Chapter 1

15 1 0
                                    

Titig na titig ako sa singsing na nasa daliri ko. White gold ito na may tatlong diamond sa gitna.

Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing tinanong ako ni Luis kung pwede ko ba siyang pakasalan. It was a magical night. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasaya at magandang babaeng nabubuhay sa mundong ito. Oh well, feeling ko lang yun syempre. Kahit naman sinong babaeng yayain ng pinakamamahal nila ng kasal ay ganun ang mararamdaman.

"Hoy tulala ka na naman dyan." Narinig ko ang panunuya ng bestfriend ko. "Baka bago pa ang kasal niyo ni Luis ay tunaw na yang singsing na yan sa daliri mo." Pang-aasar niya pa.

Ngumisi ako at liningon siya. "Excited na ako, Cara." Excited kong sabi.

"Halata nga e. Excited kayo pareho ni Luis. Talagang next month agad ang kasal? Hindi niyo man lang hihintayin ang graduation? Really? "

Umiling ako at mas lalong ngumisi. Hindi ko alam kung anong mali dun. Hindi naman kailangan patagalin pa ang kasal. We want the marriage to happen as soon as possible. Hindi na ako makapaghintay na palitan ang apelyido ko ng Sarmiento.

"It can't wait, Cars. It can't."

Pabiro siyang umirap saken at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng class room. "Buti ka pa ikakasal ka na. Mukhang mapag-iiwanan ako a?" Mapait niyang wika.

"Loka!" Sabi ko at marahang tinulak ang braso niya. "Maaga lang akong mag-aasawa. Hindi naman ibig sabihin na mag-aasawa na ako, ay magiging old maid ka na. We're still young. Madami pang boylet diyan. Hanap ka lang."

Ngumuso siya at hinarap ako. Cara has strong features. Yun ang dahilan kung baket mukha siyang fierce. Madami siyang naaattract na boys dahil matured siyang tingnan. Mukhang palaban and all. Their challenge by her beauty.

"Hindi na ba madedelay ang kasal niyo? Wala akong boyfriend ngayon. Wala akong partner."

Tumawa ako sa sinabi niya. Akala ko seryoso siya. Ts. "May mga pinsan si Luis galing States na darating. I'm sure makakahanap ka isa sa kanila."

"Kung baket naman kase next month na agad ang wedding. Masyado ata kayong atat na mag you know." Aniya at tinaasan ako ng kilay. .

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at pinalo siya sa braso. Biglang uminit ang mukha ko sa narinig. "H-hindi pa namen yun napag-uusapan." Nahihiya kong sambit.

"Hindi naman kase yung pinag-uusapan, Jade. Gosh, napakainosente mo talaga. Hindi tayo bagay maging bestfriends." Balewala niyang saad.

Umiling na lang ako sa pagkabulgar masyado ni Cara. She's tactless. Sasabihin niya ang gusto niya, wala siyang pakialam kung may ibang makakarinig sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nakita ang messages ni Luis saken.

Love:

Are you at school?

Love:

May class na ba kayo?

Love:

Why aren't you replying? Is everything alright?

Love:

Should i call now? Or should i go there? Nasan ka ba?

Love:

Love, where are you? I called at your house kanina ka pa daw umalis.

Love:

I'm Goddamn worried Jade de Villa. Hindi kita macontact.

Love:

I will call the police.

Napangiti ako sa pagiging paranoid ng boyfriend ko. Nakangiti kong dinial ng number niya at dalawang ring lang ay sinagot na niya.

ChooseWhere stories live. Discover now