Shots

2.8K 156 50
                                    




**


"TAMA na 'yan." 


"Hindi, isa pa." Hindi ko nilingon si Miro, Aki at Cady. Instead, sinenyasan ko ang bartender na nasa harap ko. Tumango siya at binigyan ako ng isa pang baso. 


Inom.


"Isa pa," 


Huminto naman na sila sa pangungulit sakin. Kilala nila ako, kapag gusto ko, gusto ko talaga. 


Hindi nga nila ako napigilang ligawan si Prim, ito pa kaya?


Uminom pa ko ng uminom kahit na nahihilo na ko at kahit na kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko'ng maiyak dito. Tangina. 


Kahit saang sulok kasi, nakikita ko siya. Kahit san ako magpunta, dinadala ako ng mga paa ko papunta sakanya. Kaya kailangan ko'ng pigilan. Kailangan ko'ng pigilan lahat ng posibleng gawin ko na... malamang sa malamang... ikamatay ko na. 


Sumama sakin sila Miro kasi babantayan daw nila ako. Ayaw raw nilang mapahamak ako. O kaya baka dahil sa kalasingan ko, maka-disgrasya ako. Sweet diba? Hinayaan ko nalang. Mas mabuti na 'yon. Nakakapag isip pa naman ako ng matino. Kay Prim lang naman ako nau-ulol. 


Chinicheck ko ang cellphone ko from time to time. Parang tanga no? Hanggang ngayon kasi, umaasa parin akong magte-text siya sakin. Tapos ang text na 'yon may laman na "Mahal kita, ikaw ang pinipili ko." Haha. 

Kasi sa totoo lang? Kahit na gaano na kasakit basta ako lang ang piliin niya... ayos lang. Haha. Pinaplano ko na nga ang gagawin ko kapag may nalaman o nabasa akong ganon. Sasakay ako ng kotse ko, magmamaneho ng mabilis pero maayos, pupuntahan ko siya. Pupuntahan ko siya at pag nakita ko na siya... yayakapin ko siya ng sobrang higpit. Sobrang higpit tapos hindi ko siya pagsasalitain, hahalikan ko agad siya. Hahalikan ko siya sabay sabi ng "Mahal na mahal kita." 


Pero hanggang ngayon wala pa. 


Uminom ulit ako. Ilang baso ba ang pwede ko'ng inumin para kahit papano, kahit kaunti, mawala 'tong sakit na nararamdaman ko? Sa sobrang sakit baka pwede akong magpa-ospital. Ospital ng mga bigong puso? Meron ba 'yon? Kasi kung sa estado ko ngayon baka comatosed patient nako. 

Nakailang 'Isa pa' ba ako ngayon? Haha. Gusto ko kasing malasing ng malasing araw-araw para... para makatulog agad ako kasi ilang araw na rin akong walang tulog. Pangatlong araw ko na nga to'ng inom ng inom, e. Nung una sa bahay lang, pero mas nakakabingi ang katahimikan. Tsaka doon, naiiyak ako lalo. Or should I say umiiyak ako lalo. 


Napatingin ako sa tumabi sakin. Napahinto. Nagtaka. 


"Isa," Sabi niya sa bartender. 


Tumayo kaagad ako pero pag tayo ko palang medyo nahihilo na ko. "Mav," Sabi niya. Tinignan ko siya. "Ayoko ng away, Jared." 

LIKE THOSE MOVIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon