Pakiramdam ko tuloy eh gusto ko nang bagsakan ng bato ngayon din!

"L-Lyndon, hindi mo lang alam sinasabi mo..haha. S-sige ha, see you around." Dali dali akong tumayo saka ako halos tumakbo palabas ng caf.

Kinahapunan, nauna nang umuwi sa amin ni Mitchie si Jan-Jan, ayaw naman daw magsabi ng huli kung ano ba talaga ang dinadamdam niya at kung bakit sya nagkakaganun. Nauna narin magpaalam sa akin si Mitchie dahil dadaan pa raw sya sa office ng mama niya kaya naman mag-isa lang akong lumabas ng classroom. Nagulat pa ako nang makitang nakasandal sa may tapat ng pinto si Lyndon.

"Naiwan mo sa caf kanina.." Sabay abot niya nung paperbag na kanina lang ay binigay niya sa akin.

"S-sorry.." Dali dali ko iyong inabot saka ako umiwas na naglakad palayo.

"Wait!" Napatigil naman ako at napatingin sa kanya, "I'm really serious." Inabot niya ang ilang librong hawak ko at saka nauna nang maglakad, wala naman akong nagawa kundi sundan sya ng lakad dahil nasa kanya yung mga books ko.

"Lyndon.."

"Do you want to go out with me?" Nakakainis yan, bakit ba pag ngumingiti sya pakiramdam ko eh bumabagal na tibok ng puso ko. Dapat ata eh sa doktor ako magpa-appointment at hindi sa kanya. "Sige na, mall or arcade?"

"Ah, ano eh.." Ano nga ba sasabihin ko? Grabe, pati sasabihin naubusan ako.

"Please? Sunduin kita sa bahay niyo sa Saturday?" Haha, hindi naman niya alam kung saan ako nakatira eh.

"Lyndon, kasi di ko alam kung ready na ako sa mga ganitong bagay eh." Ay wala, ngumiti pa sya!

Pumantay pa sya sa mukha ko, "di'ba sabi ko willing akong maghintay."

"Pero baka kasi matagalan--"

"Just give me a chance."

Chance daw Van..

Chance..

"Ah, eh..s-sige na nga. M-magkita nalang tayo sa mall sa Saturday." Agad kong kinuha mula sa mga kamay niya ang mga books ko at saka ako tumakbo papunta sa parking lot.

Saturday

Maaga akong nagising. Biro lang, di talaga ako nakatulog ng maayos, eh paano parang fresh na fresh pa yung mga sinabi sa akin ni Lyndon kahit ilang araw na ang nagdaan. Bigla namang tumunog ang cellphone ko, kukunin ko na sana iyon nang mahagip nang aking paningin ang Japanese doll na nasa ilalim ng lampshade, yep, eto yung bigay sa akin ni Lyndon, di ko lang alam kung magkamukha ba kami nung manika at naaalala niya ako dito.

"Hello?"

Good morning, nagising ba kita?

"A-ah, hindi. Good morning din."

Ingat ka sa pagpunta sa mall. Magpapahatid ka ba? Pwede naman kitang sunduin.

"Ayos lang, magco-commute nalang ako."

Sigurado ka?

"Oo, promise, sige na ibababa ko na ito." Ngumiti ako, as if namang makikita niya ko sa kabilang linya. Naaalala ko parin naman yung mga sinakyan namin noon ni Jan-Jan noong tinuruan niya akong mag-commute.

Tulad noong nakaraang Sabado, wala ulit si kuya sa bahay, may lalakarin naman sa Malaysia sina mama at papa kaya naman di ko narin nasabi sa kanila na may nanliligaw na sa anak este aalis ako ngayong araw. Di na ako nag-breakfast at nagtuloy na lamang ulit ako sa aking kwarto.

Hmm,

Dress o Jeans and shirt?

May ten minutes na ata akong nakatayo sa tapat ng full length mirror habang tinitignan ang sariling repleksyon, nakakailang palit narin ako ng damit. Nakakainis naman, I can't make up my mind kung ano ba ang babagay sa akin. After almost 30 minutes, I just settled for a shirt and pair of jeans saka isang pares ng blue Chucks. Naisip ko kasi na napaka-uncomfortable naman atang magcommute ng naka-dress, saka baka isipin pa ni Lyndon na pinaghandaan ko talaga, ano to? Discreet lang dapat? Hahaha.

My Happy EndingWhere stories live. Discover now