Lumipas ang mga araw ay mas labis na minahal ng mamamayan si haring Zigfred subalit hindi nagtagal ay bigla na lamang nag-iba ang kaniyang asal. Naging arogante't nalulong sa kahalayan at kalaswaan ang hari.

Tuwing gabi ay nagpapadala si Zigfred ng babaeng bayaran sa kaniyang silid upang punan ang nasa ng kaniyang laman.

Sa bawat araw na nagdaraan ay dumarami rin ang mga babaeng dumaraan sa palad ng hari. Mas tumindi ang tawag ng laman niya na nag-udyok upang gumawa ng hindi nakalulugod na bagay.

"Mahal na hari, parang awa mo na, hindi ko na kaya!" pagmamakaawa ng isang binibini. Nakatali ito ng pa-ekis sa higaan ng hari habang walang saplot.

Sa halip na magbalik-salita ay nakapangingilabot na ngisi lang ang isinukli ng magandang lalaki na wala ring suot na kahit ano. Kinuha nito ang isang pahabang bagay na gawa sa pinakinis na metal. Kalahating dangkal ang lapad at umaabot ng limang dangkal ang haba.

Pagkatapos mabuhusan ng mabangong langis ang dulo ng makinis na pahabang metal ay marahas itong ipinasok ng binatang hari sa maselang parte ng babae.

Napahiyaw sa sakit ang huli subalit nagbigay naman ng kakaibang saya kay Zigfred ang mga kaganapan.

Kinabukasan ay dinala ng mga kawal sa may patay-tambakan ang kaawa-awang katawan ng babae na puno ng mga pasa. Marahil ay hindi nito kinaya ang mga ginawa ng hari.

Lumipas ang mga taon. Dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang ay marami nang naging asawa si haring Zigfred. Nagpatuloy ang kahalayan na habang tumatagal ay mas lalong lumalala at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makuntento. Sa dami ng mga babaeng nadaungan ng kaniyang katawan ay hindi pa rin mapunan ng makisig na lalaki ang kasapatang hinahanap ng makamundo niyang laman na hayok sa pagnanasa.

Nagpatuloy siya sa ganoong gawain kaya nagpatuloy rin ang mga kababaihang nasasaktan at namamatay.





---

Araw na ng pagdiriwang sa probinsiya ng Jovial. ang pinakamalapit na probinsya sa kapital ng Traveil. Nasa bahaging timog ito, lagpas isang daang kilometro ang layo sa syudad ng Mirth kung saan makikita ang kastilyo. Ang Jovial ang pinakakilalang probinsiya sa buong bansa dahil sa mga kultura nito at tradisyon.

Sa linggong ito ay idaraos ang isa sa pinaka-ispesyal na pista ng probinsiya.
Ang Drago Festa Psalmus o pista ng mga nag-aawitang dragon.

Dalawang beses sa isang taon idinaraos ng probinsya ang nasabing pista. Una ay kapag pumasok ang taglamig at sa huli ay kapag natapos na ito.

Bago dumating ang taglamig, mula sa isla ng Jolif sa loob ng Traveil ay lumilipad ang mga dragon patungo sa Saphiro. Dahil mataas na bulubundukin ang probinsiya ng Jovial ay nakikita mula roon ang pagtawid ng mga dragon patungo sa katabing realm. Ganoondin ang nangyayari sa t'wing tapos na ang taglamig. Galing ng Saphiro ay bumabalik ang mga dragon sa isla ng Jolif.

Ginawan iyon ng pagdaraos ng mga tao na tinawag na pista ng mga nag-aawitang dragon sapagkat sa t'wing dumaraan ang libo-libong dragon sa ibabaw ng probinsya ay nakabubuo ito ng klase ng ingay na tila nag-aawitan. Naging tradisyon na ang pagbibigay kasiyahan sa araw na iyon sa paniniwala ng tao na inaawitan sila ni Eliah sa t'wing tumatawid ang mga dambuhalang nilalang sa kanilang lugar.

Noong oras na iyon ay nakahanda na ang mga tao para tunghayan ang mga naglalakihang nilalang. Tanghaling tapat subalit ramdam na ang lamig sa probinsiya sapagkat nalalapit na ang taglamig. Nagtipon ang lahat sa isang mataas na bulwagan upang ganapin ang kasiyahan.

"Magbigay pugay sa mahal na hari!" bulalas ng isang kawal.

Nagtilian ang mga tao lalong higit ang mga kababaihan ng makita ang hari. Tulad pa rin ng dati'y mistulang Diyos na sinasamba ang tingin nila rito dahil sa taglay nitong karisma.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now