Nanlaki Lalo ang mga mata ko, Ohemgee! Totoo?!

"Hala! Sorry, may iniisip kasi ako Kaya hindi ko naisip yun. Hehe"
Nahihiyang sabi ko sabay kamot sa batok ko.
Nakataas kilay nya akong tinignan.

"At ano naman yang iniisip mo?" mataray na pagkakasabi nya.
Mataray ba Lahat nang Engkanto?

"Yung Boss ko."

"Boss mo? Bakit anong problema sa boss mo? "

"Eh kasi yung Boss ko, iniiwasan ako. "
Malungkot kong sabi sa Kanya at umupo sa isang malaking ugat sa tabi nya. Ginaya nya naman ako.

"Ang kapal mo naman, Boss mo sya. Anong gusto mo? Lambingin ka nya? Suyuin?"

"Oo. " Mabilis kong sagot.

"Ay bobita. Bakla! Boss yun!"

"Pero kasi, may nangyari sa amin. Dapat diba panindigan nya ako?"

Nanlaki ang mga mata nya at Hindi makapaniwalang Tinignan ako.

"Oh my God! Sino yang boss mo?! Naku baka majuntis ka! "

Napalunok ako Dahil sa sinabi nya. Ako mabubuntis??

"Tapos, lalaking walang ama ang bata kasi Ayaw ka panindigan nang boss mo? Tapos mabubully ang anak mo kasi walang ama at Dahil doon Ay hahanapin nya ang ama nya, tapos sasabihan mo na Ayaw sa Kanya nang tatay nya, sasama ang loob nya magagalit sya sa tatay nya. Masasaktan ang boss mo kasi Galit ang anak nya sa Kanya ,magpapakamatay sya tapos susunod ka, tapos Masasaktan ang anak mo Dahil Iniwan mo sya. Ang ending.. Papakamatay din sya. "

Napatulala ako Dahil sa sinabi nya. Mamamatay ako? Pati si Nickel? Pati yung Baby??

"O-oy! Bakit na umiiyak? "

Pinunasan ko ang pisngi ko Dahil umiiyak na nga talaga ako.

"Anong dapat kong Gawin? "

"Sabihin mo sa kanya na Pakasalan ka nya"

"pag-ayaw nya? "

"Pikutin mo."

--

*Hosean's POV*

"Sabihin mo Pakasalan ka nya. "

"Pag Ayaw, pikutin mo sya."

Napabuntong hininga akong muli at tinanaw si Nickel kasama ang Babae nya.

Kanina pa ako Nakauwi galing sa kagubatan, hinanap ko agad ni Nickel pero hindi ko sya makita kaya nagpasya akong antayin na lamang sya sa Villa na tinutuluyan namin.
At dumating naman sya makalipas ang apat na oras, kasama ang Babaeng hindi naman kagandahan.
Don't get me wrong ha, Hindi ako laitera at pinalaki ako nang Tama. Hindi lang talaga sya kagandahan.
Kayumanggi,Hindi katangusan ang ilong, Kulot at maliit. Totoo! Maliit talaga sya. 4'9 ata. Basta! Mukha syang elementary student.

Napanguso ako dahil hanggang Ngayon Ay hindi pa din sila tapos mag-usap. For Pete's sake they were talking for an hour or two!
So Bali, 6 hours na kong nag-aantay maka-usap lang sya.

Grabe, kung Hindi lang talaga to importante kanina pa ko tulog.
Sabagay, Sino ba nagsabing sundin ko yung Jacob na yun?!

Nilingon ko ang orasan na nakasabit sa dingdig.

10:35 PM

Nice. Tsk.
Napabuntong hininga akong muli at tumayo na.
Ang Sakit nang pwet ko Kakaupo.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang napansin kong tumayo na din sila. Sa labas kasi sila nag-uusap. May mini sala kasi sa labas.

Pumasok si Nickel, at Dahil katapat lang nang kinatatayuan ko ang pinto ay Makikita nya ako.
Napahinto sya sa paglalakad at nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Nickel, pwede ba tayong mag-usap?"

Tinignan nya lang ako at kinunutan nang noo.

"You should be sleeping by now."
Nanayo ang balahibo ko dahil sa Lamig nang boses nya.

"Gusto kitang maka-usap."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya.

Napabuntong hininga sya at binasa ang ibabang labi nya.

"I can't, ihahatid ko pa si Grace."
Nakaramdam ako nang kirot sa dibdid Dahil sa sinabi nya.

"Pero, may importante akong sasabihin."

Pagpupumilit ko.

"Mas importante si Grace."
Seryoso nyang sabi.

Wala akong naging sagot.
Hindi ko alam kung Pano magre-react,hindi ko kilala si Grace pero tingin ko Ay mahalaga sya sa Kanya.
Naramdaman ko ang pag-init nang mga mata ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Okay."
Halos Pabulong kong sabi sabay talikod sa kanya.

Bat ako Naiiyak?!
Bakit Masakit?
Diba dapat hindi na Masakit? Hindi naman Ito ang Unang beses na Sinabihan akong 'Mas importante sya."

Nagsimula na akong maglakad paakyat nang hagdan Pero napatigil ako nang magsalita syang muli

"Kung importante talaga yan, Pwede mo naman akong hintayin."

Pinunasan ko ang pisngi ko.hintayin? Para San pa?
Hindi na ako humarap sa Kanya Dahil baka isipin nya ang arte ko at ang Babaw nang Luha ko.

"Hindi na, Mas importante si Grace."

Demon's Possession (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now