Chapter 49

298K 3.9K 299
                                    

Chapter 49


KEI'S P.O.V



Nandito ngayon ang parents ni Kyle pati na rin ang tatlong kapatid pa niya, kaya naman naexcite si Misha dahil miss na rin niya ang mga ito.



"Malapit ka ng manganak hija..." Nakangiting sabi ni Mama Sab... 10 days na lang at manganganak na ako.


"Oo nga po eh, ang likot likot ng kambal ko..." Natatawang sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.

"Naku ganyan talaga kapag lalaki, nung ipinagbubuntis ko si Kyle sobrang likot niya kahit limang buwan palang siya, ginawa ba namang play ground ang tiyan ko!." Natatawang kwento ni Mama, napangiti na lang din ako, kahit pala nung nasa tiyan palang siya ng Mama niya napakaharot na niya.


"Siya nga pala, sigurado na ba kayo sa ipapangalan niyo sa bata?" Biglang tanong ni Daddy Michael.


"Naku, Daddy ayoko sana nung gusto ni Kyle eh... Parang anime kasi ang dating, maganda sana pero hindi naman bagay sa kambal..." Natatawang sabi ko.

"Eh kung ganon h'wag iyon ang ipangalan mo..." Nakangiting sabi ni Daddy.


"Oo nga Ate! H'wag kang makinig kay Kuya! Haha!" Natatawang sabi ni Cassandra.


"Pwede bang Marcus Liam na lang anak? Hinahabulan pa sana namin noon ng isa pang lalaki si Kyle kaya lang nagsunod sunod na puro babae na..." Sabi ni Mama.

"Marcus Liam po? Okay lang po Mama, tapos yung isa Ethan Luke..." Masayang sabi ko, sumang ayon naman sila. Napag usapan namin na h'wag ipaalam kay Kyle na iibahin namin ang pangalan dahil alam kong hindi papayag yon. Wala na siyang magagawa kakampi ko ang parents niya.



Gabi na rin at naglalaro ng baraha yung apat na magkakapatid ng tumawag si Kyle sa akin.

[Baby? Gising ka pa rin? Ten na ng gabi diyan ah?] Bungad niya ng itap ko yung call niya. Oo alas diyes na ng gabi dito, at umaga naman don.

"Oo baby...nandito sila Mama Sab, maya maya uuwi na rin sila...teka kausapin mo muna." Inabot ko kay Mama yung cellphone at kinausap si Kyle.


"Mag iingat ka jan... Okay lang kami ng Daddy mo... Ha? Oo h'wag kang mag alala hindi namin pababayaan ang asawa mo pag manganganak na... Ano? Cloud saka Sky?" Nagkatawanan kaming lahat.


"Oo anak Cloud at Sky... Yun ang gusto mo eh." Natatawang sabi ni Mama...

"Sandali ang Daddy mo kausapin mo..."


"Kumusta ang trabaho jan? Baka nambababae ka diyan?... Siguraduhin mo lang, ako wala akong ibang minahal bukod sa Mama mo, siya din ang first ko sa lahat..." Napangiti ako ng kurutin ni Mama ang tagiliran ni Daddy Michael, kitang kita parin ang kasweetan nilang dalawa.


"Mag ingat, eto na yung asawa mo..." Iniabot sa akin ni Daddy yung cellphone ko at kaagad kong itinapat iyon sa tenga ko.


"Hello Kyle?"

[Baby...malapit ka ng manganak, pag hindi mo na kaya isigaw mo lang na gwapo ako, lalabas na yang kambal!] Natatawang sabi niya!

"Napakayabang mo talaga Daddy!!" Sigaw ko sakanya.


[Biro lang baby...kinakabahan lang ako, hindi nga ako magkandaugaga dito sa trabaho ko dahil iniisip kita... Gusto mo ba CS na lang baby? Mas okay daw yon sabi nila Mama...] Suhestiyon niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon