batang babae nalang ang umiiyak at nagiisa sa panaginip ko. Malabo lahat ng imahe sa panaginip ko ang tanging maliwanag ay yung pendant na suot ng batang babae. Buwan. Kamukhang kamukha iyong ng kwintas na ibinigay ni Luna saakin bago kami magkahiwalay,,ngunit isang hapon noon habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko ay hindi ko namalayan  na nakatulog pala ako at doon nakita ko na ang babaeng nasa panaginip ko at si Luna iyon. Paggising ko may luhang nangingilid sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko at hindi ko rin alam kung ano ang koneksiyon ng matandang babae kay Luna. Maaari bang ang mama ni Luna ang babaeng iyon? Pero bakit? Bakit ko siya napanaginipan?

Ilang mga araw pa, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Hindi ko maipaliwanag.Basta ang alam ko ay may nagsasabi saakin na sumulat ako kay Luna. Hinanda ko ang papael at ballpen hindi na ako nagdalawang isip pa at sinimulan ko na ang pagsulat.

Luna,

Siguro sa mga oras na ito ay malayo na ako sayo. Hindi dahil gusto kong lumayo kundi dahil  panahon na. Panahon na rin para sabihin ko sayo ito. Alam mo, bata pa lang tayo ay itinuring na kita na nakababatang kapatid ko. Gusto ko palagi kang maayos at masaya. Naalala mo ba yung sinabi ko noon sayo? Ipagpatuloy mo lang ang pangangarap. Libre yan. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Maraming nagmamahal sayo. At ako? Isa ako sa mga yun. Luna, mahal na mahal kita, ang pagmamahal nay un ay higit pa sa pagmamahal ng isang kuya sa kanyang nakababatang kapatid. Naiintindihan mo ba Luna? Mahal kita. Kung mawala man ako, huwag mong isiping nag-iisa ka. Nandiyan ang mga magulang mo, si Marco. Kapag nalulungkot ka tignan mo lang ang buwan, magrerekwes ako kay Lord na dalhin ako roon at babantayan kita. Alam ko na kagaya ng paghihiwalay natin noon, magkikita ulit tayo. Maghihintay ako kahit gaano katagal.

Nagmamahal,

NYx

Nang matapos ako sa pagsulat, ibinulsa ko kaagad yun sa jacket na suot ko  at handa na akong pumunta sa irthday ng papa ni Luna. Haharapin ko na lahat kung ano man ang pwedeng mangyari.

Nang makarating ako sa kanila, sobra akong nagselos sa itinanong ng mama ni Luna kay Marco. Kung kumusta si Luna bilang girlfriend ni Marco? Napayuko na lang ako. Ano kaya ang pakiramdam na girlfriend si Luna? Ano kaya ang pakiramdam kung ako yung tinanong ni Tita ng ganun? Abot langit siguro ang ngiti ko. Wala na akong mahihiling pa. Kasabay ng masayang gunita, ay nakaramdam ako bigla ng takot. Hindi ko nanaman maipaliwanag kung ano iyon pero nawala yun ng tignan ako ni Luna at bigyan ng matamis na ngiti. Ng pauwi na kami ni Marco, kinausap ko siya na kung pwede, alagaan niya ng mabuti si Luna at sana huwag na niyang ulitin ang pagpapaiyak sa kanya. Nagdeal pa kami na usapang lalaki ito, at sa oras na lokohin o saktan niya ng sobra si Luna ay babalik ako para kay Luna at hinding hindi na niya mababawi pa si Luna saakin. Nang matapos kaming mag usap, nabunggo kami ng isang delivery truck sa intersection.Pagkatapos noo, wala na akong iba pang naalala.

____________End of Nyx’x POV___________

____________________

_ LUNA_

from chapter 1.

Pagkatapos ng mahabang pag alala sa nakaraan, dinalaw na ako ng antok. Nakatulog ako

hanggang sa paggising ko ay sariwa pa rin sa gunita ko ang nakaraan. May luhang tumulo mula

sa namamaga kong mata. 6:30 A.m ,Bumangon ako at naligo. Pagbaba ko, nakahanda ang

almusal, nginitian ako ng ang Papa kong nagbabasa ng diyaryo, at binati ako ng ni mama na

umiinom ng kape. 

"Good morning Luna, halika na ! mag-almusal ka na at malelate ka na sa school."

