prologue

70 2 0
                                        

prologue

--

Naglalagablab ang bonfire sa gitna ng campsite, nagpapakawala ng mahinang alab na sumasayaw sa hangin. Tumatawa ang buong grupo, hawak-hawak ang kani-kanilang baso ng alak habang patuloy ang kwentuhan. Ilang oras na silang naglalaro ng 'truth or dare', pero halatang nagsisimula nang lumalim ang usapan.

"Okay, okay, ako na!" sigaw ni Erina, ang team leader nila, habang inaayos ang buhok niya. "Truth or dare, Kristus?"

Ngumiti si Kristus, ang tahimik pero ika nga ng grupo, 'pet peeve' ng lahat. "Dare."

Nagpalitan ng tingin ang ilan sa group. Si Maira, ang prankster, ang unang sumingit. "Okay! I dare you to go to the forest alone for five minutes. Walang flashlight, walang cellphone!"

Nagtawanan ang lahat. "Tangina, Mai, horror story ba 'to? 'Di ba masyadong delikado?" reklamo ni Ellie, na halatang kinakabahan.

"OA! Matatanaw naman natin siya mula dito, five minutes lang naman." Kawiran ni Maira.

Napailing nalang si Kristus saka tumayo, "sige na nga. Baka may multo pang gusto sumama sa'tin, sunduin ko nalang."

"Baka bastusin mo 'pag babaeng multo ah! Paawat ka naman dre!" ani naman ni Lebron na muling nagpatawa sa lahat.

Nag-cheer ang grupo habang pumasok si Kristus sa madilim na kagubatan. Wala namang seryoso sa dare na 'yon—hanggang sa lumipas ang sampung minuto.

"Wala parin siya?" tanong ni Nicole, na bahagyang nababahala.

"Gago, baka may nakita talagang babaeng multo!" biro pa ni Phael na nagdala ng tawanan sa lahat.

"Baliw! Baka 'di na napansin oras," sabi naman ni Ellie.

"Ay, beh, check niyo na, ano pa mangyari do'n kasalanan pa natin." Sambit ni Reah.

"Edi mabuti," ani Francine na ani nga n'ya'y mortal na kaaway siya ni Kristus. Sa sinabi niyang ito ay agad naman siyang binatukan ni Jenny habang tumatawa.

"Susundan ko na nga, ako pa mapapagalitan—" sabi ni Erina, pero bago siya makatayo, isang malakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan.

Sinundan nila nang tingin kung saan nanggagaling ang sigaw at nakita nila si Arianne na takot na takot at tila nanginginig. Sinundan nila ang tingin nito at tila nanlamig ang buo nila katawan.

Mula sa kadiliman, may lumabas na isang anino at biglang bumagsak sa lupa. Dali-daling tumakbo sina Lebron, Phael, at Laurence, samantalang sina Maira at Erina ay dumalo kay Arianne para aluin ito.

Nang mahagip ng liwanag ang katawan, biglang natigilan sina Phael, Laurence at Lebron.

Si Kristus—wala nang buhay. Lustay ang damit at halatang pinahirapan.

At sa kanyang dibdib, may nakaukit gamit ang patalim—isang numero. "1".

Dead AirTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang