Chapter 62 - BFF

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango si Ella " Naiintindihan ko " ani Ella at gamit ang palad nya ay pinahid nya ang kanyang mga luha

" Here let me " sabi ni Rei at gamit ang sariling panyo nya ay pinahid nya ang luha sa mukha ng dalaga samantalang si Ella ay bahagya namang nagulat sa ikinilos ng binata kaya hindi sya agad nakakilos " You're cute even when you cry but I'd rather see you smile so please don't cry anymore at least for me."

Sa sinabi ni Rei ay biglang nagblush si Ella hindi nya alam kung bakit pero ito ang unang beses na nakaramdam sya ng pagkailang sa isang lalake pero at the same time she feel faltered.

Samantala late na dumating si Anya sa isang subject nya kaya pagpasok nya sa classroom ay nag nakakakalahati na ang discussion nila. Umupo si Anya sa pwesto nya at tahimik na nakinig sa Prof na tinignan muna sya ng hindi maganda bago ituloy ang klase nya pero hindi iyon pinansin ni Anya basta nag concentrate na lang sya sa pag-intindi sa itinuturo.

Pagkatapos ng klase nya ay sya ang unang lumabas ng classroom at noong naglalakad na sya sa hallway papunta sa library ay nasalubong nya si Joyce.

" Anya" tawag ni Joyce sa kanya

Huminto naman ito at hinintay ang kaibigan nya

" Hello Joyce bakit?"

" Anya what's going on? bakit hindi ka pumasok kanina sa unang subject mo nagpa long quiz si Sir."

" Late na kasi ako nagising" sabi ko

" Ano bang nangyayari sayo? Kapag pinagpatuloy mo ito baka bumagsak ka na talaga ng tuluyan "

" Hey relax okay lang naman ako" sabi ni Anya kay Joyce na parang hindi nag-aalala

" Anya naman please wag ka na magpaapekto sa video na yun isa pa hindi naman ako naniniwala dun." sabi ni Joyce

" Sorry Joyce I have to go papasok pa kasi ako sa part time ko"

" Wait.." bumuntong hininga si Joyce gusto nyang intindihin si Anya pero suko sya sa pag-asal nito na parang walang pakialam " Bago ka pumunta dun daanan mo muna si Dean "

" Bakit?"

" Gusto kang makausap ng dean natin I think regarding yun sa studies mo." sabi ni Joyce halata sa boses nya ang pag-aalala

" Okay thanks Joyce" sabi naman ni Anya

" Anya..." lumingon naman ito sa kanya " good luck."

Tumango lang sya tapos umalis na ito at nagpunta sa Dean's Office at noong nakita sya ng sectretary nito ay agad syang pinapasok sa loob ng office.

" Sit down Ms. Salcedo" sabi ng Dean

" Thank you Ma'am" umupo sya agad

" Do you know why you're here?"

" No Ma'am" sabi ni Anya

" Well. I'm concern about you about your performance for the passed weeks" tinignan sya ng dean sa mata na parang binabasa nito ang mga kilos nya

" Ms. Salcedo what's going on with you?" hindi parin sumagot si Anya yumuko lang sya at nanahimik kaya bumuntung hininga ang dean nila " Anya you're a good student you're punctual, motivated and goal oriented alam mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang gusto mong marating but lately your performance has been changed. You come to classes late and unprepared you do not participate with your activities plus you are absent alot iha nagrereklamo na ang mga prof mo sa akin kaya wala akong magawa kundi ang ipatawag ka dito"

" I'm sorry po kung pati kayo nadadamay." sabi ni Anya

" Sorry? was that all you can say sorry?"

" Opo sorry po Ma'am"

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon