[5] Pissed

3.9K 132 10
                                    


KABANATA V

IT was very warm. Kulang na lang ay isiksik ni Sapphire ang sarili sa lugar na 'yon. Humigpit ang pagkakahawak niya ito at mas lalo pang ibinaon ang mukha ro'n. Hindi pa niya nararanasan ang init na 'yon sa buong buhay. Naramdaman niyang may gumalaw sa kanyang gilid na kaagad niyang ipinagtaka. Humigpit din ang kung anong nakapaligid sa kanyang katawan.

Idinilat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang puting tela na mukhang pamilyar sa kanya. Muli niyang naramdaman ang pagkilos ng yakap-yakap na unan. Dahan-dahan siyang tumingala, tumambad sa kanyang mukha ang mapupulang labi na kanyang ikinabigla. Pamilyar na pamilyar pa ang imahe na nakikita.

Saka niya lang napagtanto na si Spade ang yakap-yakap niya hindi unan. At hindi siya nadaraganan ng kumot kung hindi ng mga bisig nito. Napabalikwas siya ng tayo at otomatikong itinulak ang binata papalayo sa kanya. Muntik pa itong mahulog sa higaan na kaagad naman nitong ikinabigla.

"Ate tawag ka na ni Mama!" saka humampas ang pinto sa pader at tumambad doon ang nakababata niyang kapatid. Halos sabay sila ng Spade na napalingon sa lugar no'n at mukhang ikinagulat din ng bata.

"T-teka!" isinara ng bata ang pinto at narinig niya ang mabilis na pagyabag nito pababa ng hagdan.

"Mama! Si ate may kasamang lalaki sa kwarto niya. Pareho silang nakaupo sa kama." Dinig niyang sumbong ng kapatid mula sa unang palapag. Halos mapasabunot siya sa sarili. Binalingan niya ng tingin ang binata at hinawakan ito sa braso. Kinaladkad niya ito at itinulak malapit sa bintana.

"Kahit ngayon lang pakinggan mo ako. Magkita na lang tayo sa school mamaya. Kailangan mo na talagang umalis kung hindi lagot ako." Nakita niyang kumunot ang noon ng binata at mukhang makikipag-argumento sa kanya ngunit dali-dali niya itong ipinagtulakan sa bintana. "Utang na loob, Spade."

Sa huli'y lumiban din naman ang binata papalabas ng kanyang silid. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang lumundag 'yon sa kanyang bintana at lumitaw ang itim na pakpak nito. Lumipad 'yon paitaas na kaagad naman niyang hinabol ng tingin. May ilang mga balahibo pang nalaglag nang ito'y magtungo sa itaas na bahagi ng kanilang bahay. Marahil sa bubungan ito namalagi.

Muling humampas sa pader ang pinto na kanyang ikinagulat. Pumasok sa kanyang silid ang kanyang ina kasabay ang nakababatang kapatid. "Ano 'tong pinagsasabi ni Mikay? Bakit nagpapasok ka ng lalaki sa kwarto mo?"

"Lalaki? Walang lalaki rito. Isa pa, wala ng akong boyfriend kaya papaano magkakaroon ng lalaki rito?" pagmamaang-maangan nila.

"Meron kaya!" halos pandilatan niya ng mga mata ang kapatid.

"Baka naman nananaginip ka pa, Mikay. Nood ka kasi ng nood ng mga cartoons!" saka siya natawa.

"Akala ko naman kung ano na 'tong pinagsasasabi ni Mikay. D'yos ko po." Saka lumiban ang kanyang ina sa kanyang silid. Bago pa man makalabas ang dalawa'y muli niyang pinandilatan ng mga mata ang kapatid kasunod ng mapanudyong ngiti.

Nakahinga siya ng maluwag. Dahan-dahang napasalampak sa sahig at isinandal ang ulo sa dingding. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang muling maalala ang nangyari nang siya'y magising. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya sa kanyang katawan ang init na naramdaman sa pagkakayakap sa binata.

Para bang nag-init ang kanyang mukha. Ang alam niya'y natulog siya sa upuan ngunit nang magising siya'y nakahiga na siya sa kama.

Bago pa man siya mapasa-ilalim sa karimlan ng kakiligan ay nag-ayos na siya ng sarili. Kumain ng almusal at naghanda pa ng pack lunch. Hindi naman siya nagbabaon ng pagkain sa tuwing papasok. Bigla na lang niyang naisip na dapat siyang magdala ng pagkain dahil pinaalis niya ng maaga si Spade.

The Devil's Lover ✅Where stories live. Discover now