∞ twenty ∞

0 0 0
                                        

20. Destroyed


T o b 's p o v.

"Pare tama na yan". Iang beses ko nang sinubukang agawin ang bote ng alak sa kamay ni Dyllan ngunit hindi siya nagpapatinag. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Wasak na wasak.


"Tob naman sabihin mo nga ano ang wala sa akin na nandoon sa lalaking yun??Ano!".

"Dyllan, wala namang kulang sa iyo!"

"Pesteng buhay toh!! Lagi nalang nila akong iniiwan!! Bwisit!"- sabay sandal ni Dyllan sa may stall at umiiyak, hindi man kami masyadong close pero ramdam ko naman na nasasaktan talaga siya, at alam ko naman na mahal niya talaga si Sam.



"Dyllan!!"- rinig kong worried na sigaw ni Micheal mula sa di kalayuan. Tinawagan ko siya para may mag alaga kay Dyllan ngayon. No choice ako, siya lang ang kilala kong 'medyo close' kay Dyllan

Sana lang, alagaan niya si Dyllan.


******

M i c h e a l 's p o v.

He is so helpless, umiiyak, bigo, broken dahil lang sa babaeng malanding iyon, she broke Dyllan. Ang kapal ng mukha niya para manakit ng taong ang tanging ginawa ay mahalin siya. She don't deserve him.



Tinitignan ko  ang nakululog niyang mukha, kawawa siya, mugto ang mata at halatang may problema talaga, ngayon ko lamang siya nakitang ganito, dahil sa babaeng yon.




"Sam"That name. He is dreaming about that girl, siguro dapat makalimutan niya na ang babaeng yun, sisirain niya lang si Dyllan.



Humanda yang Sam na yan, humanda siya.

------

Nandito ako sa school, break namin kaya walang class, absent rin si Dyllan, mas mabuti na iyon para hindi niya makikita ang mukha ng babaeng ito na ngayon ay may kasamang lalaki na hindi ko naman kilala. Aba, malandi talaga.


"Bye, sunduin kita mamaya"- si ng lalaki sabay kiss sa cheeks ni Sam. Malanding impokrita to.




Saktong pag alis nong lalaki ay nilapitan ko agad siya, at hinila siya papunta sa may pool side ng school.

"Micheal ano b..."

*PAK*

Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil sinampal ko na siya.

"Hindi mo ba alam na dahil sa iyo kaya nagdurusa ngayon si Dyllan?? Bakit?? Malandi ka kasi!.Impokrita ka!. Manggagamit!."- sabay sampal ko ulit sa kanya.

"Kasalanan ko bang tanga yang si Dyllan at minahal ako?? Owwwww, ako ang minahal at hindi IKAW!!". Mas kumulo ang dugo ko dahil sa kanya. I hate her very much.


"Oo nga ikaw ang minahal at hindi ako pero ano? anong ginawa mo?? nakikipaglandian ka sa iba habang kayo pa ni Dyllan!"Gusto kong patayin tong malandi sa harap ko.



"Wala kang alam!"sigaw niya pero dahil punong puno na ako ay itinulak ko siya sa pool.




"Wala nga akong alam!! Pero tandaan mo ito!! Hindi ka nararapat kay Dyllan!! Sinayang mo lamang siya!!" Iniwan ko siyang basa at lumalangoy sa pool dumeretso ako sa locker room at kinuha ang mga gamit niya doon. Binasa at sinira sira ko ito, buti nga sa kanya malandi kasi!!

*******

L o u i s e 's p o v.

Nandito kami shower room ang sama talaga ng babaeng yon, ang sama ni Micheal, hindi na siya nakuntento sa pagtulak kay Sam sa pool at sinira pa talaga ang PE at mga damit ni Sam sa locker room. Buti nalang at napahiram ko siya


"KAINIS!! ANO GUSTO MO SAM RESBAKAN NATIN!!"- galit na sigaw ko.

"Wag na Louise, kasalanan ko naman talaga kasi Malandi ako"- yinakap ko nalang siya, hindi lang talaga kasi alam ni Micheal ang totoo, hindi niya alam na para rin sa pamilya ni Sam itong ginagawa niya.



