Special Update #2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kumusta ang baby Princess Monique ko?!" Masiglang sabi niya, hirap na hirap naman sa pag akyat sa kama si Prince Troy para lang mayakap sa likod ang Daddy niya, tinulungan ko siya at ng makaakyat siya hinalikan niya muna ang pisngi ko bago tumalon sa likod ni Kyle.

Napangiti na lang ako ng marinig ko ang malakas na halakhak ng asawa ko dahil sa mga anak namin. Nakakatuwa lang makita na ganito kasaya ang pamilya namin.

Biglang may kumatok.

"Ma'am nakahanda na po ang pagkain sa baba..." Sabi ng isang katulong namin,

"O sige, bababa na kami. Salamat." Sabi ko... Tumayo na ako.

"Kakain na tayo, mamaya na kayo magharutan." Sabi ko, pero sobrang lakas tumawa ng dalawang kambal dahil sa pangingiliti ni Kyle. Hinampas ko naman ang asawa ko!

"Kyle! H'wag mong kilitiin mangangangayat sila, tara na kumain na tayo..." Suway ko sakanya, nginitian naman niya ako at kinindatan.

"Okay mga anak, magagalit na si Mommy, masyado na tayong magulo..." Sabi ni Kyle, tumayo siya at lumapit sa akin, hinapit niya ako sa bewang.

"Namiss kita baby..." Bulong niya, ganyan siya tuwing galing sa trabaho, namimiss niya daw ako, samantalang iisang building lang ang trabaho niya at bahay namin.

Napagawa na ni Kyle yung bahay na sinasabi niya noon, at kagaya ng napag usapan namin, ipinangalan namin sa anak namin ang bahay.

Hindi na rin ako masyadong pumupunta sa office niya, dahil pinalagyan ko ng cctv yung opisina niya! Oo! Possessive na rin ako! Bawal lapitan ng kahit sinong babae ang asawa ko dahil ginegera ko talaga itong asawa ko.

"Kumain na tayo Dad..." Suway ko sakanya, "Sure baby..." Sabi niya saka hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Binuhat niya si Prince Troy pababa, si Princess naman ang binuhat ko.

Sabay sabay kaming nag dinner, ang gulo gulo ni Kyle at nung dalawang panganay namin, si Marcus puro kalokohan ang alam, si Luke naman may tinatago rin palang kalokohan at kayabangan kagaya nung dalawa. Napapailing na lang ako.

"Pero!Pinaka maganda sa lahat ng babae ang Mommy niyo!" Sigaw ni Kyle, sus nambobola nanaman ang asawa ko, paano ba naman mga model ang pinag uusapan nilang tatlo! Mabuti na nga lang at hindi pa masyadong tuwid magsalita si Prince Troy, naku baka sabayan niya rin sa kalokohan yung tatlo.

"Yeah man! Pinaka maganda talaga si Mom. Right mom?!" Sigaw ni Marcus at Luke, kinindatan pa nila akong dalawa. Haay, lahat na lang minana nila sa Daddy nila.

Pagkatapos naming kumain, narinig kong naglalaro ang lima sa sala habang kami ng mga katulong namin naglilinis dito kusina.

"Mommy!!" Sigaw ni Kyle mula sa sala.

"Bakit?!"

"Halika na dito! Hayaan mo na silang mag ayos diyan!" Sigaw niya.

"Matatapos na ako Dad!" Sigaw ko sakanya, sobrang lakas tumili ni Princess Monique, panigurado basang basa nanaman ang sala namin dahil sa paglalaro nila ng water gun.

Pagkatapos kong maghugas, pumunta na ako sa sala at nanlaki ang mata ko ng makita kong mukhang basang sisiw ang asawa ko!

"Hahahaha! Daddy mas gwapo na kami ni Luke sayo!!" Sigaw ni Marcus!

"Talaga? Mas gwapo na kayo?" Tumatawang sigaw ni Kyle, lumapit ako sakanilang lima! Hinagisan ko ng towel si Kyle na kaagad naman niyang nasalo.

"Tama na ang laro! Tignan niyo nga yang sahig natin basang basa na, baka mamaya madulas pa kayo diyan! Yaya! Pakimop naman dito!" Sigaw ko...

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon