Chapter 5

15.7K 378 19
                                    

KAHIT masakit sa kalooban ni Kris na siya pa ang maging tulay ng pag-iibigan ng matalik na kaibigan na umahas sa babaeng dapat na pakakasalan niya. Hindi parin siya nakatanggi na tulungan ang dalawa. Siya ang gumawa ng paraan na makapasok si Mando sa asyenda ng pamilya ni Erlinda para maitakas ang dalaga. Ngunit nahuli ang mga ito ni Senyor Rolando.

Putok ng baril ang nagpahinto sa pagtakbo ng dalawa papunta sa nakaparadang sasakyan ni Kris.

"Hindi mo ako maiisahan lalaki! Hindi ako tanga para hindi malaman ang binabalak niyong gawing pagtakas sa anak ko," dumadagongdong ang boses ni Senyor Rolando sa kadiliman ng gabi.

"Please, Papa... Pabayaan mo na kami. Mahal ko si Mando at siya ang gusto kong makasama sa habang buhay!" umiiyak na pakiusap ni Erlinda sa ama habang inihaharang ang sarili sa katawan ni Mando. Nakatotok na kasi ang baril nito sa direction nila at sigurado siyang ang susunod na pagkalabit ng Papa niya sa gatilyo ng baril ay tatama na iyon sa katawan ni Mando.

"Binubulag ka ng pag-ibig mo sa lalaking iyan, Erlinda! Wala kang kinabukasan sa lalaking iyan! Si Kris ang nararapat para sayo!" matigas na turan ni Senyor Rolando.

"Ipagpaumanhin niyo po, Senyor Rolando... Maaaring hindi po ako ipinanganak na kasing yaman ninyo. Pero nakakasiguro naman po akong hindi magugutom sa akin ang anak niyo. At kung kayamanan ang magiging sukatan ng pagmamahal ko sa anak niyo. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maibigay lang kay Erlinda at sa magiging mga anak namin ang karangyaan sa buhay," walang takot na turan ni Mando. Sinusubukan niya ring alisin si Erlinda sa harap niya dahil natatakot siyang madamay ito sa galit ng ama nito sa kanya.

"Huh! Ang lakas ng loob mong sagutin ako sa sarili kong lupa. Hindi ako kailan man nagtitiwala sa isang pangako ng isang katulad mo lalaki. Hindi ko pinalaki ang anak namin para mapunta lang sa isang katulad mo!" matigas ang puso na turan ng Senyor.

"Kung ganoon ay pasensiyahan na lang po tayo... Hindi ako aalis ng hindi ko kasama si Erlinda," turan ni Mando at mahigpit na hinawakan ang kamay ng umiiyak na si Erlinda. Tumalikod na ito kasama si Erlinda.

"Pwes pasensiyahan na tayo at hindi ka makakaalis na kasama ang anak ko ng buhay,lalaki!"

Nakaantabay lang si Kris sa nangyayaring tagpo hindi kalayuan sa magkasintahan. Siya ang kinakabahan para sa matalik na kaibigan. Nakakasiguro siyang tutuhanin ni Senyor Rolando na patayin si Mando sa isang pagkalabit lang nito sa gatilyo ng baril.

Baaangggg... malakas na putok ulit ng baril na hawak ni Senyor Rolando.

"Mandooooo..." sigaw iyon ni Kris kasabay ng pagtulak sa matalik na kaibigan.

Napalingon naman si Mando sa kaibigan kasabay ng pagbagsak nila sa lupa ni Erlinda.

"Krisssss!" sigaw ni Erlinda ng bumagsak sa kanila ni Mando ang duguang si Kris.

Ito ang tinamaan ng bala ng baril na para sana kay Manda.

Mabilis na dinaluhan ni Mando si Kris.

"Bakit mo 'to ginawa?" tanong ni Mando na hindi makapaniwalang sasaluhin ng matalik na kaibigan ang balang dapat ay para sa kanya.

"Kung hindi kita tinulak ay siguradong diretso sa puso mo ang asinta ni Senyor Rolando..."

"Halika at dadalhin kita sa ospital!" ani Mando at anyong bubuhatin ang matalik na kaibigan.

"No! Balikat lang ang tama ko. Hindi ko 'to ikamamatay... Umalis na kayo! Papatayin ka nila dito!" tulak ni Kris sa matalik na kaibigan.

"P-Pero paano ka?" nalilitong tanong ni Mando.

Marrying The Arrogant-Seducer [R-18]Where stories live. Discover now