"Sam!! Wag mong sabihan ang sarili mo ng ganyan!! Hindi ka malandi, may dahilan ka lang talaga, at diba para din naman toh sa inyong dalawa ni Dyllan"- nakakaawa si Sam, sinisisi niya na kasi ang sarili niya.



Umiiyak na naman siya, nasasaktan na naman.



"Tara??"- sabi niya at sinubukang ngumiti sa akin, nakangiti naman siya, isang pekeng ngiti. Nginitian ko nalang rin siya, alam ko namang matatag ang babaeng toh eh, kahit may problema na siya kaya niya paring ngumiti kahit pilit nga lang.



Sinunod ko siya at lumabas na kami ni Sam sa shower room at pumasok na lamang sa klase namin.


******

D y l l a n 's p o v.

"Kuya labas ka na dyan!"- uli na sabi ni Trixia sa akin, hindi ko nalang siya sinagot, pagod ako, pagod na pagod. Sobra paring sakit, wala akong lakas para lumabas at harapin sila.


"Kuya, nag aalala na kami nila mama at papa kung like mo mag eat ha nandito lang sa labas ang food mo,eat ka kuya ha"- sabi na naman ni Trixia na halatang nag aalala.


Wala akong gana ngayon, ang sakit parin dito sa puso eh. Bakit bigla bigla nalang, for all the days, weeks, months na nakasama niya ako at nakasama ko siya, talagang pinaglaruan niya lang ako??? Ako lang pala ang nagmamahal sa amin, ang sakit!!


Pero hindi naman pwede na hindi ako kumain diba?? Kahit  wala akong gana, susubukan ko paring kumain para naman hindi ako magmukhang desperado sa kanya. Pero sa totoo lang, parang di ko na nga kaya.



Lumabas nalang ako at kinuha ang pagkain sa may pinto at pumasok rin naman ako agad sa room ko. Ayaw kong kumain sa labas ng room ko, baka maiyak lang ako doon at may makakita pa sa aakin.

*tok*

*tok*


May tao na naman.

"Dyllan"- napatingin ako sa taong pumasok. Ba..bakit?? Paano? Siya nakapasok?? Shit!! Hindi ko na lock ang pinto.

"Bakit ka nandito??"- walang gana kong tanong.

Hindi niya ako pinakinggan at umupo lamang siya sa kama ko.

"Dyllan, nandito lang ako"- sincere na sabi ni Mich. Si Micheal, lagi lang siyang nasa tabi ko pero di ko parin siya kayang mahalin.

"Dyllan, she doesn't deserve you, someone better deserves you, Dyllan wag mo siyang iyakan, o
kalungkutan, malas siya Dyllan dahil iniwan at pinagpalit ka niya, kong ako sa iyo magpapakatatag ako at ipapakita ko sa lahat lalong lalo na sa Sam na iyon na matapang ako"

"Kasi naman dyllan, umaalis ang tao sa buhay ng isang tao kasi that means na hindi talaga siya ang para sa iyo, dyllan alam mo namang mahal kita diba?? At gusto ko sanang mag pakatatag ka para naman sa sarili mo!"- natauhan ako sa sinabi niya. Tama siya siguro hindi talaga si Sam ang para sa akin, ayaw ko nang ipagsiksiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa akin, ayaw ko nang maging tanga.




"Sige Dyllan, yun lang, alis muna ako, para naman makapag isip isip ka. Ingat ha."- pero bago makaalis si Mich at hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapaharap siya ulit sa akin.

"Bak...?"- I kiss her. Sana naman kahit sa ganitong paraan magantihan ko siya sa lahat ng pag aalaga na ginawa niya para sa akin, kahit tinakwil ko na siya noon, nandito parin siya at hindi ako iniwan.


"Salamat"- at kahit pilit ay ngumiti ako sa harap niya.
Ngumiti rin siya "your welcome"- at umalis narin.

Part Of Your World [ON HOLD]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant