Halloween Special: Trick or Treat

166 5 1
                                    

Halloween Special:

From: Carla

Magandang araw sa inyo! Muli, gusto ko pong magpakilala sa inyo ang aking sarili! Ako po si Carla, ang chichi pero psychic na mahilig mgkuwento ng kababalaghan - sariling karanasan ko man iyon o ng iba. Siguro nagtataka kayo kung bakit tsini-tsika ko kayo, noh? Well, sabihin na lang natin na gusto kong magkakilala tayong lahat. Afterall, kuwento ito ng buhay ko, di ba? Kaya, wag kayong mahiya kung may gusto kayong sabihin. Hihi. May comment box po riyan sa ibaba, oh! *,,* saka.... i-vote n'yo rin po kung maganda ang stories ko ha?

Okay, ano na naman kaya ang magiging kuwento ko ngayon?

Ah!

Gusto n'yo bang mabasa ang story na ipinasa ko dati sa Highschool newspaper namin? Contest iyon tungkol sa kung ano ang pinakamagandang ghost story na maipapasa.

Hayan po sa ibaba oh! Karanasan ko po ito noong bata ako, pagkatapos naming lumipat ng tirahan (iyon pong kuwento tungkol sa Itim na Aparador ang tinutukoy ko. ")

O, hindi na muna ako magkukuwento pa ng kung anu-ano. Magbasa muna kayo. Good luck!

_________________________________________________________

Trick or Treat

Palapit na ng palapit ang oras ng hatinggabi. Halos wala nang ingay na maririnig sa buong village. Tapos na sa paglalaro ng trick or treat ang buong village. Pero heto pa rin ako, nasa labas, ayaw pang umuwi dahil may isang bahay ang hindi ko pa napupuntahan. Kanina pa ako iniwan ni Sara.

Tumingin ako sa orasan sa kanang bisig ko. Limang minuto pa bago mag-alas dose. Siguradong tulog na ang mga kalaro ko, natatabunan ng kanilang mga kumot at katabi ang kanilang mga teddy bears. Nag-aalala na rin siguro si Mama. Pero may isang bahay pa ang hindi ko napupuntahan.

Tanging ang mga poste ng ilaw ang nanonood sa mga kaganapan sa gabing ito. Habang tinatahak ko ang higanteng bahay sa dulo ng village at yakap ko ang basket na kulay itim na paglalagyan ng candy na ibibigay sa akin.

Lumang-luma na malaking bahay. Tila nilimot na ito ng panahon. Kung may isang bahay man ang iboboto bilang pinakamadumi at pinakasimple sa lahat, ito na iyon.

Ang tanging ebidensya na may namamahay pa sa bahay na ito ay ang munting ilaw na nakikita ko sa loob ng bahay at isang aninong nakita kong dumaan sa loob. Walang pumpkin o anumang gamit pang-halloween. Frankly, sapat na ang hitsura ng bahay para makapag-bigay ng takot kahit kanino.

Isang paniki ang nakita kong lumabas mula sa itaas ng bahay. Sa ilang segundo, itinanong ko sa sarili ko kung dapat bang umuwi na lang ako pero inignora ko iyon.

Nangako ako sa sarili ko. Lalapitan ko ang bahay na ito na iniiwasan ng lahat. Na ayaw pag-usapan ng lahat. Nais kung makita kung sino ang nakatira rito. Ito ang araw na ipagmamalaki ko sa lahat na isa akong matapang na bata.

Kumatok ako. Marahang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang hugis kandilang mga kamay, kasing-puti ng labanos at may pulang pintura ang mga kuko.

Tila may kung ano sa oras ang huminto. Tila may kung ano sa paligid ang hindi ko marinig habang unti-unting lumalabas ang kamay at dahan-dahang nabubuksan ang pintuan.

Bumukas ang labi ko upang magsabi ng 'trick or treat!' Walang gustong lumabas na tunog sa bibig ko. Napasinghap ako, nanatili sa ere ang kamay kong may hawak ng basket.

Nakakagulat ang nakita ko. Mula sa bisig paitaas ay kulay itim na ang balat na nakikita ko!

Muling gumalaw ang pinto, at lumabas ang isang ulo. Isang ulong nakabelo, maputing mukha na may naglalabasang ugat at kulay itim na dugo ang dumadaloy. Namumula ang mata at umiiyak ng dugo. Bumukas ang kanyang mapupulang labi.

Nakita ko ang pagbubukas ng palad niya at isang candy ang inilabas niyon. "Heto ang candy, hija." At inilagay niya ang candy sa aking itim na baset. "Maaari mo ba akong tulungang makaalis rito?"

Malamyos ang kanyang tinig. Tila sumasayaw sa saliw ng isang musika, unti-unti niya akong inabot.

Sumisigaw ang isipan ko na layuan siya. Nanginginig ang mga hakbang ko palayo sa kanya. Pigil ko ang aking hininga hanggang makalayo ako sa bahay.

Pinapanood niya ang aking paglayo. Rumagasa naman ang pag-agos ng pulang likdo mula sa kanyang mga mata.

Nakalabas ang nangingitim niyang braso, ang kamay niya ay sa akin nakaturo.

Hindi ko siya naiintindihan. Takot na takot ako. Tumalikod ako. Tumakbo ako.

Walang ibang isinisigaw ang isipan ko kkundi ang umuwi at magtago sa yakap ng aking ina.

Sumigaw siya. "Tulungan mo akooooooooooooooo!!!!!!"

Lumakas ang hangin. Tila nagtipon-tipon ang mga espiritu sa paligid, bumubulong.

Takbo, Carla! Takbo, Carla! Takbo! Takbo! Takbo! Takbo! Takboooooo!

Narinig ko pa ang malakas na pagsasara ng pinto.

Tumahimik ang paligid. Nawala ang mga bulong.

Nakita ko ang bahay namin. Nakatayo sa labas ng pinto si Mama, naghihintay sa akin. Agad akong yumakap sa kanya. Hindi ako nagsasalita. Ang tanging gusto ko lang ay matulog at kalimutan ang bahay na iyon, ang kamay na nangingiitim at ang mukhang umiiyak ng dugo.

Kinabukasan, nalaman kong walang ganoong bahay sa village. Isang abandonadong lote iyon kung saan dating nakatirik ang isang dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy. Maraming taon na ang nakakaraan, nasunog iyon. Isang babae ang naging abo sa loob niyon.

~End~

________________________________________________________________

Abangan rin po ninyo ang susunod na kuwento ni Carla: Horror Vacation!

Note: Bawat story po ay independent. Bibihira lang po akong magpo-post ng stories na related sa isa't isa at ii-inform ko rin po kayo kung may ganoong story. Thanks po sa pagbabasa!

Tales of FrightWhere stories live. Discover now