Chapter 4

9 1 0
                                    

Panay ang pasada ko ng tingin sa sarili ko sa tapat ng body mirror dito sa kwarto ko. May dinner kame sa bahay nila Luis at hindi ko alam kung baket wala akong nakikitang magandang suotin para sa gabing to.

"Ugh!" Nafufrustrate na ako. Hindi pwedeng hindi ako pumunta dahil para sa amin ni Luis ang dinner na yun. I'm dammit!

Muli kong hinalughog ang walk in closet ko. Nakita ko dun ang black chocker dress ko na binili ko sa Singapore last na punta namen dun. Sinuot ko ito at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Narinig ko ang mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Pumihit ako para pagbuksan kung sino at nakita si Manang doon. "Baket po?" Magalang kong tanong.

"Ma'am nandyan na po si Sir Luis sa baba. Hinihintay kayo." Aniya na nagpaalarma saken.

"Okay. Pakisabi baba na ko in 5 minutes." Sabi ko at sinarado na ang pinto.

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko. I'm not satisfied yet but i don't like Luis to wait for me. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko at napagpasyahang yun na nga ang susuotin ko. Sinuot ko ang wedge ko na black. Naglagay ako ng konting pulbo at lipgloss. I want to look bare. It's a simple dinner with the family.

Halos takbuhin ko na pababa ng hagdan namen. Nang natanaw ko na si Luis ay nagdahan dahan na ako. Kinalma ko ang sarili ko. Nag-angat siya ng tingin saken at tumayo. He's wearing a white longsleeves, nakatupi ito hanggang sa siko niya and pants of course. Hindi yun pwedeng mawala.

"I'm sorry for making you wait." Malambing kong wika ng nakalapit na ko sa kanya.

Ngumisi siya. Mabilis niyang pinadausdos ang palad niya sa bewang ko. "It's worth the wait. I don't mind."

Napangiti ako. How sweet.

"So let's go?" Anyaya niya. Tumango ako at lumabas na para pumunta sa sasakyan niya.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago umikot para pumasok din sa driver's seat. Mabilis ang naging byahe namen ni Luis dahil hindi naman ganun katraffic. Ilang minuto lang at pumasok na kame sa pamilyar na subdivision.

"What's on your mind?" Narinig kong tanong ni Luis habang nililiko ang kanyang sasakyan.

"Ano ka? Facebook?" Humalakhak ako.

"I'm serious Love." Aniya, ngumingisi din.

Hindi na ko nakasagot ng nakita ko ang gate ng bahay nila Luis. Tinigil niya ito at naunang bumaba para pagbuksan ako. Gumapang ang kamay ni Luis sa kamay ko at pinagsiklop niya ang mga ito. Sabay kaming pumasok sa bahay nila.

"Oh, the couple were here!" Anunsyo ni Tita Barbara, kapatid ng mommy ni Luis.

Nanlaki ang mga mata ko ng nagsilabasan ang mga kamag-anak namen sa kung saang mga sulok. Literal na umawang ang bibig ko. Why are they all here? Akala ko simpleng dinner lang to between my family and Luis's family. Hindi ko inexpect na buong angkan namen ang nandito. Malaki ang pamilya nila Luis. Average lang ang amin. Hindi ko alam kung pano kame magkakasya sa dining area nila Luis.

"My daughter in law is here!" Malakas na sabi ni Tita Loisa at nakipagbeso saken. Kumiss din sakanya si Luis.

"Mom i thought tayo tayo lang?" Narinig kong tanong ni Luis.

Humalakhak si Tita Loisa. "Oh i'm sorry. I forgot. Hindi ko nasabi sayo na nasabi ko rin pala sa Tito at Tita mo. Pinasabi ko rin sa Tita Mina mo na ipasabi sa kanyang mga kapatid na may family dinner dito. Kaya ayan... Ang dami naten." She giggled.

"Oh baket nandyan pa kayo? Tara na dito. Your cousing are waiting." Sigaw ni Tito Cris.

Hinila kame ni Tita Loisa. Pumasok kame sa dining area nila na puro pagkain lang ang nasa lamesa. Rinig ko ang hagikhikan sa labas. Nasa garden sila! Nilagpasan lang namen yun at nagtuloy lumabas sa garden. Literal na umawang ang bibig ko dahil sa dami namen. Buti na lang at malaki laki ang garden nila Luis kaya kahit papano ay pwede pang kumilos kilos.

ChooseWhere stories live. Discover now