Chapter 7 (What To Do?)

757 18 1
                                    

(MEL’s POV)

 

 

WAAAAAAAAAAH!!!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isang malaking gulo ang pinasukan ko, pero hindi ko naman kakayaning mapahamak ang mga kaibigan ko. Ang mga taong sumali sa competition na yun paano kung may masamang mangyari sa kanila? Papatayin ako ng konsensya ko.

“F**K!” Sigaw ko. Sinapo ko ang ulo ko. Feeling ko sasabog na ito sa kakaisip sa Battle of the Bands. Anong gagawin ko? “ARRRGGG!!” Muling daing ko.

Isang katok mula sa pinto ng kwarto ko ang sumira ng momentum sa ka-emohan ko.

“Sino yan!?” Tanong ko sa taong kumatok sa pinto.

“Ma’am, Si Ernesto po.” Sagot nito.

“Come in.” Sabi ko naman. Inayos ko ang sarili ko.

Pumasok na ito sa kwarto niya.

Natulala ako sa Greek God na pumasok sa kwarto ko.

F**K SH*T.

Nakasuot lang ito ng manipis na t-shirt na bakat ang kabuuan ng upper body nito. Halatang alaga sa gym. Naka-summer shorts lang din ito. My gosh, ang anak ni Zeus nasa loob ng kwarto ko.

 

“Ma’am… may mali ba sa suot ko? May dumi ba ako sa katawan?” Nagtatakang tanong nito na kinagbigla ko.

“Ah—ehh, wala… wala naman. Hehehehe.” Sagot ko naman sabay iwas ng tingin dito.

“Gosh, Mel… iwasan mo yang ka-horny-han mo ah!!! For Pete’s sake, Mel, Bodyguard mo ‘yan! Oh! My Bodyguard!” Sabi ko sa sarili ko.

“Ah, anyway, bakit ka nga pala nandito?” Pormal kong tanong ko rito.

“Kasi, Ma’am, syempre po… nag-aalala po ako sa malaking gulong pinasukan ninyo at ng mga kaibigan nyo. Mali talaga ang pinasok nyo, pero… wala tayong magagawa kundi ang pasukin ang malaking gulong ito.” Sabi nito na halatang puno ng pagaalala. Na-touch naman ako. Syempre secret lang yun.

hahahahaha :D

Pasimpleng umupo ito sa maliit na upuan malapit sa closet room niya at nakaharap sa kanya.

 

“I know naman na mahirap nitong pinasok ko per—“ Sabi ko ngunit…

“I’m so worried for you... for the bands that join in the battle. My conscience killing me from thinking what I am going to do for the better.” Saad nito na napanga-nga ako. My gosh, eh di hamak na malupet pa kina Demi at Shy ang English accent nito. Saang lupalop ng planet niya napag-aralan ang mga sasabihin niya?

“Ah—eh… nag-aalala lang naman po ako, M—a’am. Ano pong plano n—yo? B—aka makatulong ako.” Agad na sabi nito.

“A—actually, hindi ko nga alam eh...” Tugon ko.

Oh! My Bodyguard (MARS Series #3)Where stories live. Discover now