan alam!


"Roj, alam mo 'yung sagot?"

"Di ko matandaan kung Akkad o Nippur. Di ko kasi masyadong nabasa eh."


Kinakabahan na kami ngayon. Hindi kami makapili kung Akkad or Nippur. Gosh talaga! Hindi ko kasi nabasa 'yan eh. Pero familiar 'yung Akkad at Nippur. 'Di ko nga lang alam 'yung description sa kanila.


"10 secons left."

"Ano na? Akkad nalang?" sabi ko sa kanya. Wild guess na lang ang pag-asa namin.

"Ewan. 'Yun na lang ba?"

"Sige. Bahala na." Napapikit na lang ako habang sinusulat niya yung answer.


Narinig na namin ang tunog ng buzzer at hindi na ako nakahinga. Oh my gosh! Sana tama kami!


"Time's up! Raise your answers! And the correct answer is..."


Akkad, please! Akkad! C'mon!


"NIPPUR!"


Halos nanlumo ako nung marinig ko 'yun. Bakit Nippur?! Hala naman oh!

Naghihiyawan na 'yung mga tao habang ako ay nakayuko lang. Sobrang nanghihinayang ako. If I know ay mga fourth year yung sumisigaw. Tama ata sila eh.


"And now we have our first and second place! First place goes to III-Diamond!"


Napatingala ako nung marinig ko 'yun. Teka, Akkad ang sagot namin ah?

Napatingin tuloy ako bigla sa board namin at nanlaki ang mata ko nung nakasulat ang salitang Nippur doon.


"Pinalitan mo?" Hindi ako makapaniwala sa nakasulat.

"Instinct. Sinulat ko na lang 'yung Nippur. Pakiramdam ko 'yun ang tama eh. And I'm right. We won."


Napasigaw na lang ako at napatalon. My gosh, nanalo kami! Hanggang sa pagsabit ng medal ay hindi pa rin matanggal 'yung ngiti sa labi ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala!


***

"Congrats Roj! Congrats Liann!"

"Congrats!"

"Whhoooo! Go III-Diamond! We're the best!"


Nagcecelebrate kami ngayong lahat sa room sa pangunguna ng adviser namin na si Ms. Mendoza. Grabe ang sarap talaga sa feeling pag nananalo ka! Habang tinatanggal ko 'yung medal na sinabit sa akin kanina ay may nakita akong nakatayo sa harapan ko na ikinagulat ko.


"Congrats Liann."


Si Ivan.

Now I feel like I'm going to cry, again.


***


Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now