Chapter 7

1.1M 45K 21.9K
                                    

Crush

Jay-jay's POV

Na-stroke ata ako! Muntik na ko'ng hindi makagalaw kanina. Buti nalang tinawag na ko ni Ate'ng tindera. Baka hindi na ko nakagalaw ng tuluyan sa harap nu'ng Kiko na yun.

Bakit ba may mga ganun ka-gwapo'ng nilalang?

OA man yung pagka-gwapo na sinasabi ko. Gwapo kasi talaga!

Yung kulot na medyo mahaba nya'ng buhok, mahabang pilik-mata, kulay brown yung mata, jaw line that fits perfectly on his face, kissable lips and samahan pa ng tanned color nya.

Ahh daba? Gwapo? Napapa-english pa ko sa pag-describe!

Kasalukuyan akong nasa second floor ng building ng Section E. Sa dating pwesto ko. Kumakain ako mag-isa dito. Hindi ko alam kung saan pumwesto si Ci-N. Pagka-abot ko kasi sa kanya ng pagkain, mabilis pa syang tumakbo kay FLASH paalis. Kakaiba'ng bata!

Tapos na kong kumain at nililigpit ko na yung baunan ko. Tutal maaga pa naman, naisip kong silipin yung mga kwarto dito sa second floor. Na-curious lang ako sa kung anong meron dito bukod sa basura.

Apat yung mga kwarto dito na may tig-dadalawang pinto. Marumi na yung mga kwarto, basag-basag yung mga jalusy, sira-sira na rin yung mga lamesa at bangko. Pwede pa rin naman sanang pakinabangan kung aayusin lang at papalitan mga gamit.

Pumasok ako sa isa sa mga room. Maraming nagkalat na papel sa sahig. Lalabas na din sana ako para silipin yung kabila ng may mapansin akong sobre na kulay Pink at may heart design sa sahig. Ang cute kasi ng pag-kaka-ayos nya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi paki-alaman.

Pinulot ko yun at pinagpag. Makapal na kasi yung nakabalot na alikabok. Binuksan ko yung sobre at nakita kong may sulat pa sa loob.

Hindi naman sa paki-alamera ako. Pero nangangati kasi yung utak ko na malaman yung laman. Tsaka isa pa wala namang may-ari nito. Kung meron bakit iniwan dito? Ibig sabihin ayaw na nya. O pwede ring hindi natanggap nung dapat makakatanggap. Hmpf! Bahala na nga!

Buksan ko nalang!

Stationary pa yung gamit nung nagsulat at halatang babae dahil sa ganda ng pagkaka-sulat.

Dear Calix,

HAPPY MONTHSARY!! I ❤ U

Pasensya kana eto lang nakayanan ko para sa monthsary natin. Pinag-iipunan ko na kasi yung gusto mong sapatos, at promise ko sayo na yun yung ibibigay ko sayong regalo sa birthday mo.

Gusto ko sana'ng sabihin sayo to ng personal kayalang natatakot ako kasi lagi kang galit kaya idadaan ko nalang sa sulat.

Calix, nagpapasalamat ako sayo kasi ako yung pinili mo sa dami ng naghahabol sayo at kahit sekreto to, masaya'ng masaya ako. Wag ka mag-alala kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na iba talaga yung girlfriend mo at marami ka'ng babae. Mahal na mahal kita at malaki yung tiwala ko sayo.

Sa totoo lang minsan naiinis na ko sayo kasi minsan na nga lang tayo magkita hindi mo pa ko pinapansin pero syempre hindi naman kita matitiis. Lagi mo tatandaan na kahit anung galit or inis ko sayo, isigaw mo lang na mahal na mahal mo ko mawawala lahat ng yun.

Happy Monthsary ulit!! I ❤ You!

Mica 😘

Bakit parang pamilyar tong Calix? Classmate ko ata to eh! Ewan! Hindi ko pa naman kasi sila ganun kilala. Kahit konti lang sila nakakatamad ding alamin pangalan nila ah. Malalaman ko din naman siguro yon sa mga susunod pang araw.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon