Chapter 21

57 1 0
                                    

Christian Torres' POV

"Oh Christian, happy birthday again. Hope this birthday'll be a great one." ngiti ngiting sinabi ni kuya Matt tas hinahand action niya na buksan ko na yung pintuan ng bahay namin.

"HAPPY BIRTHDAY CHRISTIAN!!!" pasigaw sa sinabi ni ate sa akin nang buksan ko yung pinto sa bahay. Naalala niya na birthday ko ngayon. May cake pa siya!

"Oh Chris bakit?" tiningnan ako ni ate sa mata. Nakayuko ako. Di ko naman alam na susurpresahin mo ako eh. Kaya nga sorpresa eh.

"Ate naman eh!!" napaiyak ako.

"Bakit ako!? Hala!! Omg omg!! Anong gagawin ko??" lumingon lingon pa si ate kina ate Clara at yung mga uncle niya.

Tiningnan ko siya bago sabihin ang "Love you ate!!" tas hinug ko siya. Waaah, natouch ako, shet naman oh. Di ko aakalain na gagawan ako ni ate ng cake kasi yung nangyari nga sa amin and all that echos. 

"Love you too Chris." sagot sakin ni ate. "Oh eto, letter. Ngayon ko lang din ginawa, hehe. Sorry naman kung sobrang simple. Mom mo kasi, sobrang yaman, feeling ko di ko mamatch yung kayamanan niya."

"Ate, kahit simple okay na ako dun. At least yung sayo from the heart."

"Nye, chos! Ang corny mo na Chris! Tama na ang panonood ng teleserye!! Hahahaha!!" 

"Hindi ate, natural to. Mana kasi ako sayo!"

"Ehh!! Chos!! Tama na!! Naflaflatter ako!! Nye!! Ahahaha!! Oh, basahin mo na yung letter Chris."

Tiningnan ko yung letter na nasa kamay ko at sinimulang buksan ito. 

"Basahin ko ate ah?"

"Sige."

"Chris,

Sorry kung hindi ako yung ate na ginusto mo pero ganito talaga ako sana matanggap mo nalang, hehe. Well... uhh.... simulan natin sa: happy birthday Chris :) love you. Kahit hindi tayo nagkasundo dati ay sana magkasundo na tayo sa future para sa ikabubuti rin naman natin eh. Sorry sa dati ah! No hard feelings! *does peace sign* Akala mo di ko maalala birthday ko ngayon noh? Haha! Di naman ako mabuting ate kung mangyayari yun! Prinepare ko yung cake mo ngayong umaga rin kasi kahapon nga ay parang nilalamig ako and echos echos echos. Tas itong letter rin ay ngayon lang rin kaya ganito itsura, impromtu-ish or I dunno. But yeah, totoo yung lahat na nandito sa letter okay? Love you Chris! :D 

-Nagmamahal, ate :) 

"Ate!!!" hinug ko si ate.

"Umph! Ahaha!! Lab you Chris~!! Kainin na natin cake mo~!"

Lumingon ako sa direksyon ng cake ko at may nakasulat na "Happy Birthday Chris! -Ate and friends" Ahahaha!! Di niya sinama yung names nila ate Clara!! 

Aya Torres' POV 

Wooh! Ang saya namin kahapon. Kumain kami sa labas pagkatapos ng 'mini party' ni Chris sa bahay. Nanood pa kami ng movie, yung pinili ni Chris. Pinili ni Chris ang Superman Man of Steel kasi yeah, gusto niya ng action eh yun lang yung action na hindi pa nila napapanood. Kasi ako, napanood ko na siya kasama yung pinsan ko kaya ayoko na siyang panoorin. Di kasi ako mahilig na manood ng manood ng movie na napanood ko na. Nakakasawa kasi eh, para sa akin anyway.

"Aya, you're not watching?" tinanong sakin ni Wil. Bumibili na kasi sila ng tickets at sinabi ko kay Clara na apat lang yung bilhin niyang tickets kasi di ako kasama pero siguro, napansin ni Wil na kung bakit apat lang kaya tinatanong niya sa akin.

"Yeah, napanood ko na kasi eh." nginitian ko nalang siya at nagsimulang maglakad palayo. 

"Wait!" bigla akong hinigit ni Wil kaya ayun, napatingin ako sa kanya. Wow.... ganito ba kaganda ang mga mata ni Wil? I mean, sobrang nakakaallure yung mga mata niya. They're.... sparkling..... my gosh. 

"Ano?" straight-forward kong tinanong sa kanya. Masyadong nakakadistract mata niya, noooo.

"Sasama ako." huh? Isang malaking HUH ang nakapatong sa mukha ko ngayon. Bakit naman niya ako sasamahan? I mean, okay lang naman ako mag-isa eh.

"Di wag na--" lumingon siya at bago kong matapos sabihin ang dapat kong sabihin ay sinabi niya sa kanila Clara ang "Guys, I'll be accompanying Aya kay? Later!" tas kumaway siya sa kanila.

Nye! Nakangiti sila at kumaway rin. Aber, ngayon, mukha kaming ewan. Ehh, hindi ako naka "anti-fangirl mode" o "fake girlfriend mode" eh kaya mukha kaming ewan. Nasa bulsa ng pantalon niya yung mga kamay niya. Ngayon ko lang na-realize... never ko pa nahawakan kamay niya kahit nag-prepretend kami but then again, naalala ko naman yung dare sa kanya ni Clara, yung dapat na hawakan niya kamay ko sa school. Salamat sa diyos hindi na namin ginagawa yun eh.

Bumaba kami ng isang floor at naglibot pa kami. Pumunta kaming Starbucks at nag-order kami ng drinks. 

"Ate, isa pong grande na mocha frappe."

"Ah sige po." inenter ng cashier yung order ko. Tapos tinanong niya yung name ko. Sinabi ko name ko tas sinulat niya yung name ko sa cup ko. 

"Meron pa po?"

"Ah, wala na." nginitian ko siya at pumunta ako dun sa kung saan mag-aantay ng mga order. 

Habang nag-aantay nakita ko na dumami ang tao na pumila. And by tao I mean girls. Ang aadik, talagang dumadami nga yung mga fangirls ni Wil sa bawat yapak niya. Minawalang paki ko nalang, kasi wala ako sa mood na mag-pretend gf niya. He didn't mind the girls naman eh so yeah, okay lang. 

Pero......

........................

Okay nga lang ba talaga sa akin? 

Opposites Attract Diba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon