Binibigyan nya ko ng chance. Eto na yun, pwede na kaming magkasundo ni Aries. Papatunayan ko na nagbago na talaga ko. Yeah! I'm a good girl now.

Nakangiti ako'ng pumasok sa room namin. Pero nawala din yun ng makita ko yung upuan ko. Andun kasi yung bahagi ng paldakong nadikit sa bangko.

Tinignan ko ng masama yung grupo ni Keifer. Aba! Pumasok na si Yuri! Poker face lang ang luko pati si Keifer.

Dahil para sakin parte ng masakit na nakaraan itong ritaso ng palda ko. Hindi ko na aalisin yan. Dyan na yan forever. Kuhanan ko picture mamaya. Kinapa ko muna yung upuan bago maupo. Mahirap na!

Agad kong hinalungkat yung bag ko para kunin yung notebook at libro ko. Kayalang dahil sa dami ng chocolate sa bag ko nahirapan akong kunin yun.

Bakit parang ang lalim ng bag ko?

Napadami ata yung dala kong chocolate. Sila Ci-N at Felix lang naman yung bibigyan ko. Si Kuya Angelo kasi may kasalanan nito eh.

Sobrang dami nyang pasalubong sakin. Meron pa ngang damit at handbag. Para namang gagamitin ko yun.

Lumingon ako sa likod para tawagin si Felix. Halatang kakakain lang nya ng Nova. Dinidilaan pa nya yung daliri nya eh. Eewww!

"Felix! Tara dito!" Tawag ko.

Tatayo na sana sya para lumapit pero pinigilan sya nung Yuri. Problema nito?

"Kung ikaw may kailangan bakit hindi ikaw ang lumapit." Sabi ni Yuri.

Napa-kunot ang noo ko sa sinabi nya. Napaka-sungit pala nito! Inirapan ko naman sya.

Kumuha nalang ako ng isang malaking Chocolate sa bag.

"Felix!" Tawag ko at hinarap ang chocolate sa kanya.

Parang aso'ng naglaway ang luko. Pati mga classmate namin napatingin na rin at mga kuminang ang mata sa hawak ko. Ngayon lang ba naka-kita ng chocolate tong mga to?

Pati si Keifer tumingin din samin pero naka-poker face lang.

Walang nagawa si Yuri ng tumakbo si Felix palapit sakin para kuhanin yung binibigay ko.

"Akin talaga to?!" Tuwang tuwang tanung nya pagkakuha ng chocolate.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo.. Sayo yan."

Parang bata'ng nagmamadali si Felix sa pagbukas ng kahon ng tsokolate. Dahil sa taranta hindi nya mabuksan ng maayos hangang sa agawin na ito sa kanya ni... Keifer?

"Bagal mo!" Reklamo nya at sandaliang binuksan ang kahon.

Kumuha sya ng kaputol at ibanalik yun kay Felix.

Taka ko syang tinignan. Mahilig din pala sa chocolate to pero mukang ayaw nyang ipahalata.

Tumaas ang isang kilay nya ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Ay shit! Bakit nga ba ko nakatingin sa kanya?

"Gusto mo talaga nag-dadala ng pagkain no?" Keifer suddenly ask.

"Huh?!"

"Then i have a task for you." He said and get back to his sit.

Magtatanung pa sana ako kung anu ibig nyang sabihin pero biglang dumating si Sir Alvin.

Anu kaya'ng task yung ibig nyang sabihin? Kinakabahan naman ako. Mamaya kalokohan na naman nila yun. Baka pagt-tripan na naman nila ko. Anu na namang kayang balak nitong mga to? Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa tinuturo ni Sir.

Bakit nga pala wala pa rin si Ci-N? May nangyari na kaya sa kanya? Naisip ko tuloy yung mga lalaking sumusunod sa kanya.

Natapos ang klase. Nag-ayos na ko ng gamit para maka-alis na ko dito at makapag-lunch sa hide-out ko. Hehehe gutom much!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon