Chapter Sixteen

533 27 4
                                    

Naddie's POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Nakapag retreat na rin kami kasama ang mga taga masscom.

Ganun pa rin nakikita ko parin araw araw sa school si James. Walang nag bago sa feelings ko sakanya. Nasasaktan parin ako sa tuwing naalala ko yung mga sinabi niya sakin.

Kaya ang ginagawa ko natutulog na lang ako ng maaga palagi para hindi na masyado mag isip pa. Atsaka napatawad ko na rin siya. Laking tulong din sakin nung retreat.

Hawak ko ngayon yung retreat letter na ibibigay ko sakanya.

Niyaya kasi ako ni Yassi na gawan si James ng letter. Ayun pumayag nman ako gagawan niya rin kasi si Andre ng letter. Siguro ito na rin yung way ko para maka move on sakanya. To let him go kumbaga ang letter na to ang closure na hinahanap hanap ko.

Nung nag retreat kami natutunan ko rin na mapatawad na lang siya kesa naman mag tanim ako ng sama ng loob diba, ako lang ang mahihirapan.

Binasa ko ulit yung nakalagay  sa letter ko.

Hi James!

It's been years... chos days lang hahaha. So kamusta ka naman? Oo nga pala gusto ko humingi ng sorry sa ginawa ko. Thank you kasi kahit sa one week na yun napasaya mo rin naman ako. Sana napasaya rin kita. I wish you all the happiness that you deserve. Sana sa next mo alagaan mo siya ng maayos at pahalagahan. I will always be here for you. Thank you rin pala sa libre mo, sige ililibre din kita! Pero dirty icecream lang ah? hahaha. Sana we can still be friends. Take care always and god bless!

-Naddie


Okay na siguro toh. Ini roll ko na yung letter ko then nilagay ko na siya sa bottle. Yung laman ng bottle may rosary din na nakalagay dun.

"Yassi bilis!Ma lelate na ko sa next class ko, may exam pa ako!" Sabi ko sakanya. Buti siya wala ng class ako meron pa.

Nasa mall pa rin kasi kami ngayon. Naglalagay pa siya ng pictures ni Andre sa ibibigay niyang retreat letter. Eto daig pa mag jowa eh!

Ang tagal niya pa bago matapos. 1:30 na kami nakarating sa school. Eh 1:30 start ng exam ko. Pahamak talaga tong si James.

At dahil nag mamadali na ako, nauna na akong pumunta sa parking lot kung saan namin sila kikitain. Dala ko naman yung maliit na paperbag kung saan nakalagay yung ibibigay namin ni Yassi.

Pag dating ko sa parking lot parang gusto ko ng umatras. Andun si James naksandal sa sasakyan niya.

Nag panic ako, bigla kong binalikan sila Myrtle. Nagtaka naman sila kaya hinila nila ako pabalik sa parking lot.

Nakita ko ulit si James, this time papalapit na siya samin. Biglang bumils ang tibok ng puso ko. Ang dami kong iniisip that time.

Si James, yung letter at yung exam ko.

Maya maya pa ay katapat na namin sila James. Hindi ako makatingin sa mata niya. Bakit ako pa ang nag mumukang guilty sa aming dalawa?

"Ah sige una nako bigay niyo na lang may exam pa ako eh! Bye!" Sabi ko at binigay agad kay Yassi yung paper bag at tumakbo palayo.

Narinig ko ang mga tawag nila pero hindi ko sila pinansin. Wala akong time, may exam pa ako!

Pagka dating ko sa room tahimik silang lahat at nag eexam. Napatingin naman sila saking lahat. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

Lumapit ako sa prof ko at kumuha ng exam. Tumabi nako kala Kath at nag exam na.

Wala pang mga 30 minutes natapos na agad ako. Putek yan ako na nga last ang exam ako pa ang unang natapos!

Kahit nahihiya ako ipinasa ko na agad yung exam ko. Agad ko naman kinuha ang bag ko at lumabas na ng room. Pag check ko ng phone nag text sila Yassi. Nasa lib daw sila kaya agad naman akong pumunta dun.

"Girl! Sayang umalis ka agad kanina!" Myrtle said.

"Oo nga parang tanga toh umalis agad" Singit ni Yassi.

Yan agad ang bungad nila sakin pag dating ko ng library.

"Sorry naman, inuna ko kasi yung exam ko kesa landi" Sagot ko.

"Ay alam mo ba nung tinaggap ni James yung letter mo napangiti siya tas nag smirk pa siya!" Kwento ni Yassi.

"Talaga? Ibig sabihin nun nagustuhan niya yung gawa ko?" I said.

"Oo naman!"

"Tinatawag ka nga namin kanina eh kasi ini expect niya na ikaw ang mag bibigay sakanya ng letter" Napangiti naman ako sa sinabi ni Myrtle.

"Don't worry mamaya mag tetext din sayo yun" Tumango na lang ako sa sinabi ni Yassi.

Nag ayos lang kami saglit then after nun umuwi na kami.








Habang nanonood ng tv, bigla naman nag vibrate phone ko. Nagulat ako ng makita ko si James ang nag text.

Fr: James

Hi! Thank you for the letter. I really appreciated it. Sorry sa nagawa ko, I was not really ready pa talaga. I hope you can understand. And wala naman ako bago ngayon eh.

Di ko alam kung matutuwa o masasaktan ako sa tinext niya. Pero agad naman akong nag reply.


To: James

Don't worry naiintindihan ko. Sorry din pala. I hope we can still be friends. :)


Fr:James.

Sure. Kung gusto mo romantic friend pa eh hahaha.


Hindi ko alam kung anong irereply ko. Mag papakatanga ba ako? Alam ko nama nna fling lang talaga ang hanap niya ngayon.  Napakagat ako ng labi ko.


Akala ko ba i lelet go ko na siya?


To: James

Sure.


Sana hindi ko pag sisihan ang desisyon ko.


REVISED

Secret Love Song Where stories live. Discover now