Magpatibayan tayo ng sikmura! Hindi ako aalis dito. Manigas muna kayo!

Mabilis kong tinapos ang paglilinis. Nilagay ko lahat ng basura sa garbage bag at kinatok ko agad ang pinto.

Si Keifer muna ang pumasok at lahat sila nasa pintuan. Agad na tinignan ni Keifer ang kisame at natigilan sya ng makita yung mga gamit sa likod.

"What the..." Halos pabulong nyang sabi.

"Tinanggal ko na yung mga nakatabing... Sagabal kasi at ang daming alikabok. Pagmulan din ng lam----"

"Marumi pa din." Sabi nya ng may awtoridad.

"Huh?! Malinis na kaya... Pintura nalang kulang para sa pader at----"

"That's not what i mean." pumitik sya gamit ang dalawang daliri at inabot ni Felix sa kanya ang garbage bag.

Tinignan ko si Felix pero hindi sya makatingin sakin.

Nagulat ako ng bigla nalang isabog ni Keifer ang laman ng garbage bag. Umalingasaw ang mabahong amoy at lumipad sa ere ang mga basura.

What the fvck?!

"See? Marumi pa din." Sabi nya at ngumiti ng puno ng angas.

Magkanu ba pakabit ng laser sa mata? Papakabit lang ako para matunaw na tong Keifer na to sa harapan ko. Animal sa lahat ng animal! Hayop pa sa hayop!

"Sira-ulo ka ba?!"

"Maybe..." Tinalukuran nya ko. "...Clean this mess!"

Gago!

"Hoy! Keifer!" sigaw ko.

Huminto naman sya. Kinuha ko basura'ng inipon ko sa garbage bag at lumakad palapit sa kanya.

"Tama ka..."

Hinarap nya ko at pinagtaasan ng kilay.

"Marumi pa nga!" Madiin kong sabi bago binuhos sa kanya ang laman ng garbage bag na hawak ko.

Kasama ng papel, pinagbalatan ng kinain nila, mga lupa at alikabok na ngayon ay nasa ulo at balikat na ni Keifer. Tinignan nya ko ng masama kasabay nun ang bulungan ng mga Ulupong sa pinto.

"Shit!"

"Lagot na!"

"Patay sya ngayon."

"Tawagin nyo si Yuri!"

Kung nakakapatay lang ang tingin... Putcha! Pang-40 days ko na ngayon.

"You! Stupid! Woman!" Sigaw nya.

Medyo napaatras pa ko sa pagkaka-sigaw nya pero nanindig ako. Taas noo kung taas noo.

"Ano akala mo sakin?! Katulong nyo?!"

"You----"

"Keifer!" Sigaw ng kung sino.

Pareho pa kaming napatingin sa pintuan. Si Yuri habang salubong ang kilay at puno ng pagtataka'ng nakatingin samin.

"What the hell?! Bakit naliligo ka ng alikabok Keifer?!" Tanong nya.

Nagsalubong ang kilay nya ng makita'ng puro kalat sa paligid at sahig.

"Kindly explain..." Mahinahong sabi nya.

Tinignan ko si Keifer at ganun din sya sakin.

"SYA NAUNA!" Sabay na sigaw namin habang naka-turo sa isa't-isa.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon