Chapter 22

1.5K 50 8
                                    

AN: Happy 80k saten!!  Sa mga supporters ng story ko thank you so much kahit na sobrang tagal kong mag ud!! :D I'm so happy to know that you like my story :)).

mygirlvien18 Mention muna kita kasi may problema tong si watty . hindi kita madedicate so kapag okay na si watty dedicate ko sayo .For now mention na lang muna hehe . super thank you sa support ! *hugs & kisses*

Someone's Pov

Nagising si Bridgette nang maramdaman niyang may mumunting insekto ang kumakagat sa balat niya

Napatingin siya sa paligid niya. Nasa sementeryo siya .Gusto niyang tumakbo at sumigaw ngunit hindi niya magawa

Nakatali ang dalawang kamay at paa niya .Nakatakip  ang kanyang bibig gamit ang isang tuwalya.

Napaluha siya dahil sa hindi niya makamot ang kanyang balat . Pakiramdam niya parang mamamatay siya ng dahil sa hindi niya makamot ang kanyang katawan

Nanlaki ang mata niya nang may isang lalaki ang nakatingin sa kanya

Nakasuot ito ng isang maskarang may nakakapangilabot na ngiti

Naglakad patungo sa kanya ang lalaki at napansin niyang may hawak itong dalawang garapon

Tumigil sa harap niya ang taong iyon at dahang-dahang tinanggal ang maskara

Mas lalong nanlaki ang mata ni Bridgette ng malaman kung sino ang taong nasa likod ng maskarang may nakakapangilabot na ngiti

Ngumiti sa kanya ang taong yun. Hinaplos ng lalaki ang kanyang pisngi

“Hindi sana mangyayari toh kung hindi niyo sinaktan ang mahal ko” Saad ng taong yun

Gustong magsalita ni Bridgette pero hindi niya magawa

Ipinakita ng lalaki ang laman ng dalawang garapon .Halos mapaiyak si Bridgette sa nakita niya

Sa isang garapon na nasa kaliwang kamay ng lalaki ay tumpok ng mga tilas at sa isang garapon naman ay punong puno ng linta

“Haha! Nasan ang tapang mo nung sinasaktan nyo ang mahal ko? Alam niyo namang wala siyang laban sa inyo. Three against one?! Now it's my payback .Three against one din diba? How wonderful!” Saad ng lalaki at humalakhak na parang isang demonyo

Binuksan ng lalaki ang takip ng dalawang garapon . Umiling iling naman si Bridgette. Tumingin siya sa mata ng lalaki na may pagmamakaawa sa mata

Nawala ang ngiti ng lalaki at tumingin ito kay Bridgette nang walang emosyon

“Nagmamakaawa ka ngayon? Eh nung nagmakaawa siya sa inyo? Tumigil ba kayo? Hindi diba? Go to hell you fuckin bitch” Matigas na saad nito at ibinubo na ang laman ng dalawang garapon sa katawan ng dalaga

Gustong sumigaw ni Bridgette dahil sa sobrang kati at sakit na nararamdaman niya . Ramdam na ramdam niya ang pagbaon ng mumunting balahibo ng tilas sa balat niya na naging dahilang upang magkaroon siya ng maraming pantal sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.

Nanghihina na siya marahil sa pagsipsip ng mga linta sa dugo niya .

Nanlalabo na ang kanyang paningin .Bago siya mawalan ng malay ay narinig niya ang sinabi ng lalaki

“You must be tired. You need to rest” Saad nito at ngumiti na parang isang demonyo

Ang bigat ng talukap ng kanyang mata .Hindi na niya nakayanan at kaagad siyang nawalan ng malay

*****

Nagising si Bridgette ng maramdaman niyang sobrang init ng nasa paligid niya

Nagulat siya ng malamang nakahiga siya sa isang kabaong na gawa sa kahoy .Sobrang sikip .Halos maligo na siya sa kanyang pawis .Hindi siya makahinga ng ayos

Obsession 1: Kill for Love (On Hold)Where stories live. Discover now