Alaala

55 1 0
                                    

Nyx’s POV

Sabi ko na nga ba makikita ko ulit siya. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Sa university lang pala kami magkikita. Yung unang araw na nakita ko siya, kakaibang saya ang naramdaman ko. Hinangad ko ulit na Makita siya at hindi ako tumigil para mahanap ulit siya. Ang mukha niya, maganda parin, bilugan na mga mata at manipis na labi, mahabang kulot na buhok at matangos na ilong. Nagbago ng kaunti ang amoy niya kasi ngayon naglalagay na siya ng pabango. Pero yung matamis na ngiti hindi yun yung pinaka hindi ko makaklimutan at ang mga mata niyang nangungusap. Hindi parin nagbago ang pangako ko sa kanya na pag iigihan ko ang pagaaral para maabot ko ang pangarap ko na maging pintor. Alam ko natuwa siya noong sinabi ko na kumuha ako ng fine arts. Siya lang ang nag-iisa kong inspirasyon. Walang saglit na nawala siya sa isipan ko. Nakaktuwang isipin na sa bawat birthday niya na dumadaan na hindi ko siya kasama ay nakaipon ako ng ibat-ibang figurings at litrato ng buwan sa kwarto ko. Bakit buwan? Siya kasi yung naaalala ko satuwing makikita ko ang buwan. Mahigit siguro sa dalawampu dahil minsan dumadaan ako sa tindahan ng figurings kahit hindi niya birthday. May mga litrato rin ako na nagboblow ng candle sa cake niya. Pero minsan para ko naring pinaparusahan ang sarili ko, kasi pagkatapos kong hipan ang kandila, mararamdaman ko na nag-iisa lang ako at saying dahil hindi ko siya kasama. Ipapakita ko lahat sa kanya ang mag yun itong darating na birthday niya. Sigurado akong matutuwa yun.

Inasar  ako minsan ng isa kong kaklasi kasi nadaanan niya ako sa restaurant na nagboblow ng candle. Sabi niya, “Pare! Ang lakas ng trip mo ah..eh hindi mo naman birthday!” , sabay tawa. Wala tinignan ko lang ang sarili ko at pinagpatuloy ang pagblow ng candle. Tingin ko nga ang corny na ng ginagawa ko. Pero kahit ganun masaya parin ako, kasi paraan na rin yun ng pagdiriwang ko para sa kanya. Nagsisimba rin ako, at ipinagnonovena siya. Masaya naman ako at pinagbigyan ni Lord ang hiling ko na alagaan siya.

Gusto ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko para kay Luna pero natatakot ako na baka hindi niya naman nararamdaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko si Luna. Kaya naman nung sinaktan siya ni Marco, gustong gusto ko siyang kunin kay Marco. Kayang kaya kong higitan ang pagmamahal na ibinigay ni Marco sa kanya. Kung meron man. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak o nalulungkot. Doble nun ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano siya ipagtanggol noon sa mga bata sa ampunan, kung paano palakasin ang loob niya, tapos ang lakas ng loob  ni Marco na saktan siya? Pero pakiramdam ko ang hina ko, wala akong magawa kundi alalayan siya. Wala akong magawa kundi tignan siya. Pagaari kasi siya ni Marco at alam ko naman na mahal rin ni Luna si Marco. Sinai ko sa kanya na huwag siya magalala pero ang totoo hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga salitang yun. Ayoko rin naming maging dahilan ng paghihiwalay nila ni Marco, kaya itatago ko na muna kung ano man ang nararamdaman ko. Alam ko na may nakalaang tamang araw at pagkakataon para dito.

Ngayon kami lalabas ni Luna. Excited na ako. Gusto ko lahat gawin ang gusto ni Luna ngayong araw na ito. Salamat sa University dahil nagkataon naman na pareho kaming walang pasok nagyon.Hahawakan ko ang kamay niya at sa oras na makakuha ako ng pagkakataon, hindi ko na iyon bibitawan.

Namasyal kami ni Luna, natupad lahat ng gusto niya. Ang pinaka gusto kong parte ay noong nasa loob kami ng simbahan at nananalangin. Hiniling ko na kung hindi man ako ang lalaking makakasama ni Luna habangbuhay, sana bigyan siya ni Lord ng lalaking palagi siyang maiintindihan, mamahalin siya ng totoo at tapat at yung lalaking mahihigitan ang pagmamahal na kaya kong ibigay. Ano kaya ang hiniling ni Luna? Sana si Marco na ang makasama niya habangbuhay? Kawawa naman ako. Pinagmasdan ko siya noon na taimtim na nagdarasal. Inisip ko na siya yung bride ko at ako siyempre yung groom. Doon ko lang kasi yun magagawa baka wala na sa totoong buhay.

Nitong mga nakaraang araw,palagi kong napapanaginipan itong dalawang babae. Nasa edad bente anyos ang isa at ang isa naman ay nasa edad singkwenta.  Sa panaginip ko naguusap ang dalawang babae ngunit hindi ko marinig ang pinaguusapan nila. Basta nakangiti silang pareho pero noong matapos silang mag-usap biglang nalungkot ang mas nakababata. Sa mga susunod ko pang panaginip, ang mas

Luna....Where stories live. Discover now