ALL ABOUT VIRUS

24 8 5
                                    



Chapter 1 ALL ABOUT VIRUS

Isang magandang umaga habang nagigising ako ay panay ingay ng aparatong nasa aking tabi ang tuluyang gumigising sa aking kamalayan.

"Istorbo"

"Virus, nasaan ka?"

"Thunder?"halos mapalundag ako sa kinahihigaan ko ng marinig ang tila humahangos na boses ng kasama ko. Tiyak akong napapalaban ito.

"Thunder, may inilagay akong bug sa isang van, kindly monitor. Target is on the move."

"Copy that commander."

Ito talaga ang gusto ko sa pagiging alagad ng batas. May thrill ang buhay ko.

Akala ko dati magiging boring ang buhay ko. Gusto ko maging IT expert yun ang pangarap ko, pero dahil sa nakalinya sa Pulis at Militar ang pamilya namin ay wala akong nagawa kundi sundin ang mga gusto nila.

Halos bugbog ang inabot ko sa Lolo at Tatay ko dahil hindi ko sila sinunod noon. Dahil iba talaga ang gusto ko. Hindi ko alam na pwede ko palang magamit ang galing ko sa computer kahit isa na akong alagad ng batas.

Binuksan ko ang aking mahiwagang computer upang itrace ang van na sinasakyan ng target namin. Legal operation to ha. Hindi kami assassin.

Kasalukuyan naming iniimbestihan ang iilang Pulitiko na nagtangkang isabotahe ang Pangulo ng Pilipinas.

Base sa mga nakuha na naming datos at nagmula ang mga utos sa iilang senador na nagbabalak na pabagsakin ang Pangulo.

Nasa unang phase pa lamang kami at nakakagulat ang lumalabas sa imbestigasyon. Maraming Pulis at Militar ang kasama sa listahan.

Mahigpit kasing ipinapatupad ng Pangulo ang kanyang kampanya laban sa illegal na droga at corruption.

Kaya naman marami ang nagnanais na mapatumba siya at ma impeach.

Papasok na ng Bulacan ang nasabing van. Dali daling idinial ko ang numero ni Thunder.

"Virus?"

"Thunder papasok sila sa isang abandonadong building."

"Copy that, send me the complete location Asap. Hindi ko sila pwedeng sundan agad dahil malalaman nila ang presensiya ko."

"Roger on that"

Matapos kung maisend ang location sa kanya ay tinawagan ko na si Viper at Eyes para makapaghanda na sa posibleng operation.

"Viper, lets get it on."

"Hyper ka na naman Virus, Chill ka lang gayahin mo ako, relax na relax."

"Dapat lang na relax ka, baka mamaya hindi mo kayang patamaan ang kalaban."

" Did you already informed Capt Gascon about it?" tanong ni Viper sa'kin.

"No, I believe its your obligation Sir."

" Ok,"

Tumawag na naman uli si Thunder.

"Virus, prepare the team, hawak nila ang anak ni Senator Borromeo, I repeat hawak nila ang anak ni Senator Borromeo. Inform the family but be careful, no media coverage. Nanganganib ang buhay ng anak ni Senator."

"Roger on that. Anong status jan?"

"Hindi ko mahanap ang kwartong pinaglalagyan ng anak ni Senator, kailangan kita dito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love and Hate Collides  Book 3 ( Love Bug Virus )Where stories live. Discover now