(Book One) Whispers To Juliet

182 3 0
                                    

(Book One- Clyde Lucas)

Whispers To Juliet

Bakit?

Bakit sa pagpasok ko ikaw pa yung babaeng sumalubong sakin? Bakit sa lahat ng pwede kong paghulugan ikaw pa?

Hindi ako kagwapuhan, matangkad na hindi rin maputi. Kung pagsasamahin hindi ako yung tipo mong lalake. Hindi ako maputi at may mga chinitong mga mata. Wala rin ako ginintuang boses tulad ng mga iniodolo mong koryano.

Hindi mo maikakailang malayo kami sa isa't isa. Malayong malayo pero bakit pilit ko paring ipinagpipilitan ang sarili ko? Alam ko naman hinding hindi ako magiging iyo.

Hindi ko alam kung anu bang pumasok sa isipan ko nung mga panahong kinukulit kita, pasensya kana wala akong makausap na matino at nang hindi ako tumigil ay tuwang tuwa naman ako nung ikaw nainis at ibinaba mo ang binabasa mong libro.

So hindi mo talaga ako titigilan eh no? Kunot ang noo mong humarap sakin, hindi man masarap pakinggan pero para sakin pagasa yun na mukang magiging mabuti naman ang paglipat ko rito. Syempre napangite ako, masaya akong pinagtutuunan mo na ako ng pansin.

Pwede magtanong? Bakit tumitigil ang tibok ng puso t'wing ngumingite ka. Hindi rin hardin at mas lalong walang mga bulaklak sa tyan ko pero bakit nakararamdam ako ng kiliti sa aking tyan.

Ilang taon kana? Pasensya na at hindi ko masasagot yan. Alam ko kasi kapag sinabi ko ang tutuo ay lalayuan mo na ko't kamumuhian. Ayokong mangyari yon pero sabi nila age doesn't matter, pero bakit satwing na-lilink ako sayo naiinsecure ako, lalo na sa mga inosente mong ngite?

Bulakbol ako noon at ngayon lang naisipang bumalik sa pagaaral. Buhay maynila, hindi ko yon maiwasan. Barkada rito, Alak doon. Hindi ko naituwid ng maganda ang buhay ko pero salamat don, nakilala kita.

Otaku ka rin pala, Hay! Ayan nabunutan nanaman ako ng tinik sa puso. Akalain mong mayroon tayong pagkakapareho. Tuwang tuwa ka sa twing makakarinig ka ng alam mong anime. Ako naman si itong tangang umiisip ng iba pang palabas na pwedeng ibahagi sayo para lang maipahaba ang usapan.

Naging kaibigan ka ng lahat, ano nga naman ako? Teritoryo niyo ito. Dayuhan ako. Sa kabila ng lahat kahit na dayuhan ay hindi mo ako iniwan bagkus sumabay ka saking bawat laban.

Ay nako Lake, lubay-lubayan mo na kasi yan. Ang yabang yabang kaya, akala mo kung sino maka asta. Hamak na transferre lang naman siya. Masakit marinig yon pero hindi ako nagpatinag kasi hindi mo ako binitawan. Nasa tabi kita kahit na kaibigan mo sila, at alam kong ilan taon na rin kayong magkakasama. Bakit? Bakit ako pa?

Hindi ko kayang iparamdam sayo ang mga nararamdaman ko, natatakot akong masaktan. Ayoko nang maulit pa ang mga nangyari noon. Pilit kitang nilubayan, pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Clyde iniiwasan mo ba ko? Ano isasagot ko. Oo kasi mahal na kita, Oo kasi hindi ko na kaya pa tong nararamdaman ko para sayo? Anong isasagot ko. Hindi ko alam, nanatili akong tahimik.

Ilang araw pa ang lumipas, iniiwasan parin kita at mukang walang epekto yon sayo. Napahawak ako sa puso ko. Ang bakla ko para maramdaman tong kirot sa puso ko. Bakit ba ko apektado kung simula't sapul hindi ko naman dapat pang nararamdaman ito.

Isang araw may umaligid sayong kaklase natin. Ansarap basagin ng muka niya. Kilala ko siya, at siya yung tipong bastos. Tumabi siya sayo at nangasar. Nagawa pang manghipo! Nagkukuyom ang mga kamao ko. Pigil na pigil lang ako kasi ayoko ng gulo lalo na kapag maisasangkot ka.

Gustong gusto kitang ipagtanggol. Pero bakit ayaw ng katawan ko? Nanghihina tuwing anjan ka na, yung malapit at kaharap ko.

Ok ka lang? Yan lang ang kaya kong sabihin. Bakla ba ko, bakit ba pagdating sayo hirap akong matapat ng mga nararamdaman ko?

Looking for LaykenWhere stories live. Discover now