Clear as day

4K 207 45
                                    


**


"ANDITO na tayo," Sabi ni Cady kaya naman ginising na ni Mira si Vivian at nagready na rin si Leigh, Aki at ang katabi ko'ng si Prim. Pagkalabas nila, siyempre lumabas na rin ako. Sakto namang 6pm na kaya magdi-dinner na kami.


"Haaaay, antok pa 'ko." Vivian. 


"Gusto mo tulog ka muna dun?" Sarcastic na sabi ni Prim sakanya. Inirapan lang naman niya 'to. Nga pala, napansin ko'ng wala si Miro. Hindi nga pala namin naisip kanina. Pero okay lang, wala din namang kwenta yun kung sumama man.


Umuna na sila sa pagpasok habang ako dito muna sa labas. Wala, malamig na naman sa loob eh. Gusto ko lang mainitan. 


Hanggang sa sumunod na rin ako. Hindi ko alam kung tama ba na nagpahuli ako kasi ngayon.. magkatabi si Cady atsaka si Prim. Pinagi-gitnaan siya actually nina Aki at Cady. Tapos lahat sila parang normal lang, walang problema. Eh ano nga bang masama Mavis? Eh magkakaibigan naman sila... tangina naman. Ano bang nangyayare sakin. Nagulo ko tuloy ang buhok ko bago umupo sa tabi ni Leigh. Kaharap ko si Cady. 


Nakatingin siya kay Prim kasi nagsasalita ito. Paka-daldal, kairita.


"Huy, okay ka lang?" Siniko ako ni Leigh. Pagtingin ko sakanya.. "Ang sama ng tingin mo sakin, huy." 


"Kanina pa ba?"


"Oo, no. Nadala mo nga nung tumingin ka sakin." Medyo nagbubulongan kaming dalawa. Mahina lang yung pag-uusap namin.. "Kainis kasi." Sabi ko. Nakakainis naman talaga. 


Hindi kasi kami magkatabi. 


Nasanay akong katabi ko siya eh. 


"Selos ka no?" Lumapit pa sakin lalo si Leigh. 


"Hindi ako nagse-selos." Mahinang sabi ko pa din. Pero baka.


"Look, guys!" Sabay taas ni Vivian ng camera niya. Nasa gitna kasi siya. Tumingin naman kami lahat doon. Ako lang yata yung hindi nakangiti. 


"Magkano smile, Mav?" 


Prim. 


Ay anong Prim teka kinginang 'yan. Magkano sabi hindi sino. At anong sino bakit si Prim nababaliw na ba ako? Oo nababaliw na nga ata. Psh. 


Nakapagorder na pala sila... maya-maya lang kasi dumating na yung pagkain.


After mag-pray--siyempre kumain na. Pagkalagay nga ng food kukuha na sana sina Aki kaso nag sign of the cross si Mira kaya napahinto sila. Hindi naman kasi kami mahilig magdasal. Kahit nga simba. Wala. 


"Prim, picture tayo." Rinig ko'ng sabi ni Cady sakanya. Kahit di ako nakatingin, narinig ko pa din. 

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now