"Kung may kailangan kang ipabili sa mini grocery store sa ibaba, dial 111 sa telepono na 'yan." Itinuro nito ang teleponong nakadikit sa dingding. "You will be connected to the front desk, ihahatid nila sa 'yo ang kailangan mo kaya hindi mo na kailangan pang lumabas. At habang wala ako, maglinis ka o kaya naman magpahinga." His green eyes settled on hers. "You have dark bags under your eyes. Matulog ka."

Tumango si Annette, saka ngumiti. "Ingat po Sir— ay..." Napalabi siya, "Cali pala."

Mataman siya nitong tinitigan na parang menememorya ang mukha niya bago lumabas ng penthouse.

Nang sumara ang pinto ng penthouse, pabagsak na napaupo si Annette sa pang-isahang sofa at nagpakawala ng buntong-hininga. Grabe. Para siyang mapupugtuan ng hininga. Nai-intimidate siya kay Cali Sudalga. Nakaka-drain ng energy ang presensiya nito.

Good God. Ano kaya ang mangyayari sa kanya sa mga susunod na araw?

Humugot uli siya ng malalim na hininga, saka inumpisahan na ang trabaho niya bilang PA slash katulong. Pero habang sinusuyod niya ang bawat sulok at parte ng penthouse, wala naman siyang makitang dapat linisin. Masyado nang malinis ang buong penthouse.

Napasimangot siya. "Ano'ng gagawin ko ngayon?"

Pabagsak na naman siyang naupo sa sofa, saka pinagdiskitahan ang cell phone na bigay sa kanya ni Cali. Nasisiguro niyang mamahalin ang cell phone na 'yon dahil napakaganda ng screen at maganda rin ang camera. At dahil sa wala siyang magawa, panay ang selfie niya sa iba't ibang anggulo hanggang sa na-bore siya sa ginagawa at nahiga na lang sa mahabang sofa.

"What to do? What to do?" she said in a sing-song voice.

Pinulot na naman niya ang cell phone saka binuksan ang Wi-Fi. Napangiti siya nang makitang connected na 'yon. Agad niyang binuksan ang browser, saka nag-search ng kung ano-ano. 'Yon ang ginawa niya buong maghapon hanggang sa makatulog siya sa sofa.



"MALAYO ANG TINGIN," kumakantang tudyo ni Lysander kay Cali na kanina pa nakatingin sa malayo at walang pakialam sa pag-uusap na nagaganap sa loob ng barn.

Ang barn na pagmamay-ari ni Lysander na hindi naman pambukid ang laman kundi ginawang tambayan ni Lysander at ng mga kaibigan nito.

"Uy, Cali, kumurap ka naman," sabi ni Andrius.

Cali sighed and looked at his friends. "What?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Lysander at seryosong nagtanong sa kanya. "Ayos ka lang ba? Mula nang dumating ka kanina, parang wala ka na sa sarili. Mind telling us why?"

Pasalampak na umupo si Thorn carpeted na sahig, paharap sa kanya na nakaupo rin sa sahig. "Speak, Cali."

Inabutan naman siya ni Andrius ng Cali. "Hayan, pampagana sa usapan."

Napailing-iling na lang siya, saka tinanggap ang inumin. "Ano ba'ng gusto n'yong sabihin ko?" umpisa niya. "I'm fine. I'm perfectly fine," may diin niyang sabi.

"Physically, yes," sabi ni Lysander.

"Mentally, maybe," dagdag ni Andrius.

"But in here." Itinuro ni Thorn ang puso niya. "You're not."

Lysander tsked. "Cali, alam namin kung gaano mo kamahal ang asawa mo. We saw how you look at her and that's how our married friends looked at their wives. Ayos lang naman sana 'yon, pero niloko ka niya at ipinagpalit sa iba, 'tapos ngayon babalik siya."

Nagtagis ang mga bagang niya sa huling sinabi ni Lysander. "Alam kong niloko niya ako, hindi mo na kailangang ipamukha."

"Hindi ko ipinapamukha," sabi ni Lysander. "Ipinapaalala ko lang baka kasi makalimutan mo at pabalikin mo na naman siya sa buhay mo."

"We saw how broken you are when she left," dagdag ni Andrius. "Ayaw lang namin na makita kang ganoon uli. She's not healthy for you, man. And if Vienna is here, she'll agree with us."

Ihinilamos ni Cali ang mga palad sa mukha, saka nagpakawala ng buntong-hininga. "Nasa penthouse ko si Annette."

Kanya-kanyang mura ang mga kaibigan niya sa sinabi niya.

"What the fuck, man?!" Lysander cussed again. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa 'yo?"

"Fucking shit!" Andrius groaned. "The fuck, man? Nag-iisip ka ba?"

"Hindi niya ako maalala, or at least, that's what I think," sabi niya, saka inubos ang laman ng Cali. "O baka nagpapanggap lang siya. I don't know! But whatever it is, gusto kong malaman. And she's not in my house because I want to play husband and wife with her. Kinuha ko siyang katulong. Gusto ko mabantayan ang mga galaw niya. One wrong move and I'll file a case against her."

Napailing-iling si Thorn. "Insan, you're playing fire with fire. Mahal mo si Annette, 'tapos pinapasok mo sa penthouse mo—"

"Hindi ko na siya mahal!" nakatiim-bagang niyang sigaw na ikinagulat ng mga kaibigan niya. "The moment that she left me, binura ko na siya sa lahat ng sulok ng puso ko. I don't love her anymore and I will never love her again."

"I just hope that your plan won't blow up on your face," napapailing na sabi ni Lysander, saka uminom ng Cali.

Si Andrius naman ay nahiga sa mahabang sofa, saka tumingin sa kanya. "So that's your brilliant plan?"

Tumango si Cali. "Yes."

"Well, wala naman kaming magagawa." Umayos ng higa si Andrius. "Suportahan ka namin diyan sa kabaliwan mo. Pero kapag nag-backfire 'yang plano mo—"

"Mag-inuman na lang tayo," pagtatapos ni Lysander sa sinabi ni Andrius, sabay taas sa ere ng hawak nitong Cali.

Napailing-iling na lang siya sa mga kaibigan. These lunatics had been there for him in the darkest days of his life. Noong palagi siyang lasing at walang direksiyon ang buhay dahil sa ginawa ng asawa niya, ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya para maibalik niya ang dating sarili na binasag ng asawa niya.

At ipinapangako niya sa sarili na hinding-hindi na mangyayari 'yon sa kanya uli. Hinding-hindi na siya masasaktan ni Annette. 


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaМесто, где живут истории. Откройте их для себя