Naroon ako ikalawang baitang ng hagdan at nabigla sa narinig ko. 

Oo nga pala, may pasok nga pala ngayon. Dali-dali akong umakyat pabalik sa kwarto ko. nagtinginan ang mama't papa ko. Nagbihis ako ng uniporme.

Mabilis akong kumilos at ininom ang inihandang malamig na juice saakin ni mama. Hindi kasi ako

umiinom ng mainit na kape tuwing umaga, mas gusto ko ang pakiramdam ng malamig na juice sa

tiyan. Hindi ko na kinain ang sunny-side-up,hotdog at mushroom soup sa mesa. Hinalikan ko si

Mama't papa at nagpaalam na. Sa pag-alis ko, pinagusapan nila ako. Nagkataka sila sa ikinilos

ko. Bakit biglang naging matulin ang kilos ko at nagkaroon ako ng kaunting gana sa paggising ng

umaga.Masayang nagkwetuhan ang mga magulang ko tungkol sa napansin nila.

Sa University, Ako ang pangalawang maaga sa klase. una ang tinatawag nilang nerd na si Paul. hindi naman talaga siya nerd. Matalino siya, nakasuot ng malaking eyeglasses, makikita mo siya palaging may hawak na libro sa geometry o di  kaya libro ni Rizal na hindi naman namin pinagaaralan ngayong sem.

-----------------------------------------------cont.^^

Para sa akin ang cool niya. Hindi siya basta basta nagtitiwala sa kung sino-sino. Hindi siya malapit sa tao pero kapag nakausap mo siya, marami kang matututunan sa kanya na hindi alam ng ibang tao. Meron din siyang sense of humor na hindi nga lang halata. Pumapasok siya sa school ng maaga at never pa siya na late. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang magpa-late. Na siya namang pinakamahirap iwasan para sa akin. Tumabi ako sa silya katabi ng silya niya. Binati ko siya ng magandang umaga at nginitian naman niya ako. Tulad ng iba ko pang kaklasi, hindi ako close sa kanya. Nakilala ko lang siya dahil sa paghiram ko ng ballpen sa kanya ng magquiz kami sa BM.

Okay Class! Let’s have a quiz. Answer the following questions.

May extra balpen ka ba?

Oo, bakit?

Pwede ko ba mahiram?

Hmm.. cge..heto..

Salamat.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nung break time, niyaya ko siya kumain sa canteen. Pumayag naman siya.

Ah Paul, salamat nga pala kanina sa pagpapahiram sakin ng pen.

Wala yon!

Dahil don, ititreat kita!

Talaga?

Oo naman, ang bait mo kaya!

Alam mo,hindi mo naman ako kailangang bolahin pa. Sapat na yung salamat mo.

Hindi ako nambobola promise!

Sabay kaming tumawa ng mahina at tinapik ko siya sa likod.

Kung ano ang mga pinag usapan namin habang kumakain kami? Siyempre tungkol lahat iyon sa mga subjects namin at kay Rizal, Idol niya raw kasi si Rizal. Mabuti nalang at pinag aralan naming ang mga nobela ni Rizal noong highschool, kung hindi, baka naubusan kami ng mapag-uusapan. Naitanong ko din pala sa kanya kung nagka girlfriend na siy at inakala kong wala. Nabigla nga ako sa sagot niya, may naging girl friend daw siya noong 2nd year college kaso nagbreak sila dahil sa panunukso ng mga kaklasi ng girlfriend niya. Sinasabi kasi nila na hindi siya bagay kay Paul dahil Dorky ito. Ang sakit naman non! Dahil lang don nakipaghiwalay yung girl? Hayyyy…

Kinabukasan, pagkatapos ng klase, nagkasalubong kami ni Paul.

Hi, Paul!

Oh, hello Luna ikaw pala!

Oo ako nga. Ehe

Hmm.. meron kaming Poetry reading at kaunting salu-salo sa bahay ng tita ko tuwing Sunday, iinvite sana kita na making. Yun ay kung gusto mo lang.

Ay, oo naman sige, wala rin naman tayong maraming homeworks. Sige.

Okay! Sunduin na lang kita sainyo?

Susunduin mo talaga ako huh?  Okay! Sige.

Mahilig rin naman ako  sa literature. Pero hindi ko pa nasubukang dumalo ng mga Poetry reading kaya ayun pumayag na ako.

Luna....Where stories live. Discover now