Chapter 2

11 0 2
                                    

"Try this Love..." Sambit ni Luis at hindi ko pa nilulunok ang una niyang pinasubo saken ay sinubuan na naman niya ako ng panibago. "Masarap ba? O ito kaya?" Aniya at umaambang isusubo na naman saken ang panibagong cake.

Tinaas ko ang kanang kamay ko sa harapan niya. Nahirapan pa akong lunukin ang pagkain sa bibig ko dahil masyado ng puno. Pagkalunok ko ay uminom ako ng tubig. Mahirap na baka mabilaukan ako at hindi pa ako maikasal.

"Love, hinay hinay naman. Hindi naman ako ganun kapatay gutom para makain agad agad ang mga sinusubo mo saken." Sabi ko.

Ngumisi siya saken at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. Nagfo-food tasting kame ngayon. Tapos na kame sa main course at ang iniintindi nalang namen ay ang cake.

Mabilis niyang hinalikan ang sentido ko. "Sorry, i just want this to be perfect. Ayokong may maging abala pa sa araw ng kasal naten."

Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. May mahihiling pa ba ako bukod sa mapakasalan ang lalaking to? Wala na atang mas hihigit pa sa Luis ko. "Everything will be fine. Walang magiging kontrabida sa kasal naten. Unless may babae ka tapos dadating siya sa kasal naten at sisigaw ng 'Itigil ang kasal!" Tumawa ako sa sinabi ko.

Ngumisi siya at umiling. Sinubo niya saken ang chocolate cake na kanina pang nakatusok sa tinidor niya. "Wag kang masyadong nanonood ng mga telenovela, Love. Kung ano anong kalokohan ang naiisip mo e."

Umirap lang ako sa kanya habang may naglalarong ngiti sa mga labi ko. I can never be more happy. Ang araw na lang ng kasal namen ang hinihintay. Di ako masyadong nakakatulog dahil sa pag-iisip sa kung ano pa ang kailangan namen para sa kasal. Hanggang isip lang naman ako dahil nalalaman ko din kina Mommy na bago ko pa daw itanong ang mga ganung bagay ay naisuggest at nagawa na ni Luis. Napakahands on niya sa kasal naman. Hindi na ako magtataka kung hindi na siya natutulog para lang mapolish ang lahat.

Nang nakapili ng na kame ng cake ay nagyaya na agad si Luis na umalis kame. Ika niya'y kailangan pa namen puntahan ang mga bulaklak.

Pagdating sa flower shop ay bumungad saken ang kumpol kumpol na mga bulaklak na kulay light blue. Kinagat ko ang labi ko. Siguro kung nakikita ko ang sarili ko ngayon ay literal na nakahugis puso ang mga mata ko. Gustong gusto ko talaga ang light blue dahil malamig sa paningin at napakapeaceful sa pakiramdam.

"Is everything ready? How about the blue roses?" Narinig kong tanong ni Luis sa isang crew.

Pero wait... Blue roses? Oh my God!

Lumapit ako kay Luis at agad na isinukbit ang kamay ko sa braso niya. "Did i hear you right, Love? Blue roses? Talaga?" Hindi ko maitago ang galak sa boses ko.

Nagbaba siya ng tingin saken. Of course. Ano bang iniexpect ko? He's 5'11 at nasa 5'6 lang ako. Ngumisi siya saken at tumango. Maya maya pa ay nakita ko na ang mga nagagandahang roses na bitbit ng crew.

"Oh my God, they're beautiful." Nasambit ko ng ibigay saken ng crew ang mga bulaklak.

"Of course. Maganda ang bride kaya dapat maganda ang flowers." Narinig kong usal ni Luis. Lihim akong napangiti. Can i kiss you? Para sa lahat ng efforts na ginagawa mo para saken.

Sandali pa kaming nagstay sa flower shop habang nagbabayad si Luis. Hindi ko nilulubayan ng tingin ang mga bulaklak ng yakap yakap ko ngayon. Pagkatapos niyang pumirma sa resibo ay pumunta na kame sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago siya umikot sa driver's seat.

Pagkasara niya ng pinto ay hinila ko agad ang braso niya at hinalikan siya. He didn't respond on my kiss immediately pero ilang sandali lang ay gumanti na rin siya. Nilabay ko ang kamay ko papunta sa batok niya at mas diniinan ang halik. If i can kiss this man forever, then i will.

ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon