Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko inayos ko sunod ang mga ebidensyang kakailanganin ko upang maniwala sa akin ang aking ama. Baka hindi niya paniwalaan ang mga ibubunyag ko. Sa tindi ng galit niya sa akin dapat ko ring paghandaan ang aming pagkikita, hindi ako sigurado kung hindi niya ako kayang saktan. Nasaktan na niya ako noon, iyon ang una, kaya hindi na maaalis sa isipan ko na pwedeng maulit muli iyon.
Lahat ng mensahe ni L--ni Mommy--sa akin ay handa ko na ibigay sa kanya. Ngunit bago ko pa mabuksan ang pinto palabas ng unit naaninagan ko ang isang papel na nakasuksok sa pagitan ng sahig at pinto.
No. Not again.
Kinakabahan akong pinulot ito. I hold my breath...
Come to this place alone. Save Margareth.
Lot 11 Block 6 Princeton St., Crost Fidel.
10, tonight.
-L
What rational response can I give on that? Para akong nagbasa ng aking death sentence. Hunghang na ba ang aking ina? Inuutusan niya ba talaga akong pumunta sa nasabing lugar--na sa palagay ko ay ang kuta nila Dana--upang iligtas ang kirida ng aking ama? Nababaliw na ata siya. Mababaliw na ata ako.
What am I going to do? Sh!t! What am I going to do?!
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. I still had seven hours before my meet up with death.
***
Mabilis na lumipas ang oras. Kung pwede ko lang pigilan ang takbo ng mga orasan, kung pwede ko lang pahintuin ang galaw ng mundo... Subalit hindi maaari. Tatakbo ang oras, gagalaw ang mundo kahit na huminto ako sa pagsunod.
Alas nuwebe na ng gabi nang pasikreto akong lumabas sa aking unit. Whatshername was not anywhere I could see, but I wasn't sure she was not tailing me. Pinatungan ko ng printed plate number ang plate number ng sasakyan ko. Natanggal ko rin ang GPS na nilagay ng kumpanya sa ilalim. Karga pa rin ng sasakyan ko ang mga armas na hindi ko alam kung pano makakatulong sa akin--sa amin ni Margareth. Just to humor myself I was planning to enslave her as my price when the odds be on my favor.
Ang pagdaan sa gate ng compound ang naging pinakamahirap na pala-isipan sa akin sa gabing ito. Hindi ko ito prinoproblema noon dahil ayos lang na ako'y maggala. Iba ang kaso ngayon, ayaw ko ng bakas. Sampo ang gate ng compound at patas na seguridad ang pinapatupad sa lahat. Napag-isipan ko na rin na akyatin na lamang ang bakod ngunit ang sasakyan ko lamang ang tanging kakampi ko ngayon kaya hindi ko ito maaaring iwanan. I'm a Fronda, I own every single atom here... This was another shot in the dark.
Hinarurot ko ang sasakyan patungo sa likurang lagusan. Thank heavens tahimik ang makina ng mahal kong Ferrari. When I reached the gate I rolled down my window.
"Miss Fronda," magalang na wika ng guard. "mag-isa ho kayo?"
"Oo. Maliban kung gusto mong sumama." I smiled. "Tatambay ako sa Grove," isang elite club sa syudad, "tell Zeus na padalhan ako ng rescue team kung sa bukang liwayway ay hindi pa ako nakakabalik."
YOU ARE READING
Trigger and Bullets
AdventureMine isn't your kind of tale. I am not to kiss and expect a happily-ever-after. But certainly, I am destined to collide and explode with the darkest prince. Abiso: Contains explicit language.
bullet 15 - touch move
Start from the beginning
