"Punta ako diyan? Saglit lang, promise. Promise talaga.." Hininaan ko ang boses ko. Baka may makarinig na naman at pigilan ako.


"'Wag na, love. Wait ka nalang 'til later, okay? I miss you. I love you."

Powe. Paano ako pipigilan eh hindi naman din ako papayagan. "Iyak nalang ako, love?"

"'Wag ka iyak ngayon. Later iyak ka. Hahaha!"

"Oh?"

"Yesh! Sige na, byeeee! Love you~"


"Love—" Tatapusin ko pa sana kaso bigla naman niyang pinatay. "You" Pagpapatuloy ko nalang. Bumuntong hininga na naman ako. Nakailan na ba ako?

Tinawag ako ng videographer. Umakto raw akong tumitingin-tingin sa labas. After that, ang pinagawa nila sakin ay kunyaring nagsusulat ng vow ko. Tapos ay, tinanong nila ako kung anong nararamdaman ko ngayon. Nire-record nila siyempre para sa video mamaya na ipre-present.

"Hindi ako masaya." Natigilan naman sila. "Kasi miss na miss ko na siya. Parang 'di ko na maiintay mamaya kasi gustong-gusto ko na siyang makita."

"AWWWWWWWWWWWWWWW," Magkakayakap sila Aki, Miro at Cady habang nang-aasar. Talagang nang-aasar no?

Pagkatapos ng ilan pa, pinagfinalize na talaga kami. Nakatingin ako sa salamin. Sa sarili ko. Ito na. Wala ng isang oras... ikakasal na kayo. Sayong-sayo na, Mavis.

Noong nasa elevator kami nila Mama, pinress ko ang 5. Agad naman niya akong binatukan. "Gago ka talagang bata ka! Ilang minuto nalang di pa maka-wait!"


Nagtawanan nalang kami ni Papa sabay kamot ko sa ulo ko. Sayang. Edi sana nagala-flash ako, nun. Diretso kwarto ng mahal ko at kiss at yakap ng mga2 minutes tapos kiss ulit ng mga 6minutes tapos yakap pa talaga and then 8 minutes na kiss. 


Hay sarap mag imagine.






Pagkarating sa simabahan, binati ko ang ibang mga Tita ko, kamag-anak ko. Pati na rin katrabaho, kaibigan.

"Okay, start na po tayo sa line up." Rinig ko'ng sabi ng wedding coordinator. Tinapik ako ni Cady. "Uy, pwesto na tayo." Si Cady ang best man ko. Hindi dahil sa gusto ko talaga siyang maging best man pero siya yung nanalo sa game na ginawa nilang tatlo entitled Who's the best man. Pang-gago no? Tinanong kasi nila ako kung sino raw ang kukunin ko. Sabi ko bahala kayo. Kaya ayun, wala namang ayaw maging best man sakanila kaya gumawa sila ng laro.

"Tara," Sabi ko. Naglalakad na kami papunta sa unahan ng bigla kaming napahinto sa dalawang tao na sumasalubong samin.... Her parents.

"Good afternoon, Tito, Tita." Masaya ko'ng bati sakanila. "Thank you po dahil... pumayag kayo." Dahan-dahang lumapit sakin si Tita. "No, thank you. Thank you for everything, Mavis. I want to witness the wedding of my daughter. Maraming mga bagay ang na-realize namin. Marami kaming mali. We will talk to her personally after your honeymoon."


"Salamat, hijo. Pinunan mo yung mga kakulangan namin. Yung pagmamahal na 'di namin naibigay. Maraming salamat, Mav. Promise, babawi kami sa anak naming si Prim.. Sa inyo. Masaya ako para sa inyong dalawa."

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now