∞ twenty five ∞

0 0 0
                                        

25. smile

(Fast forward po tayo,friday na dito at huling araw na ng bagyo)

X e l i 's p o v.

Haist...buti nalang humina na rin ang ulan, halos isang linggo na rin kasing umulan at walang pasok, nabalitaan ko rin na naka uwi na pala si Sam dito sa Manila, at hulaan niyo, magiging school or ka blockmate ko siya ulit!.

Excited na ako sa Monday.!!

Tawagan ko nalang kaya siya??

Rinnggggg...

["He..hello??"]- mukhang bagong gising lang tong babaeng to ano??

"SAM!!!!!!"- sigaw ko para mas magising siya.

["WAHHHHHHHH!!!!!!"]-shyete naman oh!! Kakabingi tong babaeng toh!!

"Sam!! Nakauwi ka na sa Maynila??"- excited kong tanong sa kanya.

["Ahhhh,?? Oo bakit?? Miss mo ako no??]

"Oo naman!! Miss na miss kita, super duper to the highest level mas mataas pa sa everest!, gala naman tayo!!"pagyayaya ko

["Sige, sabihan mo rin si Louise para all girls tayo!. Tagal narin kasi nating di nagkikita at nagkakasama"]

"Sige, kita nalang tayo sa starbucks 10 AM!. See you!!"- sabay baba ko ng phone.

Agad ko rin namang tinawagan si Louise.

"Louise, gala daw tayo!! Kasama si Sam!!"

[NANDITO NA SIYA?!. OMG.SIGE!. SIGE!.WHERE?."]- ito talaga si louise, ginawa pa akong bingi.

"Louise, huminahon ka!. Hingang malalim baka hindi ka makahinga kakasigaw mo. Kita nalang tayo mamayang 10 sa starbucks!!sige, babush"

Naligo ako agad agad at nagbihis na. Sinuot ko yung Purple off shoulder dress ko na binili ko last week tapos sinuot ko rin yung paburito kong pumps, with matching light make up and ready na achetch!. Kinuha ko na ang bag ko na chanel at umalis na agad, 8 AM palang eh, pero its better to be early than to be late, correct talaga!.

Hindi ko na tinawag si manong driver, ako lang ang nag drive for myself, ginamit ko yung black na lambourgini ni Papa, hindi pa nga niya ako binilhan eh,kawawa ako, poor walang CAR.×__×

After 30 minutes nakarating narin ako sa mall at dumeresto na ako sa starbuck, at ayon mas maaga pa pala sa akin si Louise. Parang mas excited pa sa akin. Pero, parang ina iyong reaksyon niya. Nakasimangot?.

Lumapit ako sa kanya at nakita kong parang may kaaway siya.

"Anong sabi mo kanina?. Ha?. Ako?. Pangit?. Joke ba yan o pinapatamaan mo lang talaga ang sarili mo??"- louise.

Si louise pangit?. Ang ganda niya kaya, pero mas maganda lang talaga ako, at etong babaeng ito kong sino man siya, may sakit lang siya sa mata.


"Hahaha, nakakatawa ka naman miss,ako pangit?. Over my dead beautiful body!"- sabay taas kilay pa ng babae.

"Oo nga!! Ang pangit ng mukha mo parang dead! At FYI your not beautiful kaya!!"- sabay cross arms pa ni Louise.

"Che!!"- sabay alis nong babae.

Pumalakpak ako na siyang kinagulat niya.

"Ganda ng movie kanina ha!! Artista ka na pala??"- tanong ko.

"Che, saan na ba si Sam??"- tanong  ni Louise, na mukhang naiirita.

"Wala pa, libre mo nalang muna ako sa loob!"- nakangiti kong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Part Of Your World [ON HOLD]Where stories live. Discover now