Chapter 19

63 0 1
                                    

"Hahahaha! You really do deserve a girl like Aya. Hope it'll happen Wil. Good luck!" 

Ang panira naman ni Matt oh!! Kagabi pa yang sentence na yan paulit-ulit!! Parang sirang plaka. Bwiset.

"Matt, wake up. Hey Matt." inaalog-alog ko si Matt para gumising. Aba, ayaw gumising ah? Tinulak ko siya at nalaglag sa bed.

"Aray!!" 

"Yan kasi! Ayaw mo pa kasing--" napahinto ako sa nakita ko. Si Aya ang umaraw hindi si Matt, at si Matt naman, tulog pa kahit nilaglag ko na! Pano ulit nasa floor si Aya?

"Aya, are you okay? How'd you end up on the floor?"

Aya Torres' POV

"Di mo ba maalala kuya Wil?"

"No." 

"Kagabi kasi, ayaw ni kuya Matt humiga sa floor--"

"Alam ko, arte niya noh?" tanong sakin ni kuya Wil habang nakaupo sa kama at nakatingin sa ceiling. Taray, mukha siyang model. Ano to, photoshoot? Ako yung watergirl ng model.

"Oo. So ako nalang nag-volunteer na matulog sa floor. Si Clara naman ay kinakausap si Chris noong time na yun, para sa project thingy ata ni Chris."

"Bakit hindi ikaw yung tinanong ni Christian? Diba kapatid mo naman yun? So that means that you have more right to be asked rather than Clara." tiningnan niya ako ng mga nakatutunaw na mata niya. Ahh, gets ko na kung bakit siya nagkakaroon ng maraming fangirls. Ang ganda kasi ng mata niya eh, pinapakita that he cares a lot for you. Well, that's what I see in Wil's eyes anyway.

"Eh kasi, sabi ni Chris na kelangan raw other than family. Kaya ayun, tinanong niya si Clara."

"Ahh, okay." bumalik ulit si Wil sa model pose niya. Gwapo niya, siya ang pinakaunang tao na nakilala ko sa buong buhay ko na tinitilian ng mga tao, as in yung personal na ka-close ko ah?

"Diba December 11 ngayon?"

"Yeah, why?" tumayo si Wil at umupo sa tapat ko.

"Wala lang, birthday kasi ni Chris ngayon eh. Gusto ko sana siyang surpresahin. Feeling ko di niya alam na alam ko birthday niya ngayon." malungkot kong sinabi.

"Hmm? Bakit di naman niya alam na alam mo yung tungkol sa birthday niya?"

"Well, dati kasi, palagi kami nag-aaway ni Chris. Dahil sa parents, yung kasama ng dad ko ngayon ay yung mom niya kasi namatay na yung mom ko. Namatay si mama dahil sa plane crash na naganap sa province. 2 years old ako nung mangyari yun, at sobrang malungkot si dad nang malaman niyan a kasama si mama dun. Nagkaroon ng bisyo si dad dahil sa pagkamatay ni mama, pero isang araw habang nasa trabaho siya ay nakilala niya ang mom ni Chris. Sobrang katulad niya si mama, aaminin ko yun, kaya feeling ko na-inlove si dad sa kanya. Nung 4 na ako, nagkaroon sila ng anak at yun ay si Chris. Krisanna pangalan ni mama kaya feeling ko yun yung pinangalan ni dad kay Chris, ang Christian. 

Palagi kami hindi nagkakasundo ni Chris, at kung magkakasundo man kami ay dahil sinabi nila dad at ni mom at dahil rin na siya yung favorite, pano naman kasi wala na si mama. Pero na-realize ko rin na dapat magkasundo kami ni Chris kasi pano kapag nawala sila dad at yung mom niya, na mom ko na rin ngayon, pano kami? Kaya naging ate na ako sa kanya. Ngayon, masaya na kami, yaaay!!" ngiti ngiti kong sinabi.

"Wow, I never knew that. You two seemed like you were always getting along with each other." 

"Well, now you know."

"How do you plan on surprising your brother?"

"By baking him a home made cake."

"Why not buying him one instead?" tiningnan ko si Wil. At napaisip ako. 'Hay nako, mga mayayaman talaga. Di nila maintindihan yung value ng mga home made at mga ginawa ng mga mahal mo sa buhay.' 

"Never pa kasi nakatikim si Chris ng home made eh. Yung mom niya kasi ay mayaman kaya puro take out at delivery yung pagkain namin. Ngayon na nasa ibang bansa sila, ako ang nag-aalaga kay Chris. Ayoko naman ubusin yung pera na iniwan nila dad sa amin kaya gusto ko nalang siyang lutuan ng home made cake. At siya rin kasi yung palagi nagluluto eh. Di kasi ako masyadong marunong, desserts lang yung specialty ko."

"Ahh. Swerte ng kapatid mo at may ate siyang katulad mo."

"Hehe, I guess so." tumayo ako at pinagpag ko yung pants ko. Naka pants pa rin ako kasi di ako nakapagbihis kahapon. "Paano ko kaya malulutuan si Chris ng cake? Hmm......"

"Huh? What do you mean?"

"I mean..... pano ako makakaluto ng cake na hindi niya nalalaman?"

"Hmm....."

"I know!!" 

"Kyaa! Oh my gad, ikaw lang pala kuya Matt. Kagulat naman oh."

"Come here, magpulong-pulong tayo saglit." nagpulong-pulong kami at pinag-usapan namin yung gagawin namin. So, sila Wil ay papapuntahin nila si Chris sa mall habang ako at si Clara ay matitira lang dito sa bahay. Sounds good. Let 'Operation: Christian's birthday' commence!

Opposites Attract Diba?Where stories live. Discover now