"depende yun iho, stable na naman sya eh, wah lang talagang masyadong mag iisip"

"ganun po ba? sige po puntahan ko lang po asawa ko"

"mommy"

YNA'S POV:

"mommy"

Ang lungkot ng boses nya, baka nga galing pa sya sa pag iyak. Sino ba naman ang hindi maiiyak, masyadong mabilis ang mga pangyayari kanina. Nung mahulog ako at makita ko na may dugo, na blackout na ako.

Hindi ko naman alam eh, wala naman senyales na buntis ako, kala ko nag irregular lang ulit ako, dapat next month pa ako mag papa check up kung madedelay sana ulit.

Pero wala na eh. Hindi ko alam kung ano yung dapat maramdaman ko ngayon, Kasalanan ko naman talaga ito.

Hinawakan nya ang kamay ko. Yung nakapatong sa tummy ko. Kung saan sana may bata pang natutulog kung hindi sana ako nagpabaya.

Hindi ko mapigilan na pumatak yung luha ko. Mas ok sana kung nagwawala si aaron ngayon, ilabas nya yung galit nya. Hindi yung parang walang nangyari.

"sorry"

Hindi ko pa din minumulat ang mga mata ko. Ayaw ko makita mukha ni Aaron. 

"hindi mo naman kasalanan"

Hindi ko kasalanan? eh sino? alangan naman nagkusa yung baby na malaglag di ba?

"kasalanan ko, hayaan mo na lang ako na isipin na kasalanan ko kasi yun na lang magagawa ko ngayon, wala na akong magagawa para ibalik si baby,, wala na"

"mommy"

"pwedeng iwan mo muna ako? hindi ko kasi kaya na makita ka. Naiiyak lang ako na isipin na nasasaktan ka ngayon pero mas pinipili mo na pagaanin ang loob ko"

"hindi ako aalis"

Niyakap nya ako. Paran umiiyak na nga din sya. Ang sama sama ko ba? 

"mommy nawalan na nga tayo ng anak, sa palagay mo ba hahayaan ko na lumayo ka o ang ilayo ang sarili ko sayo? siguroo nga hindi pa para sa atin si baby, maghihintay ako kahit gaano katagal basta wag mo lang hilingin na iwanan ka"

Yumakap na ako sa kanya. Tuluyan na akong umiyak. Bakit ba ang bait bait ng lalaking ito?

"sorry daddy, hindi ko alam na buntis ako, dapat next month pa ako magpapa check up eh, sorry hindi ako nag ingat"

"mag iingat na lang po tayo sa sunod, sabi ni doc basta wag ka lan daw masyadong mag isip hindi  kanaman daw mahihirapan magbuntis ulit"

"bigyan pa kaya ako? napaka pabaya kong ina"

'Wag kang mag isip ng ganan, magkakaanak pa din tayo kahit anong mangyari"

"sana nga daddy,, sana"

Sana nga.  Hindi mo din alam kung anong pwedeng mangyari. Ang tagal namin hinintay ni Aaron pero napakabilis lang kinuha sa amin. Ni hindi nga namin alam na dumating na sya,

Bakit ganun naman baby, ang bilis mo namang iwanan sina mommy at daddy?

......................................................................................................

T_T

_casper_

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon