Nagtungo siya sa kusina at ininit ang kape sa coffee pot. Pagkatapos ay kumuha siya ng dalawang slice ng longganisa sa ref at prinito 'yon. Habang nagpiprito, naglagay siya ng sliced bread sa toaster.

Nang matapos prituhin ang longganisa, tamang-tama naman na tapos nang ma-toast ang sliced bread. Hindi alam ni Annette pero parang siguradong-sigurado siya sa ginagawa. Lalo na nang alisin niya sa pagkakabalot ang prinitong longganis, saka ang laman niyon ay ginawang palaman sa dalawang toasted bread.

Then she put the longganisa sandwich on the plate, put it on the table. She also poured a hot coffee on the cup and put it beside the plate with the sandwich. Pagkatapos ay kumuha siya ng malamig na tubig, saka itinabi ang baso sa umuusok na kape.

"Done," sabi niya, saka napakurap-kurap nang makita ang inihanda niya.

She didn't even know how she come up with longganisa sandwich. Para lang normal nang gawin niya iyon para sa agahan ni Cali at parang siguradong-sigurado siya na masasarapan ito.

"Annette, ano'ng—" Napatigil sa pagsasalita si Cali nang makapasok sa kusina at napatitig lang sa longganisa sandwich na ginawa niya na para bang nakakita ng multo. "Ano 'yan?"

"Longganisa sandwich—"

"Alam ko kung ano 'yan, Annette!" Gumuhit ang iritasyon sa guwapo nitong mukha. "Ang tanong, bakit ginawa mo 'yan?"

"Para sana sa agahan mo, Sir Cali." Nagbaba siya ng tingin sa takot na masinghalan nito. "I just thought you might like it."

Mahabang katahimikan ang nagdaan bago niya narinig ang boses ni Cali.

"Look at me," sabi nito.

Nag-angat naman siya ng tingin sa lalaki. "Ano 'yon?"

"Kainin mo 'yang ginawa mo. Hindi ako nagugutom," wika nito.

Alam ni Annette na bumalatay ang sakit sa mukha niya kaya tumango siya at tumuon ang tingin sa paa niya. Ayaw niyang makita nito na nasaktan siya. Parang hindi man lang nito pinahalagahan ang ginawa niyang sandwich. Nag-effort pa naman siya.

"Pasensiya na," hingi niya ng paumanhin sa malungkot na boses. "Hindi mo nagustuhan."

Narinig niyang malakas itong napabuntong-hininga, saka mahinang napamura. Kapagkuwan ay humakbang palapit sa mesa.

Agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti ang puso niya nang makitang kinain ni Cali ang ginawa niyang sandwich at sinisimsim ang kapeng hinain niya. Kapagkuwan ay inubos nito ang isang basong tubig na katabi ng kape, saka tumingin sa kanya.

"Done. Happy?"

Malapad siyang ngumiti. "Salamat dahil kinain mo."

Magkasalubong ang mga kilay na umalis ito sa kusina na mabilis naman niyang sinundan.

"Aalis ka ba, Sir Cali?" tanong niya dahil nakaporma ito.

"Yes. I'm going to see Ly," sagot nito, saka kinuha ang cell phone sa bulsa at iniabot 'yon sa kanya. "That's my phone. I already reformat it and put a new sim card. Number ko lang ang nandiyan at huwag na huwag kang maglalagay ng ibang number diyan dahil hindi 'yan sa 'yo. Naiintindihan mo?"

"Yes, Sir."

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Anong sinabi ko sa 'yo kanina? Tawagin mo ako sa..."

"Sa pangalan mo," pagtatapos niya.

"Well?"

"Cali."

Tumango ito, hindi niya alam kung nasiyahan sa pagtawag niya ng Cali dito o wala lang.

Naglakad ang lalaki palabas ng pinto ng penthouse. Pero bago makalabas, bumaling ito sa kanya na para bang may nakalimutang sabihin.

POSSESSIVE 12: Cali SudalgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon