bullet 15 - touch move

Start from the beginning
                                        

Kumunot ang noo niya, hinarurot ko ang sasakyan palabas ng compound.

I had given my subliminal SOS. Now it's time to die. Pinatay ko ang ilaw para hindi ako makatawag ng pansin. Crap! Pakiramdam ko lahat ng galaw ko ay pinapanood ng kung sino. Ganito ba ang pakiramdam ni James Bond? But I'm not Jamie Bond, Pete’s sake!

Bigla ko inapakan ang break dahil may isang tao o hayop na bigla na lamang lumitaw sa daan. Napaka biglaan ng aking pagpreno kaya muntik na ako masubsob sa manibela. Freakin' suicidal bastard/animal! Inilaw ko ang headlights upang makita kung ano ang nasa harap ko.

"No way..." I whispered. Cole Sy, in black leather jacket, was infront of my car. He stared at me through the windshield, I stared back. Ano ang ginagawa niya dito malapit sa compound?

Naglakad siya papunta sa pinto ng shotgun kaya binuksan ko ang lock, walang bumibitaw sa titigan habang naglalakad siya.Tahimik siyang pumasok sa loob. Napaka-seryoso ng kanyang mukha. Muli kong pinatay ang ilaw kaya nabalot kami ng kadiliman. Walang buwan o bituin na masisilayan sa kalangitan, tanging ang mga magkakalayong street lights ang nagbibigay liwanag sa gabi. Ilang minuto kaming naka-upo lamang.

"Venice..." he started.

"Cole, look... May importante akong bagay na dapat gawin. Wala akong oras para kumbinsihin kang sabihin sa akin ang mga nalalaman mo."

"'Wag ka na lamang makiki-alam kung nais mo pang mabuhay. Hindi sila ang mga taong binabangga ng isang..." tumigil siya, pabulong na ang sumunod niyang niwika. "mahinang kagaya mo."

That's one solid blow on my ego peak. Hindi ko gusto na isinusugal ko ang buhay ko, heck, hindi ko gusto. Wala lang akong pagpipilian. Ayaw kong maging dahilan ng kamatayan ng iba.

Nanatili akong nakatingin diretso sa dashboard at pinatay ko na nang tuluyan ang makina. Sa sinabi niya parang nag-unahan ang utak ko na magtanong. Anong alam niya? Gaano karami ang alam niya? Kilala niya ba ang grupo nila Dana? Ano ang kinalaman niya sa kanila?

Nakakapanibago ang awra ni Cole. Hindi ko tuloy masabi kung ito ba o ang green minded na Cole ang totoo.

"Marami akong gustong itanong. Walang kasiguruhan kung sasagutin mo o kung sasagutin mo man ay kung totoo ang sasabihin mo. Pero itong isang ito maari mo bang sagutin nang totoo?" bulong ko, pagbasag ko na sa katahimikan. "Cole, mapagkakatiwalaan ba kita?" Isang tanong lang... susunod na ang iba. Natatakot na talaga akong magbigay ng tiwala.

"Oo."

One word, two letters... How could that doble 'o' bring light in my world? Tiningnan ko siyang mabuti habang binubuhay kong muli ang sasakyan. "You are right, I can't stop them alone. I think alam mo na ang tungkol sa kanila--mas marami ka pa sigurong alam kaysa sa akin. But now is not the right time to question you. I need to save Margareth...asap."

Tumango siya. "So, she is really alive." Nakita kong kumunot ang kanyang noo. "Paano mo nalalaman? What the fvck? Are you trying to save her?" Now he was looking at me through the rear mirror, concern on his face.

Trigger and BulletsWhere stories live. Discover now