"Really?! Thanks, Raya!" tapos hinug niya pa si Raya. Ewan pero napakunot 'yung noo ko sa gesture niya na 'yun.

"No problem. Alam mo namang love kita eh. I just want to challenge you. Pero paano na nga pala 'yung reserba mo? Alam ba niya?"

"No. Sasabihin ko na lang mamaya. Akala ko kasi hindi mo ako sasagutin kaya nanligaw ako ng iba. Pero thanks dahil sinagot mo ako. And I'm really happy."

"Okay. C'mon. Kain na tayo," then inangkla niya ang braso niya kay Ivan.


Bago pa kami tuluyang makita ay hinatak na ako ni Zie sa may kabilang side. Buti nga at hindi nila kami nakita eh. Pero natulala ako sa lahat ng narinig ko. Totoo ba 'yun?


Ako? Reserba? Reserba niya lang ako?!


"V-Ven, okay ka lang?"

"C'mon Zie, kumain na muna tayo."


Naglakad na ako papuntang cafeteria at si Zie ay nakasunod lang sa akin. Ayoko munang pag-usapan 'yung bwisit na Ivan na 'yan at lalong-lalo na ang super bwisit na Raya!


Hanggang sa pagkain ko, hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat kong maramdaman.


"Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang kapal ng mukha niya!" At tuluyan ko nang tinusok-yusok 'yung manok sa plate ko. Nagulat naman ako nung tumawa si Ziela.

"Bakit ka tumatawa?!"

"Eh kasi kawawa naman yung manok Ven. Patay na nga, pinapatay mo pa lalo," tapos tumawa ulit siya.


Bwisit kasi eh. Buong akala ko, nililigawan niya ako dahil may gusto siya sa akin. Tapos bigla kong malalaman na reserba lang ako? Like what the heck? Ilan pa ba kaming reserba niya? At ang hindi ko matanggap ay reserba niya lang ako para kay Raya!


"Ven, alam mo hindi naman siya worth it eh. Pero natutuwa talaga ako. Kahit papano ay nalaman natin ng maaga. At least, hindi ka mapapahiya mamayang gabi right? And besides, okay lang naman ata sayo eh."


Napakunot naman yung noo ko nun. What does she mean by that?


"Huh? What do you mean na okay lang sa akin?"

"Ven, obvious namang infatuation lang 'yang feelings mo for him eh. You don't love him. Kasi kung mahal mo siya, eh 'di dapat umiiyak ka na ngayon dahil sa narinig mo kanina. Eh anong ginagawa mo ngayon? Tinutusok-tusok mo lang 'yang chicken dahil sa inis."


Bigla namang lumiwanag 'yung mukha ko dahil sa sinabi ni Zie. Sabagay, she has a point. Pero nakakalungkot rin kasi na akala mo totoo 'yung feelings sa'yo ng isang tao, 'yun pala hindi. Bakit ba ang malas ko pagdating sa ganito? Nung una si Richard, tapos ngayon naman kay Ivan.


After nun ay buong araw na akong hindi mapakali dahil hindi ko maimagine kung anong pwedeng mangyari mamaya sa dinner.


***


At ito na nga. Nasa dinner na kami. Nandito kami ngayon sa garden nina Ziela. Malaki siya and kayang i-occupy ang buong section namin. At ang nakakainis pa, tama ang hula namin kanina-magkasama si Ivan at Raya. Ang kakapal ng mga mukha! Kailangan harap-harapan? Kailangan pinapakita niya sa akin 'yung ginawa niyang panloloko? I effin' hate them!


And as expected, lumapit sa akin si Ivan. Buti medyo konti pa lang kami rito since 'yung iba ay umuwi pa para magpalit ng damit or iwanan ang gamit nila sa bahay.


"Uhm, Liann. I have something to tell you." I composed myself at humarap ako sa kanya tapos ngumiti.

"Ano 'yun? Na ginawa mo lang akong reserba at kayo na ni Raya? 'Yun ba Ivan? Sus. Okay lang 'yun. Actually, wala rin naman akong balak na sagutin ka eh. Sorry kung pinatagal ko pa 'yung panliligaw mo. Sige, alis muna ako."


After kong sabihin ang speech na 'yun ay lumapit ako kay Zie dahil naiiyak ako. Naiiyak ako dahil dapat, ako 'yung nasa tabi ngayon ni Ivan. At naiiyak ako dahil nakakahumiliate 'yung ginawa niya sa akin. Sobrang nakakainis talaga.

At talagang pinanindigan nila eh. Inakbayan niya pa si Raya. Naiinggit tuloy ako. Ayan na, kainis naman. Tumulo na 'yung luha ko. Tumakbo ako papunta sa CR nina Zie pero bigla na lang akong natumba.


My gosh, tanga naman Ven! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan! Pinunasan ko 'yung luha ko pero napahinto ako dahil may nakita akong gasgas sa kamay ko.


"A-are you okay? Sorry hindi kita nakita. Nabasag kasi yung salamin ko kanina." Napatingin naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko.

"Teka classmate ba kita? S-sino ka?" Bakit parang hindi ko siya nakikita sa class namin? Trespasser ba siya?

"I'm Roj, kung hindi mo pa ako kilala. Pero ang alam ko, nakilala mo na ako kanina dahil sa quiz bee 'di ba?"


Oh. My. God. Si Roj ba 'to?! Bakit hindi siya baduy ngayon?!


***

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang